Gwen's Point Of View
Totoo nga yung kasabihan, na kapag masyado kang masaya ngayon, tiyak na iiyak ka pagkatapos noon.
I smirked and tried my best not to cry while looking at Jarred and Leslie laughing at each other inside the library. Wala naman talaga akong balak pumunta dito ngayon pero dahil busy lahat ng mga kaibigan namin sa kani-kanilang class, I decided to stay here in the library so it's free from any noise.
I thought Jarred has a class at this hour? I quickly checked his schedule in my phone and indeed, he's supposed to be in his class right now. So why is he here, and with Leslie?
They're having a good time, should I interrupt them? But I don't want to go near them. Baka umiyak lang ako sa harapan nila, nakakahiya. Ang sakit pala, kung kailan naamin ko na sa sarili ko na talagang gusto ko si Jarred, tsaka ko naman sila makikita na magkasama.
I tried my best to control myself and decided to just look for books to read.
I quickly picked up my phone when I heard it ringing. Nakakahiya! Nasa library pa naman ako kaya ang daming napatingin sakin. Kasama na doon sila Leslie at Jarred na mukhang gulat na gulat na makita ako. I just smiled at him at lumabas na agad habang sinasagot ko ang tawag ni Angel sa phone ko.
"Hello, why?" I whispered while walking towards the exit door and trying to maintain a good balance because I have so many things in my hands since I just grabbed all my things because of panic.
"Asan ka? Let's eat!" Masiglang aya niya sakin, napangiti naman ako at sasagot na sana pero may biglang humila sa kaliwang kamay ko na may hawak na dalawang libro at isang ipad. Buti nalang at nasalo kaagad ni Jarred! Dapat lang at siya naman ang humila sa akin!
"I'll be there. See you!" I just answered Angel quickly bago ko inilagay sa bulsa ko ang cellphone.
Napakunot ako ng noo kay Jarred bago ko inayos ang ibang gamit sa kanang kamay ko, na hindi ko maintindihan kung paano ko nahawakan lahat while using my phone, at inilagay ito sa bag ko.
"Babe." Tawag niya sakin. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya.
"Hmm?" I asked while also trying to fix my hair. Nagulat ako ng haplusin ni Jarred ang buhok ko bago isinipit sa kaliwang tainga ko ang ilang hibla na nakakalat.
"Kanina ka pa ba sa library? Bakit hindi mo ako nilapitan?" Mahinahon na tanong niya. I smiled, a fake one. At alam kong alam ni Jarred dahil nagdilim ang paningin niya sa akin.
"You were laughing with her, I don't want to interrupt." Mabilis kong sagot at umiwas ng tingin. Ayoko ngang umiyak sa harapan niya, kaya bakit pa ba ako kinakausap nito?
"Interrupt what? Ano bang ginagawa namin?" Narinig ko ang inis sa boses niya kaya napatingin ulit ako sa kaniya. Siya pa talaga ang naiinis, huh? Hindi ba dapat ako?
"Nagtatawanan nga kayo kaya ayokong lumapit!" Medyo tumaas na ang boses ko at nakita ko na medyo napatigil siya dahil doon. I sighed and tried my best to calm down.
"Kakain ako kasama sila Angel, sumunod ka nalang kung gusto mo." Tumalikod na kaagad ako. Bahala na ang books at ipad ko sa kaniya. Siya ang magdala tutal kinuha niya rin naman talaga sa akin kanina!
"I'll go with you. We're not yet done talking." At sinundan pa talaga ako. Nakakainis! I wiped some tears from my eyes and tried to walk faster so he won't see it.
Mas lalo pa akong nainis nang hawakan niya ang kamay ko at ipinagsalikod ang mga daliri namin.
Inis akong bumaling sa kaniya bago kinalas sa pagkakahawak ang mga kamay namin.
"Stop it, Jarred." Mahinahon na salita ko. Nakita ko naman kung paano siya pumikit at frustrated na bahagyang sinabunutan ang buhok niya. Ayan, mainis ka. Deserve mo yan!
I smiled widely when I saw Angel and Ray talking inside the cafeteria. They look good together!
"Baby, please, talk to me." I heard Jarred talking behind me. Sobrang lambing ng boses, may kasalanan kasi.
"Mamaya. Nagugutom ako." Inis parin na sagot ko.
"What do you want to eat, then? I'll buy for us." Malambing parin na tanong niya. He then tried to hold my hand again and this time, I didn't refuse because I know that our friends our looking at us and I don't want them to worry.
Kaya naman sinabi ko nalang kung anong gusto ko at dumiretso na sa table kung nasaan ang mga kaibigan namin.
"Oh, bakit naka-simangot ka diyan?" Agad na tanong ni Angel sakin pagkatapos namin yumakap ng mabilis sa isa't isa. Napatingin naman ako kay Ray na nag-oobserba lang.
"Si Jarred kasi, ayaw ayusin mga desisyon niya sa buhay." Natatawang sagot ko nalang. I don't want them to know what's happening. Hindi ko gustong madamay pa sila sa problema namin ni Jarred.
Napatawa silang dalawa at sakto namang nakabalik na si Jarred dala ang pagkain naming dalawa. Mabilis lang siyang nakabili dahil wala naman halos estudyante ngayong oras.
"Bro, ano bang maling desisyon ang ginawa mo?" Kaagad na tanong ni Ray kay Jarred bago pa man ito makaupo. Mabilis na napatingin siya sakin at umiwas lang naman ako. Napatawa si Ray at Angel ng makita ang reaksiyon naming dalawa.
"Baby naman." Jarred pouted kaya napairap ako. Lalo namang lumakas ang tawanan nila Ray at Angel. Sakto rin namang dumating sila Vince at Matt at mabilis na nagtanong kung anong nangyayari. Umiwas lang ako at nagsimulang inumin ang cucumber juice na binili ni Jarred para sa akin.
"Hay nako, bro. Mukhang di makaka-focus mamaya sa laro si captain, ah." Natatawang gatong ni Matt nang malaman ang kwento mula kay Ray.
"Hindi ako maglalaro mamaya. Kakausapin ko nalang si Coach." Agad na sagot ni Jarred at nakita ko kung paano nagulat ang tatlong lalaki. Kahit ako ay nagulat din sa sinabi niya. He always make sure that he will be able to play basketball, whether it is a game or just a practice. Saksi ako doon dahil palagi kaming nanunuod ng laro nila. He takes it very seriously kaya bakit hindi siya maglalaro ngayong araw?
"Bakit hindi ka maglalaro?" Ako na ang bumasag sa katahimikan dahil pare-parehong hindi makapaniwala ang mga kaibigan namin.
He looked intently at me and moved closer.
"I won't be able to focus on my game knowing that you're mad at me."