Chapter 14

4K 138 5
                                    

Gwen's Point Of View

"Ano yon, Gwen? Kaya ka ba pumayag na manuod para makita mo yung crush mo?" Tanong sakin ni Jarred pagkatapos ng laro nila. Sila ang nanalo, konti lang naman ang lamang nila sa Engineering. Madami pang tao sa court at magkakasama pa ang mga ka-team nya pero nakalapit na sya kaagad sa akin.

"No. Naniniwala ka kasi kay Nikka." Tanggi ko. Hindi naman talaga si Carlo ang ipinunta ko dito, nagbibiro lang ako nung sinabi ko 'yun sa mga kaibigan ko.

Sa ilang buwan na magkasama kami ni Jarred, alam ko na kung anong ayaw niyang topic, yung mga tungkol sa lalaki. I know and I understand, pangit naman talagang tingnan na alam ng lahat na ikakasal kami tapos may ibang lalaking involved sa akin. Lalo pa at hindi naman alam ng iba na kaya kami ikakasal ay dahil sa mga pamilya namin. They concluded that we love each other the moment they knew that we're getting married.

Mas tumalim naman ang titig niya sa akin nang makitang papalapit sa amin si Carlo. Napapikit ako. Carlo, wag ngayon, please!

"Hi, Gwen! You didn't cheer for me, di tuloy kami nanalo." Bati niya sa akin, I smiled awkwardly.

"You did well! Besides, di naman 'to totoong game." I answered at halos mapa singhap nang maramdaman kong pinulupot ni Jarred ang braso niya sa bewang ko. Mabilis na napatingin doon si Carlo at narinig ko ang mayabang na pag-ngisi ni Jarred.

"By the way, this is Jarred, my fiancé." I introduced him. Naunang naglahad ng kamay si Carlo, tinanggap naman ito ni Jarred.

"Carlo, pare. Nice game." Jarred nodded at that. Carlo and I dated for three months, I think. Nanligaw siya, pumayag ako kasi crush ko siya noon but I didn't like him enough to say yes to him kaya hindi naging kami. That was when we were still in our first year as college students.

"Una na kami, Gwen, Jarred." I smiled at Carlo, he smiled back at mabilis na umalis kasama ang mga kaibigan niya. Mabilis din namang nakalapit ang mga kaibigan ni Jarred sa amin.

"Anong meron sa inyong dalawa?" Tanong kaagad ni Jarred sa akin, not minding the eyes of our friends. Tiningala ko siya at dahil nga nakahawak siya sa bewang ko ay mas napalapit ang mukha namin sa isa't isa. Napalunok ako, kinakabahan ako.

Minsan narin kasi naming napag-awayan ang tungkol kay Joseph noon dahil nakita niya na hinalikan ako sa pisngi, which is a normal thing for Joseph and I pero mukhang hindi para kay Jarred. Sa sobrang inis niya noon ay umuwi kami kaagad kahit dapat ay maghahang out pa sila nila Vince. So, the guys knows kung gaano ka-sensitive si Jarred with this topic, lalo pa at kaibigan nila ito.

"He's an acquaintance, Jarred." Play safe kong sagot. Dahil hindi rin naman kami magkaibigan ni Carlo so I can't tell Jarred that he is my friend. At baka mas lalo lang itong mainis.

He raised his eyebrow.

"Oh?" He mocked, I rolled my eyes at him and shifted my gaze to our friends.

"Congrats, boys!" Masiglang bati ko sa kanila at lalapit pa sana kaya lang ay mas hinigpitan ni Jarred ang pagkakahawak sa bewang ko. Napabaling ulit ako sa kaniya at hindi na inintindi ang pag-ngisi ng mga kaibigan namin. They're all looking at us with a smile plastered on their lips. I frowned.

"Jarred, ayokong makipag-away sayo ng buong araw. Pagod tayo pareho." He sighed at what I said at medyo lumambot ang tingin sa akin.

"I'm sorry. Let's just go home para makapahinga na." Naramdaman ko naman ang marahang paghagod ng palad niya sa bewang ko na halos magpa-singhap sa akin, buti nalang at napigilan ko.

"Guys, mauuna na kami ni Gwen. You should all go home as well." Lumayo naman ako sa kaniya at bumeso sa nga kaibigan ko.

"Good luck, sis!" Mapang-asar na bulong ni Nikka sa akin, kinurot ko nga ulit sa tagiliran pero tumawa lang kaya napatingin sila sa amin.

"Mukhang hindi naman na kami mag-aaway." Natatawang sagot ko, napatawa na naman sila at nagpaalam narin kami sa boys.

"Inisin mo pa, Gwen." Pang-aasar ni Matt nang magpaalam kami sa kanila. Napatawa ako dahil alam kong si Jarred ang tinutukoy niya.

"Nako, baka hindi na kami makatulog dahil sa pag-aaway kapag ganon." We all laughed except for Jarred na nakasimangot na naman.

"Let's go, Captain!" Aya ko sa kaniya at ako na mismo ang humawak sa braso niya kaya mabilis siyang napatingin doon sabay balik ng tingin sa akin.

"What?" I asked, raising my left eyebrow. He gulped and looked away at bumalik sa paglalakad. Anong problema nito?

"I'm sorry kung palagi nalang tayong nag-aaway." Panimula niya nang makasakay kami sa sasakyan niya. I smiled at him at medyo tumagilid para mas makaharap siya.

"It's okay, I understand. Uwi na tayo, pagod ka kaya kailangan mo nang matulog." Mas lumambot naman ang tingin niya sa akin.

"Why are you so understanding?" Mahinang tanong niya, I chuckled.

"We're friends, Jarred. And I want to understand you always." He held my left hand at nagulat ako ng halikan niya ito.

"Thank you, Gwen. I will always try my best to understand you, too. I'm sorry if I get pissed off easily." I nodded.

"Thank you. Uwi na tayo." I smiled once more at him. He nodded kaya binawi ko na ang kamay ko galing sa kaniya, napasunod pa nga siya ng tingin doon at mas lalong hinigpitan ang hawak kaya tinaasan ko na ng kilay.

"I want to hold your hand while I'm driving." He said while trying to hide his smile.

"And now you're trying to flirt with me pagkatapos mo 'kong awayin." Pang-aasar ko na nagpasimangot naman sa kaniya.

"Hindi naman kita inaaway." Nakangusong sagot niya. Napatawa na'ko. At talagang hindi yung pang-aasar kong pakikipag-flirt niya ang pinansin niya ha!

"Mag-drive ka nalang diyan." Sagot ko pa sa kaniya at babawiin na ulit ang kamay ko pero nahawakan niya na ito at nagsimula nang mag-drive.

♥️♥️
Hi! God bless, everyone!

Indelible FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon