Chapter 12

4.3K 122 8
                                    

Gwen's Point Of View

"You like Vince?" Nikka asked Quian habang naglalakad kami papunta sa cafeteria para mag-lunch. Nagkita kasi kami ng mga kaibigan ni Jarred kaninang umaga. At ayan, nagaasaran na sila.

"No! Kakakilala ko lang dun sa tao, Nikka!" Iritableng sagot ni Quian, tumawa naman kaming tatlo.

"Gwapo naman si Vince, sis!" Pang-aasar ko nadin sa kanya nang paupo na kami.

"Mas gwapo naman ako don, Gwen." Biglang may nagsalita sa likod ko kaya napalingon kaming lahat. It's Jarred!

"Oh, Jarred! What are you doing here?" Gulat na tanong ko. Tumingin muna siya sa mga kaibigan ko para ngumiti at bumati bago bumalik ng tingin sa akin.

"I want to eat lunch with you." Sagot niya naman na parang wala lang. Parang normal lang. Eh hindi naman ito normal sa amin! Narinig kong napa singhap ang mga kaibigan ko.

"Why? Asan ang mga kaibigan mo?" Tanong ko at pinaupo na siya sa tabi ko. Kumunot ang noo nya.

"May class pa. Bakit ba sila ang hinahanap mo?" Nakatitig siya sakin ngayon. I raised my left eyebrow at him.

"Mag-order na tayo." Aya ko sa kanila.

"Ako na oorder, my treat. Anong gusto nyo?" Aangal pa sana kami ng pinatigil nya kami at sinabihan na pagbigyan nalang sya. Itong lalaking 'to!

Sinamahan ko nalang syang pumila para matulungan ko din magbuhat ng order. Nakapila kami ng bigla syang umakbay sa akin kaya napaangat ako ng tingin.

"Why?" I asked him. Tinitigan nya ko kaya napa iwas ako ng tingin.

"Naggwapuhan ka pala kay Vince." Napaangat ulit ako ng tingin sa kanya. Napatawa na'ko.

"Gwapo naman talaga si Vince, actually gwapo lahat ng kaibigan mo." He raised an eyebrow to me and pouted.

"Sila lang? Paano ako?" Nanghahamon na tanong nya. I smirked bago umusod dahil mas napapalapit na kami sa counter.

"Kailangan pa ba talagang itanong sakin yan, Jarred?" I teased him. Does he want me to say that he's handsome? For what reason?

"Tss." Yan lang ang sagot niya at di na ulit nagsalita. I chuckled at kumapit nadin sa bewang nya. Napatingin naman sya sakin na parang gulat na gulat.

"What?" I asked innocently. Nakatitig lang siya sakin at biglang umiling. Mas humigpit din ang pagkakaakbay niya sakin ngayon.

Kitang kita ko ang pang-aasar sa mga mata ng mga kaibigan ko nang makabalik kami sa table. Of course, nakita nila kung paano umakbay sakin si Jarred at kung paano ko ikinawit ang braso ko sa bewang nya na naging dahilan para magmukha kaming magkayakap sa pila kanina.

We started eating and chatting, ang dami nilang tinatanong kay Jarred na nasasagot naman ng isa kaagad.

"So, wala kang girlfriend, Jarred?" Kasunod na tanong ni Nikka. Nagkatinginan kami ni Jarred at sabay napaiwas.

"Wala." He smiled. Napatingin lang ako sa mga kaibigan ko at parang may gusto na namang iparating ang mga mata nila.

Napabaling naman ako sa left side ko nang nakita kong biglang napatingin doon si Jarred. Oh, it's Leslie! Kaya naman pala.

"You want to talk to her?" I asked him. Bumaling sa akin ang mga kaibigan ko at nag-taas ng kilay. Umiling ako at bumalik ng tingin kay Jarred na nakatitig na sa akin ngayon.

"No, it's okay." He smiled, maybe wanting to assure me that it's okay. But, I don't really mind if he'll talk to her.

