Chapter 36

3.7K 85 10
                                    

Gwen's Point Of View

It's just 7 am and I am currently cooking our breakfast. I woke up early for no good reason. Bigla lang ako nagising ng maaga at hindi na'ko inantok ulit kaya I decided to just cook our breakfast. Wala rin ngayon sila ate, umuwi muna sa bahay nila since it's a Sunday.

Nagluluto ako ng bacon and eggs. Natapos ko nang lutuin ang fried rice. Actually medyo nag-sisi ako na niluto ko kaagad ang breakfast namin kasi baka mamaya pa magising si Jarred at lumamig na ang pagkain.

I decided to bake some banana loaf and muffins. Ito kasi ang hilig ni Jarred nitong mga nakaraan, puro sweets pero ayaw naman niya pag bibili lang kami. Gusto pa yung ako mismo ang nag-bake.

I was waiting for the muffins to be done when I heard Jarred walking down the stairs, wala pa atang isang minuto ay nakarating na siya dito sa kusina. I smiled at his look. His hair is disheveled and he's only wearing a white sando and jersey shorts.

"Good morning!" I greeted. He was smiling so widely as he looked at everything that I cooked, hindi ko pa kasi ito nadadala sa dining area.

Lumapit siya sa akin at yumakap.

"Good morning, love." I felt him kissed the top of my head which made all the butterflies on my stomach crazy.

"Ayusin na natin sa table yung food para maka-kain na tayo." Pag-aya ko sa kanya habang yakap niya parin ako. Tumango naman siya pero mas lalo lang humigpit ang pagkakayakap sa akin. I chuckled.

"Aww, the baby's still sleepy?" Pag-baby talk ko sa kanya kasabay ng pag-hagod ko sa likod niya. Mabilis niya naman akong inilayo sa kanya at tinitigan sa mga mata. I saw his eyes full of amusement kaya tumawa na ako.

"Baby, kinikilig ako sa ganon." Pag-amin niya kaya mas lalong lumakas ang tawa ko na sinabayan niya narin.

"You want to sleep more?" Pangungulit ko pa kaya naman niyakap niya na naman ako ng mahigpit at paulit ulit na hinalikan sa ulo. Tumingala ako sa kanya at ngumiti.

"Bagong shave ka? Ang bango." He nodded at dahan dahan ibinaba ang ulo niya para idikit ang pisngi niya sa pisngi ko. Nakiliti naman ako kaya lumayo ako.

"Jarred!" Tawa siya ng tawa at hinila ako palapit sa kanya para ulitin ang ginagawa niya. Argh! This guy! Nagulat nalang ako ng bigla niyang halikan ang leeg ko. He smirked at me after doing it and I felt my cheeks burning.

"Ang aga aga, Jarred!" Tumawa sya at kinuha na ang mga pagkain bago namin ito sabay dinala sa dining area.

"Take care, baby. Pray as soon as you settled down inside the plane, okay?" I said as I hug Jarred. Naramdaman ko ang pagtango nito. Sobrang higpit ng pagkakayakap nito sa akin na para bang mawawala ako sa kanya. I heard him sigh, na paulit ulit nyang ginagawa simula pa nang makaalis kami sa bahay.

Nasa airport kaming dalawa ngayon. Hindi na sumama ang parents nya at si Jer dahil sinabihan ni Jarred ang mga ito na huwag nang magpaka-pagod.

"'Wag nalang kaya ako tumuloy? I'll tell dad that I really can't go." Mabilis akong lumayo at nakita ko na seryoso siya sa sinabi niya. I chuckled and he frowned right away.

"Stop it, love. You'll be fine. Mabilis lang ang two months." Nakita ko naman kung paano nagbago ang expression ng mukha nya at pagkatapos ay umiwas ng tingin sa akin. I saw how he clenched his jaw. Grabe, ang gwapo talaga ng lalaking 'to.

"Why is it fine with you that I'll be away for two months?" Tanong pa rin niya habang nakatingin sa malayo at parang hindi kayang tingnan ako. Napa-nguso naman ako.

"Tingin ka muna sakin." Paglalambing ko habang hawak ang mga kamay niya. I just heard him tsked kaya naman hinawakan ko ang mga pisngi nya. Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata nya dahil sa gulat. I smiled sweetly before I caressed his cheeks.

"It's fine with me because I trust you. Hindi ako takot kasi alam kong hindi ka gagawa ng bagay na makakasakit sa akin. At alam ko naman kasi na hindi ka titigil sa pakikipag-communicate sa akin. So, I'm fine with it because I trust you, I trust the both of us that we can make this work. Also, I promise to start planning for the wedding. That's our initial plan, right?" Tumango tango sya bago hinalikan ng paulit ulit ang dalawang kamay ko na nasa pisngi nya kanina.

He looked at me intently. A small smile formed in his lips.

"I'll miss you so much. I'll miss hugging and kissing you." Napangiti ako ng malawak dahil doon.

"Ako rin. Kiss mo nga ako?" Biro ko dito pero nagulat ako ng tinotoo niya at bigla akong hinalikan sa pisngi, sa ilong at sa noo. Hinampas ko naman sya sa braso habang natatawa syang nakahawak sa bewang ko.

"Nakakahiya, ang daming tao!" He just shrugged and hugged me after.

"Sige na, mauubos na oras mo dito. I'll see you in two months, Jarred." I smiled. He nodded.

"I'll see you in two months, love." Inilapit nito ang mukha sa akin at nagulat nalang ako ng bigla akong hinalikan ng marahan sa labi. Nanlaki ang mga mata ko at hindi agad nakagalaw. This is my first kiss! This is our first kiss! I can't believe this! My heart is beating so loud, my heart feels so happy!

I felt him smiled while his lips are on still on top of mine. Akala ko ay lalayo na siya pero nagulat ako ng iginalaw pa niya ang labi niya kasabay ng pagtagilid ng ulo para mahalikan ako ng mas maayos. I don't know how to kiss, this is so embarrassing!

I just tried my best to copy what he's doing and I heard him groan when I accidentally bit his lips. Agad naman akong napalayo sa kanya. He was smiling so widely. Ako naman ay ramdam na parang lahat ng dugo ko sa katawan ay napunta sa pisngi ko. Napaiwas ako ng tingin at hindi alam ang gagawin nang bigla niya ulit akong hinalikan ng mabilis sa labi. Our second kiss!

Hindi pa rin tumitigil ang mabilis na tibok ng puso ko. Why did he kiss me? Does he like me too? Parang gusto kong batukan ang sarili sa naisip ko. Ano kami, friends na ikakasal at nag-halikan sa gitna ng airport? Walang maayos na label!

Ayoko naman itanong kay Jarred kasi paalis siya at takot ako sa isasagot niya.

"That was amazing, love. I'll surely crave for it for the next two months." Malaki ang ngiti niyang sabi sakin kaya naman napa-irap ako. Ayan na naman siya, edi lalo lang akong umasa.

"Shut up and just leave already. Sumobra ka na sa landi today." He laughed before hugging and kissing my cheeks for the last time. I just held his hand before deciding to let him go. I waved at him when he looked back while still walking away from me.

I uttered a silent prayer for his flight to be safe and for him to be fine while he's away from home.

I hope and pray that this short trip of him will make us stronger, and not set us apart.

Indelible FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon