Chapter 30

3.2K 102 3
                                    

Gwen's Point Of View

Napangiti ako ng makita si Jarred na naka-jersey shorts at white t-shirt na tumatakbo papalapit sa akin.

Kaagad ko naman siyang inabutan ng tubig na nasa tumbler niya. Pinagpapawisan siya, siguro dahil sa pagtakbo niya. Naki-upo muna kasi ako dito sa tabi ng bag niya sa gym. 15 minutes nalang at magsisimula na ang practice nila and I need to tell him something.

"Hi!" He greeted and seated beside me bago uminom saglit sa tumbler niya. Nginitian niya naman ako pagkatapos.

"Hi. What time matatapos ang practice niyo?" I asked, he went closer to me at bahagyang yumakap sa bewang ko. Napatingin naman ako sa paligid namin at nakitang may iilan siyang mga ka-team na naka-ngisi sa banda namin. Napa-iling nalang ako.

"Why? Do you want to go home early?" Mabilis naman akong umiling. Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at pinaglaruan ang dalawang singsing na nakalagay sa mga daliri ko.

"I need to go somewhere. Hindi ako makakanood ng practice niyo. But, I promise na babawi ako bukas, okay?" Malambing na sabi ko. I need to meet Joseph today, he asked if we can meet for dinner and I said yes because I want to clear things out with him. May mga pagkakataon parin kasi na nagpaparamdam siya sakin sa messages niya and I honestly feel uncomfortable about it. I know that we had something in the past and we're friends right now, pero mahirap para sakin na i-entertain siya knowing fully that he still has feelings for me lalo na ngayon that I'm already engaged.

I saw how Jarred got sad with what I said so I quickly touched his left hand at mas lumapit sa kaniya. Wala nang space sa pagitan namin at nahihiya narin ako pero kailangan ko siyang lambingin para pumayag.

"Saan ka pupunta? Sinong kasama mo? Wala kang dalang sasakyan ngayon." I chuckled. Ang daming tanong, ang cute ng baby.

"I'll have dinner with Joseph. I need to talk to him, babe. Magkasama naman kaming aalis, sa kaniya ako sasabay." Mabilis na humiwalay siya sa pagkakahawak sa akin at napatitig ng mariin sa mga mata ko. Napalunok ako, I admit that he looks scary pero hindi ko ipinahalata 'yon and I still tried to smile at him.

"Gwen, bakit kailangan mong makipag-dinner sa kaniya? Pwede naman kayong mag-usap dito sa school. Bakit kailangan sa ibang lugar pa?" May galit na tanong niya. I pouted.

"Babe, kasi we need privacy. Hindi kami makakapag-usap ng maayos dito sa school. I promise, mabilis lang kami. Hindi ako uuwi ng late." Tawad ko pa. Napa-buntong hininga siya at bahagyang napa-sabunot sa buhok niya na naging dahilan para magulo ito. He looks more handsome! Napangiti ako at umiwas ng tingin. Nakita niya naman ito 'yon kaya sinamaan niya 'ko ng tingin.

"Hintayin mo nalang ako, please. Sasama ako." He almost whispered while looking straight in my eyes. Umiling naman ako.

"Huwag na, awkward pag isasama kita. Mabilis lang talaga ako." I held his hand once again. Napa-tingin naman siya roon pagkatapos ay sa wrist watch niya. It's almost time for their practice at kailangan ko narin umalis. Usapan namin ni Joseph ay magkikita kami ng 6:00 pm sa parking lot.

"Baby naman." Ayan nalang ang nai-sagot ni Jarred kaya napa-tawa na ako.

"Sige na, malapit na mag-start ang practice niyo, Captain, at kailangan ko narin umalis." Humigpit naman ang pagkakahawak niya sa kamay ko nang sabihin ko 'yon.

"Susunduin nalang kita, please." Tumango nalang ako para naman hindi na siya magalit, mabuti nga at pumayag na umalis ako kasama si Joseph. May issue ata talaga si Jarred sa mga lalaki sa buhay ko, akala mo palaging may ginagawang masama sakin eh.

"Let's go, ihahatid kita." He held my hand and naglakad na kami palabas ng gym. Sinabi ko sa kaniya na sa parking lot kami magkikita ni Joseph.

"Do you still like him?" He suddenly asked which made me stop walking. I looked at him with wide eyes. Nanliit naman ang mga mata niyang nakatitig sa akin na parang inaakusahan ako. Gusto kong mainis pero natatawa rin ako sa mga ipinapakita niyang reaksyon. Parang bata talaga minsan si Jarred.

"No. Wala akong gusto sa kaniya." I answered. Tumango naman siya at parang nakahinga ng maluwag.

"Dapat lang, babe." We continued walking until we saw Joseph leaning on his car, mabilis naman itong ngumiti nang makita ako pero agad na naglaho nang makita niya si Jarred sa tabi ko. Lumapit kami sa kaniya at naramdaman ko na mas humigpit ang pagkakahawak ni Jarred sa kamay ko. I looked up at him.

Tumango naman sila ni Joseph sa isa't isa.

"We'll go now. I'll see you later, Jarred." Paalam ko at lalayo na sana nang bigla niya akong hinatak papalapit sa kaniya at hinalikan ng mabilis sa pisngi. He smiled sweetly after that and I just felt how my cheeks burned! Paniguradong namumula ang mga pisngi ko ngayon!

"I'll see you later, baby." Tumango nalang ako dahil hindi ako makapag-salita sa sobrang gulat. Did he just kiss my cheek in front of Joseph? Oh my gosh!

Napabaling ako sa kaibigan ko at nakita ko kung paano nagdilim ang paningin niya kay Jarred.

"Paki-ingatan ang fiancée ko, bro." Tango lang naman ang isinagot ni Joseph sa kaniya bago ako inaya na sumakay sa sasakyan niya. I waved at Jarred and he did the same. Nakita kong hinintay niya munang makaalis kami bago siya naglakad paalis.

"Your seatbelt, please." Medyo napa-igtad ako sa biglang pagsasalita ni Joseph. Agad naman akong nag-suot ng seatbelt.

"I'm sorry. I forgot." I said at napa-hawak na ako sa dibdib ko dahil parang gustong lumabas ng puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito!

Hindi ko na talaga maintindihan ang epekto ni Jarred sa akin!

Indelible FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon