Gwen's Point Of View
"Okay na, Gwen?" He teased me nang makalayo kami sa cafeteria. Inirapan ko nga ulit.
"Shut up, Jarred." Umupo ako sa bleachers. Nasa gym kami ngayon. Buti nalang wala masyadong tao ngayon dito.
"Ikaw naman ang tatanungin ko ngayon, may pinagtataguan ba tayo?" He seriously asked.
"Wala nga, diba? Kulit mo." Naiinis pa rin na sagot ko.
"Baka naman natatakot kang makita tayo ni Joseph na ganun kalapit?" Ipinilit niya pa rin.
"Okay, sige natatakot akong makita tayo ni Joseph na ganun kalapit sa isa't isa. Okay na? Kuntento ka na sa sagot ko?" I saw how his jaw clenched. Napaiwas ulit ako ng tingin.
"Edi inamin mo din." Napairap ako sa sagot niya. Naniwala naman sa akin!
"Ano ba, Jarred? Hindi yun totoo. Sinasabi ko lang para tapos na yung usapan. Paulit ulit lang tayo dito. Hindi ko boyfriend si Joseph, wala akong boyfriend. Kung may boyfriend ako, hindi ako papayag na magpakasal sayo." He stared at me, napaiwas ako. It's too much for me to handle! Masyadong malalim tumitig si Jarred.
"Niligawan ka ni Joseph dati, diba?" Mabilis akong napabaling sa kaniya.
"Paano mo naman nalaman yan?" It's true. Niligawan ako ni Joseph before, pero hindi ko siya sinagot kasi kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kaniya. Naintindihan niya 'yon at hindi niya ipinilit na maging kami. Naging magkaibigan pa rin kami.
"So, it's true, huh?" He has this evil smile plastered in his lips. Hindi ko maintindihan kung anong nasa isip niya.
"Yes." I bit my lips. Agad naman siyang napatingin sa labi ko nang gawin ko 'yon.
"And you didn't tell me, Gwen." Sagot niya pagkatapos ay umiwas ng tingin sa labi ko.
"Hindi naman kasi kailangan, Jarred. Dati pa 'yon." He nodded.
"Okay." Sagot niya na at mas lumapit na naman sa akin. Hindi na'ko nagulat nang ipulupot niya ang braso sa bewang ko at sumandal sa akin.
"Tsk, Jarred. Nasa akin na ata yung full weight mo." He chuckled at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa bewang ko. We stayed like that for more minutes before we decided to go to our next class.
"Until what time is your last class?" He asked. I looked at my phone for my schedule, sumilip din naman siya doon kaya ipinakita ko.
"Hmm, 6 pm. Manuod ka ng practice namin mamaya, 6 din ang start noon para sabay na tayong uuwi." I nodded. Wala naman din akong choice since sabay kaming pumasok kaya sasakyan niya ang dala namin kanina.
"Okay. Diretso nalang ako sa gym after class." Sagot ko naman sa kaniya. He smiled and nodded.
"Okay po." He answered very softly. Napanguso ako.
"Pa-cute ka." I teased him. He smirked.
"Not my fault if you find me cute." Napatawa na'ko.
"Kapal!" He laughed at inakbayan na naman ako habang naglalakad kami papunta sa class namin.
At exactly 6 pm, our Professor dismissed us kaya naman nag-ayos na'ko ng gamit at nag-text sa mga kaibigan ko na hinihintay ako sa cafeteria. Sabay sabay kaming pupunta sa gym para manuod ng practice nila Jarred.
"Kumusta naman ang pangyayari kanina nung hinila ka palayo ni Jarred?" Mapang-asar na tanong ni Angel. Inirapan ko nga.
"Nag-away lang kami." Maiksing sagot ko. Tumawa sila.
"Talaga lang, huh? Eh bakit tayo manunuod ng practice ngayon kung nag-away kayo kanina?" Tanong naman ni Quian.
"Eh kasi Engineering ang kalaban nila Jarred ngayon! Gusto kong panuorin." I answered.
"So andun si Carlo?" Nikka asked. I nodded.
"Edi away na naman ang aabutin niyo ni Jarred niyan." Sagot naman ulit ni Nikka.
"Hindi, crush lang eh." I chuckled. Crush ko lang naman si Carlo. Ang puti niya kasi, ang linis tingnan palagi!
"Hi, girls!" Bati sa amin ni Matt nang makarating kami sa gym. Ang daming tao, hindi naman nakakagulat dahil palagi talagang madaming nanunuod kahit practice lang nila. Madami kasing gwapong players ang College of Business na may practice game with the College of Engineering.
"Hello!" Bati namin sa kanila. Mabilis na lumapit sakin si Jarred at umakbay. Naka-jersey na silang lahat at malapit na mag-start ang practice game.
"Hi, good luck, Captain!" I smiled at him. He smiled so wide at me. Siya kasi ang Team Captain.
"Jarred, andito yung crush ni Gwen." Pang-aasar ni Nikka, napaka-ingay ng babae na'to! Sinamaan ko siya ng tingin. Sabay sabay naman silang napatingin lahat sa akin. Kitang kita ko kung paano nawala sa mood si Jarred. Ayan na naman tayo.
"Wag kang maniwala diyan kay Nikka. Tinatawag na kayo ng coach niyo, oh!" Turo ko sa coach nila na palapit na sa kanilang nasa pwesto namin. Sa malayo naman ay nakita ko si Carlo, he's a Chemical Engineering student. Di ko tuloy magawang kiligin ngayon.
"Sino diyan?" Tanong ni Jarred.
"Wala nga kasi. Sige na, Jarred. Baka mapagalitan kayo." Tumingin din ako kila Vince na may mapang-asar na ngiti na sakin ngayon. Alam kasi nila kung gaano ka-sensitive si Jarred sa ganitong usapan.
"Sino diyan, girls?" Tanong niya na ngayon sa mga kaibigan ko. Hindi naman sila makasagot.
"Si Carlo siguro. Siya nakatingin dito ngayon eh" Mabilis na sagot ni Matt. Napapikit ako. Napaka-galing, Matt!
"Jarred. Mamaya na, please? Kailangan niyo mag-focus sa laro." Naiinis nang sagot ko. Patay sakin si Nikka pag-alis nila Jarred. Sakto namang lumapit na ang coach nila sa kanila at tinawag sila.
"Diyan ka lang, Gwen. At sa akin ka lang tumingin." Pagbabanta ni Jarred. Mabilis akong tumango para tapos na ang usapan. Nang makaalis sila ay bumaling agad ako kay Nikka at kinurot siya sa tagiliran. Napatawa siya ng sobrang lakas na sinabayan naman nila Quian at Angel.
"Grabe, nakakatawa yung reaksyon niyo ni Jarred nung sinabi kong andito yung crush mo!" Tawa padin siya ng tawa. Napailing ako at hinampas siya sa braso. Napa-aray naman siya pero tinawanan lang ulit ako pagkatapos.
"Aawayin ako non paguwi namin sa bahay, Nikka! Alam niyong ayaw niya ng ganun!" They smiled.
"Bakit ba kasi ayaw niya kapag may ibang lalaking involved sa'yo?" Tanong ni Angel. Mabilis kaming napabaling sa court nang mag-start na ang game.
"Syempre, pangit naman tingnan na may ibang lalaki ako, ngayong alam na halos ng lahat na ikakasal kami ni Jarred sa isa't isa." I answered havang nakatingin kay Jarred na sobrang seryoso ng mukha ngayon.
♥️♥️
Hello! May nagbabasa pa ba nito? Hehe