Gwen's Point of View
It's Saturday, I woke up at 9 kasi 12 pm kami magkikita ni Jarred sa "Coffee and Books". Bumaba muna 'ko para makapag-breakfast pa kasabay sila mommy, para din makapagpaalam ako na aalis ako mamaya.
Umakyat ako kaagad pagkatapos kumain and inihanda na lahat ng dadalhin kong gamit mamaya then I took a bath.
I left our house at 11. Mabilis naman akong nakarating sa Coffee and Books, sakto din namang nag-text si Jarred para sabihin na nandun na sya sa loob. Okay, ang aga namin parehas.
Pumasok nako and nakita ko si Jarred na nakaupo na sa isang table, he waved at me and offered to put my bag on the chair para sabay na kami makapag-order ng pagkain namin. Bumalik naman agad sya sakin sa pila.
"Anong order mo? Treat ko." Sabi nya sakin, tinaasan ko ng kilay.
"Ayoko nga ng libre. Ako magbabayad ng pagkain ko." Sagot ko sa kanya, I heard him chuckled behind me.
"Please? Ngayon lang. Malungkot ka kasi kahapon, I wanted to treat you." He smiled. Inirapan ko nga. Bait talaga nito, nakakainis.
"Fine. Ngayon lang 'to, Jarred. Treat ko next time." Gumanti na'ko ng ngiti sa kanya. After that, he asked me kung anong order ko at sinabi ko din naman kaagad sa kanya. Sinabihan nya nadin ako na pumunta na'ko sa table para mabantayan yung mga gamit namin habang umo-order sya.
"So, how are you?" Paunang tanong nya nang makaupo sya sa harap ko. Alam kong ang tinutukoy nya is kung ayos na ba 'ko since malungkot ako kahapon. Inayos ko naman ang pagkain sa table namin bago nag-angat ng tingin sa kanya.
"Ayos na'ko, seryoso. Nawabasan naman yung bigat na nararamdaman ko." Natawa 'ko sa isinagot ko sa kanya, napangiti sya.
"That's good." I smiled at him.
"Thank you, Jarred. For your concern and for the food." Tumawa sya.
"You're welcome, Gwen." And we started eating, sobrang random lang ng mga pinaguusapan namin nang may naalala ako bigla.
"Hmm, yung girl kahapon, girlfriend mo ba?" I asked him out of curiosity. Kasi naman parang galit sakin kahapon yung girl dahil kasama ko si Jarred. And nakita ko nadin sila dati sa mall, so hindi malabong mag-boyfriend nga sila.
"Nililigawan ko pa lang." sagot nya, napatango tango ako. For sure naman sasagutin din sya 'non, halatang gusto din sya eh.
"I'm sure, sasagutin ka na 'non." Napangiti sya sakin.
"I hope so." After eating, we decided to order one more drink para sa aming dalawa para naman may iniinom kami habang gumagawa ng research, aakyat din kasi kami sa second floor para tahimik and maybe we can also find references from their books.
We decided to take a break at 3 pm. Um-order lang kami ng snacks tapos balik ulit sa paggawa ng research. Masaya syang gawin kasi nahahaluan namin ng kwentuhan at kalokohan ni Jarred, masaya sya kasama, magaan sa loob.
At 5:30 pm, nakatapos na kami hanggang chapter 3, so we decided na okay na muna 'yon and gagawa nalang ulit kami next Saturday. Mukhang matatapos talaga namin 'to ahead of time.
"Mag-dinner na muna tayo bago umuwi?" Alok nya sa akin. Tumango naman ako.
"Sure, saan?" Pinagusapan muna namin kung saan kami kakain ng dinner bago umalis sa Coffee and Books. Nagka sundo kami na sa isang malapit na restaurant nalang kumain at magkahiwalay din kaming pumunta doon dahil parehas kaming may dalang sasakyan.
"May boyfriend ka ba, Gwen?" Biglang tanong nya habang kumakain kami. Inangat ko ang tingin ko sa kanya.
"Wala, may ipapakilala ka ba?" Biro ko sa kanya, napatawa naman sya.
"Kumain ka na nga lang diyan." Sagot nya sakin, tinawanan ko lang sya at nagpatuloy sa pagkain. Nagkwentuhan pa kami hanggang sa makapag-decide kami na umuwi na. 7 pm na din kasi.
"Bye, Jarred! Thank you for today." He smiled at me bago yumakap ng mabilis. It was a friendly hug so I slightly tapped his back to acknowledge it.
"Bye, Gwen. Thank you, din." I smiled at him at sabay na kaming pumasok sa kanya kanya naming sasakyan.
It was a tiring day pero super fun din dahil kay Jarred. Masaya talaga sya kasama, parang matagal na kaming magkaibigan sa pakikitungo namin sa isa't isa.
♥️♥️
Stay safe, guys! God bless us 🙏🏻