Gwen's Point Of View
"Anong gusto mo, cookies or chocolate cake?" I asked Jarred, pang cookies and chocolate cake lang kasi yung ingredients namin dito sa bahay.
Umupo naman si Jarred sa bar stool habang ako ay nakatayo lang sa harapan nya. Ayokong umupo, baka tamadin akong gumalaw mamaya.
"Gusto ko parehas." Naka-nguso na sagot niya sa akin. Napairap naman ako.
"Mamili ka muna ng isa ngayon, I'll bake the other one tomorrow." Napangiti naman siya sa sinabi ko. Mukhang mahilig sa sweets ang mapapangasawa ko ah? Kaya pala naubos yung cookies na binake ko last time na hindi niya naman ata alam na ako ang nag-bake.
"Chocolate cake nalang ngayon. Bukas na yung cookies." Napatango naman ako sa sinabi niya at agad ding umalis sa harapan niya. Siya naman ay nakasunod lang ang tingin sakin habang inaayos ko yung mga kailangan kong gamitin para sa pagbebake ng chocolate cake.
"Nakain naman ng chocolate cake ang friends mo, no?" Tanong ko, malay ko ba kung mayroon sa kanila na ayaw ng matamis.
"Yes, mahilig din sila diyan. Do you need my help?" Nakatayo na siya ngayon sa gilid ko. Magsasalita palang ako ng saktong pumasok sila ate sa kusina, magsisimula na din ata silang magluto. Ayos lang naman na magsabay sabay kaming apat na andito sa kusina, sobrang laki naman nito.
"Hi, Ma'am at Sir! Okay lang po ba kung sasabay na kami ng pagluluto?" Tanong ni Ate Rose sa amin ni Jarred.
"Of course, Ate! Ang laki ng kusina natin, madami tayong space." I answered, smiling. Napangiti naman din sila ate at nagsimula nang maglabas ng mga ingredients na kakailanganin nila para sa ulam namin. Dalawang klase daw ng ulam ang lulutuin nila.
So I started mixing all the ingredients using the electric mixer and told Jarred to pre heat the oven to 180 degrees celsius. Nakikipagkwentuhan lang din kami ni Jarred kila ate nang biglang nagtanong si Ate Rose.
"Ma'am, may boyfriend na po ba kayo?" Napatawa ako sa gulat sa tanong niya. Alam kasi nila ate na arranged marriage lang kami ni Jarred. And vocal naman kami about being just friends kaya ayos lang samin pag-usapan yung mga ganitong bagay, sadyang nagulat lang ako.
"Grabe ka magtanong, Ate Rose." Sabay tawa ako ulit. Umupo muna kami ni Jarred since kaka-set ko lang sa cake for 45 minutes sa oven. Napatingin naman sakin si Jarred habang hinihintay din ata ang sagot ko.
"Wala po, Ate. At never pa nagkaroon." I answered honestly. Napa-taas ng kilay sakin si Jarred. Mukha namang napansin din ito nila ate.
"Nako, Ma'am, mukhang di naniniwala si Sir Jarred sa inyo. Sa ganda niyong yan, hindi kayo nagka-boyfriend?" Si Ate Nika naman ang nagtanong ngayon.
"Ewan ko sayo, Jarred." Sabay irap ko dito at tsaka ako humarap kila ate na busy padin sa pagluluto pero sumusulyap paminsan minsan sa amin.
"Nambola pa si ate. Hindi po talaga 'ko nagka-boyfriend. Pero syempre may mga nai-date ako." Sabay lingon ko ulit kay Jarred na nakatingin padin sakin.
"Ano ba yon, Jarred?" Natatawang tanong ko sa kanya. Nagsalubong naman ang mga kilay niya.
"So, hindi mo boyfriend yung kasama mo last time? Yung Joseph?" He asked, narinig ko namang medyo natawa sila ate.
"Hindi, no! Diba sabi ko sayo noon, wala akong boyfriend?" I answered, napatango tango naman siya.
"Sorry naman." I just shrugged and smiled at him. Grabe I can't believe na I've been living with Jarred for almost one week now, and we're not even married yet! Yung parents kasi namin and sila lola, gustong magsama na kami sa iisang bahay para mas makilala namin yung isa't isa bago kami ikasal. Okay nadin, para if ever na may hindi kami magustuhan sa isa't isa, may chance pa kaming mag-back out. And we'll start planning the wedding after we graduate.
"Bakit hindi niyo naman tanungin ngayon si Jarred, mga ate?" I asked them, napa-tawa sila.
"Ma'am, ang dami na pong naikwento ng nanay namin tungkol kay Sir Jarred, eh." Oo nga pala, anak sila ng dating kasama sa bahay nila Jarred.
"Tulad ng ano, Ate?" Si Jarred naman ang napatanong ngayon.
"Tulad ng, ni minsan daw ay hindi ka nagdala ng babae sa bahay niyo, at napaka-sipag niyo daw po mag-aral." Napangiti ako sa sinabi ni Ate Nika at bumaling kay Jarred.
"Wow naman, Jarred! Hindi ka nag-uwi ng babae?" I asked, napangiti ito sabay umiling.
"Akala ko naman dun ka napa-wow sa sinabi ni Ate na masipag akong mag-aral. And yes, never akong nag-uwi ng babae sa bahay namin." Napatango ako.
"Bakit hindi mo naman sila iniuwi? Hindi mo manlang ipinakilala sa parents mo?" Pang-aasar ko dito. Inirapan tuloy ako.
"Wala kasi akong babae. I dated a few girls, pero yun lang yun." He answered, napangiti ulit ako.
"Good boy naman pala." Asar ko pa sabay gulo ng buhok niya. Sinamaan tuloy ako ng tingin kaya napatawa na'ko.
"Paka-cute mo, Jarred. Ang sarap mong inisin." Sabi ko sa kanya bago kumuha ng fresh milk sa ref at nagsalin para sa aming dalawa ni Jarred. Ayaw daw kasi nila ate.
"Iinom ba kayo mamaya?" I asked Jarred again pagkaupo ko sa tabi niya.
"Okay lang ba sayo? I mean, syempre bahay natin 'to, ayoko naman gawin dito yung mga bagay na ayaw mo." He looks uneasy again. Parang nagpapaalam lang sa nanay niya.
"Of course, it's okay with me. Ang laki laki ng bahay, we can just stay in our rooms when you drink or pwedeng sa garden or sa veranda kayo mag-inom. Kahit saan niyo gusto." I offered. Napangiti naman siya ng malaki.
"Ang cool mo, no? Don't worry, liligpitin namin yung mga kalat namin mamaya." He assured me, I just smiled.
"Kami nang bahala sa mga kalat niyo, Sir. Basta mag-enjoy lang po kayo." Ate Rose said.
"Nako, ate, wag na po. Kami na bahalang maglinis dun dahil kami din naman ang uminom. Pero, thank you po." Ang responsible talaga.
"How about the drinks? Wala tayo dito." Bigla kong naalala habang nagffrosting na kami ni Jarred ng cake. Hindi naman ito lumingon sa akin at nagpatuloy lang sa ginagawa niya. Nag-enjoy?
"Don't worry about it, sila na daw ang bahalang bumili." He answered.
After frosting the cake, nilagay na namin ito sa ref tsaka kami umakyat para magpalit ng mas maayos na damit. It's almost 7 pm. Nakaayos nadin yung dining area. Lumabas na ako galing sa kwarto ko at sakto namang labas din ni Jarred. Natawa ako sa suot namin, we're both wearing a maroon top, sa kanya ay simpleng v-neck t-shirt lang at sa akin naman ay cropped top. And we're also both wearing maong pants.
"Aren't we meant to be?" He teased, sabay lapit sa akin. I smiled at him.
"I guess, we are." I answered at sabay na kaming bumaba.
♥️♥️
Hi, guys! Stay safe and healthy! Let's keep praying. God bless us 🙏🏻🙏🏻