Gwen's Point Of View
Isang linggo na kaming nasa bahay lang ni Jarred. Ewan ko rin pero parang pareho naman kaming hindi naiinip na andito lang. Sa umaga, sabay kaming mag-exercise at breakfast. After that, we will go to our library and search for books that we want to read. I'm not much of a reader pero nahawa ata ako kay Jarred. Minsan ay fiction pero minsan ay books about business ang binabasa ko lalo na kapag nakita ko na ganoon ang binabasa ni Jarred. Masyadong masipag ang lalaking 'to. Gusto pa rin may inaaral kahit naka-bakasyon.
And now, after we ate our lunch, nanunuod naman kami ng movie sa entertainment room. Nagkasundo kami na manuod ng isa sa mga marvel movies.
"Ang gwapo." I sighed and looked at Chris Evans' face in the screen. Naramdaman ko namang napabaling sakin si Jarred at kung kanina ay may distansya pa sa pagitan naming dalawa, ngayon ay wala na. Kung maka dikit naman 'to sa akin. Ang laki laki ng sofa tapos sakin naka-siksik.
Naramdaman ko naman ang pag-akbay niya sa akin kaya nagtagal na ang tingin ko sa kaniya. He smirked.
"Ang gwapo ko rin ba?" Mapang-asar na tanong niya at mabilis naman akong napa-irap.
"Yabang mo." I heard him chuckle as I chewed on my popcorn and we continued watching.
"Where do you want to go tomorrow? It's Sunday, baka may gusto kang puntahan?" Tanong niya pagkalipas ng ilang minuto. Nanunuod kami tapos biglang magtatanong.
"Aalis ako bukas, Jarred." Mabilis na sagot ko dahil exciting na ang mga pangyayari sa movie at hindi ko na matanggal ang tingin ko dito. Pero nagulat ako ng biglang tumigil ito kaya napabaling ako kay Jarred.
"Where are you going tomorrow?" He asked as he looked into my eyes very seriously. I must admit, he is really handsome. I honestly haven't had a crush in my entire life that could top the attractiveness of this man. I usually like guys with a good boy look, and Jarred doesn't look like that. He has a fair skin but not as fair as mine, but he looks a bit rough, contrary to the guys that I always like.
Napabalik ako sa huwisyo ko nang umangat ang isang kilay niya na para bang naiinip sa paghihintay ng sagot ko. I cleared my throat.
"Sa salon and cinema. Baka I'll be back after dinner na." I explained as he looked more serious.
"Sinong kasama mo?" I raised my eyebrow. Wow, I fell like I am being interrogated by my boyfriend. Parang gusto kong matawa sa naisip ko.
"My three girl friends. Chill. You sound like a possessive boyfriend." Natatawang sagot ko sa kanya. Mukha namang mas lalo siyang nainis kaya mas natawa ako at kukuhanin na sana ang remote nang mabilis niya itong nailayo at mas lumapit pa siya sa akin. Napanganga ako sa gulat at di agad nakapagsalita. He's too close! My heart is beating so loud again!
"And you didn't tell me, because?" Nanliliit ang mga matang tanong niya sakin. Sinubukan ko namang umatras pero mabilis niyang naagapan 'yon sa paghawak sa likod ko. I think I just felt electricity when he placed his firm hand on my small back.
"Nakalimutan ko at kanina lang din kasi namin napag-usapan." Tumango naman siya sa naging sagot ko, bahagya kong tinulak ang dibdib niya palayo sa akin pero wala naman itong maging epekto sa kaniya. Malapit parin siya sakin.
"No boys?" He asked accusingly, napatawa na naman tuloy ako.
"Jarred naman! Bakit kami magdadala ng lalaki sa salon?" Natatawa parin na tanong ko.
"Maybe the boys will be at the cinema, then?" Napa-awang ang labi ko sa isinagot niya. Hinampas ko naman siya sa braso nang makabawi ako sa pagkagulat.
"Wala ngang lalaki! Kaming apat lang talaga bukas. Date namin 'yon." Hindi ko alam kung bakit nag-eexplain ako at kung bakit parang natutuwa ako sa nagiging takbo ng usapan namin! Nabibigla narin ako sa sarili ko talaga.
"Make sure of that, please." Mahinang sagot niya at halos yumakap na sa akin sa lapit niya. Marahan akong tumango at ikinawit ko na ang mga braso ko sa balikat niya at marahan na tinapik ang mga ito. Nakita ko kung paano napasunod ang tingin niya sa mga kamay kong nasa mga balikat niya ngayon. He looked amazed and happy.
"Tuwang tuwa ka naman bigla ngayon?" Masungit na tanong ko, he chuckled at tuluyan na akong niyakap.
"I really want to work this out, babe. I will do my best to always understand you and to control my emotions well so that I don't hurt you unintentionally." Malambing na salita niya, yumakap ako pabalik sa kaniya at marahan ulit na tumango.
"I feel the same way." I felt his hug became tighter but not to the extent that I can't breathe anymore.
"Anong oras ka aalis bukas? Aayain ko nalang din sila Vince na lumabas kami." He asked, still hugging me. Sinubukan ko namang kumalas sa yakap pero ibinabalik niya lang ako sa pwesto ko kaya marahan kong hinampas ang likod niya na nakapagpa-tawa sa kaniya.
"Lumayo ka muna kasi para makasagot ako ng maayos. Hindi naman ako mawawala." Umiirap na salita ko. Inilayo niya naman ako sa kaniya pero kaunti lang.
"Ayoko ngang lumayo ka sakin." Sagot niya naman. I sighed.
"Ako, gusto ko, umayos ka nga." Napatawa na naman siya at sa wakas ay kumalas na sa pagkakayakap sa akin.
"After lunch ako aalis bukas. Saan mo ba sila balak ayain?" He shrugged.
"Sa club siguro?" He asked boredly. Parang hindi niya naman pinag-isipan at napililitan lang siyang ayain ang mga kaibigan na lumabas.
Pero, sa club talaga? Para maraming babae? Tapos ako bawal pag may lalaki?
Inis ko siyang binalingan.
"Iinom kayo at hahanap ng babae?" I asked sharply. Napakunot ang noo niya na parang sobrang nagtataka sa tanong ko pero mabilis din siyang nakabawi at ngumisi ng nakaka-loko.
"Bakit? Selos ka?" He smiled. Mabilis ko siyang inirapan at hinampas sa braso. Tawa naman siya ng tawa.
"Hindi ako nagseselos! Unfair lang kasi ako bawal pag may lalaki, tapos ikaw pwede pag may babae? Swerte mo naman!" Gigil na sagot ko. Natatawa parin siya sa akin at sinubukan na hawakan ang kamay ko pero inilayo ko lang ito. Napa-iling siya.
"Bakit ako maghahanap ng babae? Eh, andito ka." Napakunot ako ng noo, a bit confused of his answer.
"Daming sinasabi, akala mo totoo." Pabulong na sagot ko na mukhang narinig niya naman kaya tumawa na naman siya pero mabilis din namang nag-seryoso at tumitig sa nga mata ko.
"Seryoso kasi. I promise that there would be no girls involved. We will just drink, I will not dance so I wouldn't have to bump into girls. Uupo lang ako at iinom, like a good fiancé waiting for his girl to finish dating her girl friends. At ikaw, seryoso rin na walang lalaki. Ayoko ng may ibang lalaki." Napaiwas ako ng tingin dahil sa lalim ng titig niya sa akin. I can feel my heart beating so fast that I feel like Jarred can hear it already. It's like there are a lot of animals that are racing inside my heart. Jarred and his perfect choice of words. Any woman's heart will melt if they hear what Jarred just said to me.
"Hey, look at me, baby." Malambing na tawag niya sa akin. Bakit ba ganito kami bigla? We're not this sweet towards each other before. It just changed gradually and I'm loving every bit of this change. But it is so scary. Jarred likes a different girl and I don't want to risk falling in love with him. It will just break me.
I looked at him, nodded, and smiled, like how a nice friend should smile at her friend. Yes, that's it. Jarred and I are friends and we just happen to live together that's why our set-up is very confusing.
🤍🤍
Hi! Stay safe, everyone! Remember that God loves you and He treasures you! 🤍