"Are you sure? I mean, it's fine with me if you'll talk to her. I don't really mind." Para namang hindi siya natuwa sa sinabi ko kasi dumilim ang tingin niya sa akin.

"Why?" He asked. What?

"Jarred, I know kung ano siya sa buhay mo. You like her, I know that. Kaya I understand if you still want to talk to her." I smiled at him pero parang mas lalo lang siyang nainis sa sinabi ko.

"Tapos na kung ano man yung meron sa amin, Gwen." He said, naramdaman kong ikinawit niya ang braso niya sa bewang ko. Totoo naman yung sinabi niya, tinapos niya na ang panliligaw kay Leslie nung nalaman namin na ipakakasal kami sa isa't isa. I just don't know what's Leslie's reaction is. But I know that it was very hard for both of them. At nakita ko na gusto niya din talaga si Leslie.

"Okay." I answered. He smiled at mas inilapit pa ang sarili sa akin. He's almost hugging me! What's wrong with him today?

"May next class ka pa ba?" He asked me, masyado siyang malapit sa akin kaya hindi ko matagalan ang pakikipagtitigan sa kaniya.

"Yup, 2:30 pa naman. Ikaw?" Ngayon naman ay kinuha niya na ang kanang kamay ko at hinawakan yon. Napatingin ako sa mga kaibigan ko at nakita kong nagulat sila. I smiled awkwardly. Mamaya nalang ako mag-eexplain. Hindi lang sila sanay na ganito sakin si Jarred. We've been living together for three months now. Nasanay na'ko sa ganito ni Jarred kapag nasa bahay, kaso ang PDA niya lang talaga ngayong araw!

"Jarred, masyado kang malapit, nasa school tayo." I whispered to him. Napatingin ako sa paligid namin at madami nading nakatingin samin, even Leslie is looking at us! Wait, gusto niya bang pagselosin si Leslie kaya niya to ginagawa?

"What's wrong with being this close to you? Hmm?" He asked softly. Inaasar ata ako nito. I glared at him.

"Kung gusto mong pagselosin si Leslie, wag ako ang gamitin mo." Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko.

"What, Gwen?" Medyo napalakas ang boses niya kaya inirapan ko na at pinilit lumayo sa kaniya pero mas lumapit pa siya sakin.

"Stop moving away." Inirapan ko ulit siya at bumaling sa mga kaibigan ko na hindi alam kung paano magrereact sa nangyayari ngayon. I smiled at them.

"Let's go, girls?" I asked them, sasagot palang sana sila nang unahan na sila ni Jarred.

"Later, I'm still talking to you, Gwen." Napairap na naman ako habang nakatingin lang sa unahan ko. Ayoko siyang tingnan, nakakainis!

"Hindi ko pinagseselos si Leslie, okay? And again, what's wrong with being this close with you? You're marrying me, and almost everyone here knows that. May dapat ba tayong pagtaguan? Your boyfriend, perhaps?" Parang gusto kong sumigaw sa sinabi niya. My boyfriend? Eh wala naman akong boyfriend! If I know, ginagamit niya ko para pagselosin si Leslie.

"Whatever, ayokong kausap ka." I said with finality. I tried to stand pero hindi talaga 'ko makawala sa hawak ni Jarred. Ano bang problema niya ngayong araw? Naiinis na talaga 'ko!

"Girls, I'm sorry pero hihiramin ko muna si Gwen. Thank you." Paalam niya at sabay sabay naman tumango ang mga kaibigan ko. Hindi manlang ako ipinaglaban.

Tiningnan ko sila ng masama pero nginisian lang ako. Argh!

"Jarred, may class pa 'ko. Saan ba tayo pupunta?" I asked him.

"Lalayo kay Leslie so you won't think that I just like being close to you when she's around." What the?

♥️♥️
Hello, guys! Keep safe and God bless 🥰

Indelible FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon