Chapter 28

3.4K 88 0
                                    

Gwen's Point Of View

"Papunta na ba sila?" I asked Jarred as soon as I saw him walking down the stairs. Ako naman ay palabas palang ng kwarto ko. Tumigil naman siya sa paglalakad at hinintay akong makalapit sa kaniya.

"Yes. How was your sleep?" Inakbayan niya ako habang sabay kami bumababa sa hagdanan.

"Good. Nakabawi ako ng tulog." He smiled at me.

Papunta ang mga kaibigan namin ngayon, like how we planned it last night. Pumayag ang boys na mag-inuman sila dito at kami naman ng girls ay makikipag-kwentuhan sa kanila. We don't really drink and alam yun ng boys kaya mas marami rin kaming naka-prepare na food.

"Saan niyo balak pumwesto mamaya?" I asked him as we wait for our friends para sabay sabay narin kaming makakain ng lunch.

"Ikaw? Saan mo gusto?" Napatawa ako sa tanong niya. Kinuha niya naman ang kanang kamay ko at pinaglaruan ang mga daliri ko habang nakakunot ang noo.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Kayo ang iinom, dapat kung saan niyo gusto." I answered. He smiled at me.

"Sa pool side nalang, babe." He answered and I nodded.

"Baka gusto niyong lumabas ng mga kaibigan mo, pwede naman." I suggested habang papasok sa kitchen para kumuha ng tubig. Sumunod naman siya sa akin.

"Bakit, ayaw mong dito kami?" Naniningkit ang mga mata na tanong sa akin ni Jarred. Napatawa naman ako habang inaalok siya ng tubig, mabilis naman siyang umiling at tinitigan pa ako na para bang hinihintay niya ang sagot ko.

"Gusto ko, syempre. Pero baka kasi mas magustuhan niyo sa labas para madami kayong nakikita." I raised an eyebrow at him. Tiningnan niya naman ako ng masama.

"Wala kaming balak mambabae, kung ayan ang gusto mong i-suggest." Napa-tawa na ako sa sinabi niya kaya mas lalo lang siyang nainis sa akin.

"Grabe, hindi naman babae ang sinasabi ko! Alam ko namang hindi kayo mga babaero. Lalo si Ray, parang sobrang tino niya, no?" Nangingiti kong sagot. Tinaasan niya naman ako ng kilay.

"You like him?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya.

"Ano ka ba? Kaibigan mo 'yun!" Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa tanong niya. Hindi naman siya natinag sa sagot ko at parang may hinihintay pang kasunod.

"Seriously, babe?" Natatawa na talagang tanong ko. Umiling lang naman siya kaya mahina ko siyang hinampas sa braso.

"Para kang ewan diyan, Jarred." Inirapan niya 'ko na nakapagpa-tawa na naman sa akin.

"It's babe for you." Ako naman ngayon ang napa-irap at mabilis na nag-iwas ng tingin dahil sa naramdaman kong pamumula ng mga pisngi ko.

Nag-beso kami ng mga kaibigan ko ng makarating sila sa bahay. Bumati rin sila kay Jarred at magkakasama kaming pumunta sa dining room para hintayin ang mga kaibigan ni Jarred. Nag-text naman si Vince at sinabing papasok na sila sa village namin.

"Why don't you ask them to sleep here later, babe? Para mas matagal mo silang makasama." Jarred suggested as I asked Ate to prepare our lunch already, para pagdating ng boys ay didiretso na kami kumain.

"That's a good idea. Ask your friends also if they want to stay here. Para mapa-prepare natin yung guest rooms." He nodded at bumalik na kami sa dining room para maituloy ay pakikipag-usap sa mga kaibigan ko.

"Let's go to the spa tomorrow! Para naman ma-relax tayo. Grabe ang pinagdaanan natin this week, lalo na si Gwen." Nang-aasar na sagot ni Nikka nang magtanong si Quian kung anong gagawin namin bukas tutal ay Sunday naman. Inirapan ko siya at napatingin kay Jarred na nagtatakang nakatitig sa akin.

"Baliw! Ang dami lang talagang ginawa this week. Akala ko katapusan ko na." Natatawang sagot ko kaya napatawa rin sila.

"I thought Joseph helped you sa isang project?" Nanlaki ang mga mata ko sa itinanong ni Angel. Napaubo ako ng kaunti at uminom muna ng juice bago sumagot. Ni hindi ako makatingin kay Jarred dahil alam kong nagsisimula na siyang mainis lalo at may ibang lalaking involved.

Sasagot palang ako nang sumaktong pumasok ang boys sa dining room. Sabay sabay naman kaming tumayo ng girls para bumeso sa kanila. Ang mga lalaki naman ay bumati rin kay Jarred.

"Umupo na kayo, ipapalabas ko na ang mga pagkain para makapag-lunch na tayo." Napatango naman ang boys sa sinabi ko at mabilis akong pumunta sa kitchen para tulungan sila ate na ilabas ang mga pagkain. Sumunod naman sakin si Quian na akala ko ay tutulungan ako, 'yun pala ay makiki-tsismis lang sa akin.

"Bakla ka! Hindi mo sinabi kay Jarred na nakasama mo this week si Joseph dahil tinulungan ka sa isang project?" Bulong niya sa akin na may kasama pang pagkurot sa tagiliran ko kaya naman napalayo ako sa kaniya habang naka simangot.

"Nawala sa isip ko, sis. Hindi ko naman kasi naisip ang tungkol doon dahil wala lang naman para sakin." I said truthfully. Joseph just helped me with a project and sobrang bilis lang noon kaya siguro hindi ko na naalalang i-kwento kay Jarred.

Sabay kaming lumabas ng kitchen at dumiretso sa dining room bitbit ang magkaibang ulam sa mga kamay namin. Ngumiti naman ako kay Jarred ng makita kong nakatitig siya sakin hanggang sa makaupo ako sa tabi niya.

Nagsimula naman kaming kumain at mag-kwentuhan. Nakakatuwa talaga tuwing nakikita ko na nagkakasundo ang mga kaibigan namin ni Jarred. Lumaki bigla ang grupo namin at sobrang saya ko dahil doon. Ang mga kaibigan ni Jarred ay naging kaibigan ko narin, at ganun din kay Jarred na naging kaibigan na ang mga kaibigan ko.

Napatingin ako kay Jarred na nakaupo sa kanan ko nang hawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa mesa at marahang pinisil ito, nakita ko namang napa-ngisi ang mga kaibigan namin ng makita iyon. Napailing nalang ako.

"Yes, babe?" I asked him. Lumapit naman siya sakin at bumulong.

"You didn't tell me about the project with Joseph." Mahinahon ngunit may diin na salita niya. I smiled apologetically at him.

"I'm sorry. Nawala sa isip ko kasi sobrang bilis lang 'yon. Hindi ko na naalalang i-kwento sayo." I answered truthfully. He nodded.

"When was it? What did you do after?" He followed. Akala ko tapos na noong tumango siya. Nagsisimula palang pala.

"Kumain muna tayo, mag-kwento ako later, okay?" I was smiling and he was just looking at my eyes at nakita kong bumaba ito saglit sa labi ko bago siya nag-iwas ng tingin at bumalik sa pagkain.

Indelible FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon