Gwen's Point Of View
It was a gloomy Saturday morning, masarap lang humiga sa kama at mag-play ng sad songs. Napatingin ako sa wall clock ko, it's just 8 in the morning. What should I do, then? Wala naman akong kasama sa bahay ngayon dahil nasa trabaho sila mommy, daddy at kuya. Maybe I can just call the girls and ask them to go here so we can watch movies.
I pressed the video call button in our group chat as soon as I got up. Quian was the first one to answer the call, next is Angel and Nikka's the last, ang pinakamahirap gisingin sa lahat. Mukhang nagising lang silang tatlo dahil sa tawag ko. Napatawa naman ako bago nagsimulang magsalita.
"Hey, girls. I was just thinking if you want to come over so we can watch movies? I don't have anything to do kasi today." I told them, napatango tango naman sila.
"Edi let's just go to the mall, manuod tayo ng movie then kain." Angel suggested.
"Yeah, that's okay. Para hindi na tayo magkakalat dyan sa inyo, Gwen." Quian said, tumawa ako.
"Tama nga naman. Sige sige magkita nalang tayo ng 11 am, okay?" I said. They all nodded.
"Yup. See you!" They answered and I ended the call.
And just like what we planned, we watched a movie and went shopping. Habang naglalakad kami papunta sa restaurant, napatingin ako sa loob ng Starbucks because of a familiar built of a guy. Ah! It's Jarred and he's with a girl. Girlfriend niya siguro. Medyo napatigil ako kaya napatigil din silang tatlo na mga kasabay ko lang lumakad.
"What's wrong, sis?" Nikka asked me. Napatingin ako sa kanya.
"Girls, do you know that girl?" I asked them, I'm just curious kung sino yung girl na kasama ni Jarred. Napatango naman si Angel.
"Yep, that's Leslie Sy. She's a 4th year Tourism student from our school. Why?" Napatango ako then started walking again, naramdaman kong nakatingin padin sila sakin kaya tumingin ako pabalik at hindi sinasadyang nadaanan ko na naman yung pwesto nila Jarred sa loob ng Starbucks. He's smiling at the girl named Leslie.
"Wala naman. Curious lang ako. Girlfriend siguro sya ni Jarred no? Yung guy sa tapat nya." We started walking again hanggang sa makapasok na kami sa restaurant and we started ordering.
"Si Jarred ba yung classmate mo sa History?" Quian asked after ordering, I nodded.
"Yes, that's him." Napatango tango sila bago ngumiti sakin. Tinaasan ko sila ng kilay.
"Do you like him?" Angel asked, napatawa ako.
"No. I'm just curious, okay?" Tumango nalang sila habang nakangiti padin. Mabuti nalang at dumating na yung order namin kaya tumigil na sila sa pagtatanong at nakapag-open nadin kami ng panibagong topic.
We finished eating at 8 pm and we decided to go home kasi hinahanap na si Quian sa bahay nila. Nagpaalam na kaming apat sa isa't isa at sumakay na agad ako sa kotse ko na saktong kadarating lang. medyo late kasi ako nakapag-sabi sa driver namin na sunduin na ako.
So Jarred has a girlfriend, huh?
I immediately shrugged off the thought because why would I care if he has a girlfriend? I just knew him.
It's the fourth day of the second week of school and I had a class from 8 am until 5 pm and it's just 2 pm right now. 3:30 pm pa magsstart ang next class ko which is History. A minor subject na feeling major. Second week palang namin pero may kailangan na kaagad kaming ipasa sa professor, good thing it's individual. Ang awkward kasi makipag-pair or group sa mga kaklase ko kasi karamihan iba't ibang year kami and may napasama pang ibang course.
I went to the library para naman malamigan ako habang naghihintay for my next class. Tinext ko yung tatlo pero wala ni isa sa kanila ang sumagot. I guess they still have class.
Nilabas ko nalang yung notes ko para makapag-review. May quiz kasi ako bukas sa isang subject. While I was reviewing, biglang may humarang na anino sa harap ko, napakunot ako ng noo. Sino naman 'to? Dito na nga ako sa dulong table umupo para walang abala sakin.
Inangat ko ang tingin ko and I was surprised to see Jarred standing in front of my table, anino nya pala yung nakaharang sakin. I smiled at him, he smiled back.
"Take a seat." I told him, mabilis nya namang ginawa yon at nangalumbaba sa harap ko.
"Why are you reviewing? We don't have a quiz." He said, ipinakita ko naman sa kanya ang papel ko na may laman na lectures nang ibang subject. Napatango sya.
"Ang sipag mo naman, nagrereview ka kaagad para sa ibang subject." Tumawa ako sa sinabi nya.
"Wala naman akong choice, gusto ko maka-graduate eh." Napatawa din sya at tumango.
"Right." Bigla namang tumunog ang cellphone nya kaya mabilis nyang kinuha yon sa bulsa nya. Napamura pa sya kasi napatingin yung ibang tudent sa table namin dahil nga nasa library kami and nag-ingay yung phone nya. Napatawa nalang ako at nagsorry sa iba katulad ng ginawa nya.
"Itong kaibigan ko, wrong timing mag-text." Naiinis na sabi nya habang nagttype sa cellphone nya.
"Ayos lang yan, di naman tayo napagalitan." I answered and shifted my gaze to my paper. Wala naman nadin akong naiintindihan kaya tinigil ko nalang ang pagbabasa at ibinalik 'yon sa bag ko.
"I didn't introduce myself to you properly. I'm Jarred Sandoval. Nice to meet you, Gwen." He started, napangiti ako nang inilahad nya ang kanang kamay nya sa harapan ko. Inabot ko naman ito.
"I'm Gwen Fajardo, nice to meet you, too." We shaked our hands at sa hindi malamang dahilan, nakaramdam ako ng kuryente doon kaya binawi ko na agad ang kamay ko.