Gwen's Point Of View
Nag-aayos ako ng sarili ko ngayon for our dinner kasama ang mga Sandoval. Ngayon ko nadin makikilala yung fiancé ko. And yes, pumayag na din ako na magpakasal. Nakita ko naman kasi na final na yung decision nila, magsasayang lang ako ng lakas kung pipilitin ko sila na 'wag ituloy. At isa pa, pumayag na din daw yung fiancé ko, so paano pa talaga 'ko tatanggi?
"Baby, patapos ka na ba?" Tawag sakin ni kuya mula sa labas ng kwarto ko.
"Yes, kuya!" Sagot ko at mabilis na kinuha galing sa kama ang purse ko. Sabay na kaming bumaba ni kuya at sinalubong din kami ng parents namin na mukhang kanina pa nag-iintay. Mabilis naman kaming nakarating sa isang restaurant.
"Kararating lang din daw ng mga Sandoval, tama lang din ang dating natin." Salita ni dad nang makapag-park kami. Sabay sabay nadin kaming pumasok sa restaurant at tumungo sa isang private room na pina-reserve nila para sa aming lahat. Pagkapasok namin ay agad na nanlaki ang mga mata ko.
"Jarred/Gwen?" Sabay naming salita ni Jarred. Gulat na gulat din siyang nakatingin sa akin. Mariin akong napapikit nang maalala kong Sandoval nga pala si Jared. Ganito na ba talaga kaliit ang mundo?
Mukhang nagulat ang mga pamilya namin pero mabilis ding nakabawi at napangiti. Bumeso ako sa parents ni Jarred and ganon din naman si Jarred sa mom ko, at nakipag-shake hands kila dad at kuya. Our families knows each other very well, so walang nangyaring formal introduction. I've been seeing them, except for Jarred. Umupo naman kami sa tapat nila. Ako, specifically sa tapat ni Jarred. Napangiti siya sakin. I smiled back kahit medyo naiilang ako sa tingin ng mga magulang namin.
"So, you know each other?" Biglang tanong ni dad, napatingin kami ni Jared sa kanya bago kami nagkatinginan ulit.
"Yes, tito." Matipid na sagot ni Jarred.
"That's good, no need for formal introduction." Sagot naman ng dad ni Jarred. Mabilis na naiba ang topic nang magsimulang i-serve ang pagkain namin at mag-usap sila dad at tito tungkol sa business. Kasali din sila Jarred at kuya.
Biglang tumikhim si Jarred kaya napatingin kaming lahat sa kanya. He smiled before talking.
"Excuse me, mag-uusap lang po kami ni Gwen." Bigla niyang sinabi, bago pa 'ko makasagot ay nahila niya na'ko at sabay kaming lumabas ng restaurant. Agad naman akong bumitaw sa pagkakahawak nya sa wrist ko.
"Sorry." Sabi naman nya.
"It's okay. Bakit mo nga pala 'ko hinila palabas? Anong paguusapan natin? May sasabihin ka?" I asked him. Umupo muna kami sa bench bago sya nagsimulang magsalita.
"I don't know. Gusto ko lang lumabas." Mahinang sagot niya. Napatitig naman ako sa kanya.
"Ayos ka lang ba?" I asked him, he smiled at me.
"Yes, hindi lang ako makapaniwala na ikaw ang pakakasalan ko." Nangingiting sagot nya. Napangiti nadin ako.
"Ako din eh. Sobrang liit ng mundo." Napatawa siya.
"Paano ba yan, habang buhay na tayong magsasama." Sabi naman nya, napatawa din ako.
"Hindi kaya magkasawaan tayo niyan?" Tumawa lang sya at ginulo ng bahagya ang buhok ko. Bigla naman akong may naalala.
"Oh my goodness, Jarred! May nililigawan ka nga pala! Paano yon?" Mukha pa namang gusto talaga nila ni Leslie ang isa't isa. Nakaka-guilty naman 'to.
"I have to stop it. I'll marry you soon, hindi naman pwedeng manligaw pa din ako ng ibang babae." Sagot nya, ramdam ko na medyo nalungkot sya. Pero napangiti ako ng kaunti sa sinabi nya. He's really respectful and responsible, isn't he?
"I'm sorry, Jarred." I sincerely apologized. I really feel sorry for him. Nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko.
"No need to say sorry, it's not your fault. Tsaka pumayag din naman akong magpakasal sayo. It's really okay, Gwen." He assured me. He smiled and I smiled back at him.
🖤🖤
Stay safe, guys! Let's keep praying 🙏🏻