Gwen's Point Of View
"Ano pang kailangan natin?" Tanong ni Jarred sa akin, napatingin naman ako sa push cart na tinutulak nya at hindi na'ko nagulat nang makitang sobrang daming laman noon. Sa dami ba naman ng kinukuha namin ni Jarred. Nasa grocery store kasi kami ngayon, It's saturday at naisipan naming mag-grocery dahil medyo paubos na yung mga stocks sa bahay. Pinili talaga namin ni Jarred na mag-grocery kahit pwede namang sila ate nalang, kasi gusto naming makabili din nung gusto naming pagkain kapag nasa bahay kami. Usually kasi ang pinapabili nalang namin kila ate is yung food nila and mga pang-ulam namin. Yung personal things and foods that we want, kami na ang bumibili.
Tumingin naman ako sa notes ng phone ko at naka-check na lahat ng dapat naming bilhin so I answered him.
"Wala na. Andyan na lahat ng kailangan natin. Magbayad na tayo." Sagot ko kay Jarred, tumango naman sya at nagpatuloy sa pag-tulak ng push cart papunta sa cashier. Agad naman kaming nagbayad at lumabas na bitbit ang napakadaming pinamili namin. Mabilis kaming umalis doon at dumiretso sa restaurant na katabi lang nito para mag-lunch.
"What are your plans for today?" He asked, I shrugged bago umupo. Um-order naman sya at mabilis na umalis ang waiter. He faced me, sa tapat ko sya nakaupo.
"Wala. Pwedeng lumabas mamaya with friends pero wala pa talagang naka-plan. Why?" Napatango sya sa sinabi ko bago sumagot.
"Okay, that's good. Alis tayo mamayang 4 pm for Batangas. We'll stay there until Tuesday night." Nagulat ako sa sinabi nya. Wow, may plano na pala sya. I nodded at him.
"Anong trip mo at bigla mong naisipan na mag-Batangas?" I asked him, nag-kibit balikat naman ito. At bakit hindi nalang kami kagabi umalis o kaninang umaga para sana mas madaming time? Pero mukhang may tinapos pa syang requirements kagabi kasi sobrang busy niya, kaya siguro hindi sya kagabi nag-aya na umalis.
"Wala lang, I just want to relax." He answered, I nodded.
"Tayo lang?" Bigla kong naisip, baka kasi may iba pala kaming kasama, diba?
"Yes. Tayo lang." He smirked, inirapan ko naman sya.
"Hindi kaya magkasawaan na tayo niyan?" Asar ko sa kanya. He raised his left eyebrow on me.
"Hindi ako magsasawa sayo. Ikaw ba?" I smiled.
"Hindi rin." Napangiti siya sa sagot ko at bumalik na kami sa pagkain.
"Start packing, okay? Para kapag natapos tayo ng mas maaga sa 4 ay makaalis na agad tayo." I nodded at mabilis na pumasok sa kwarto ko. Pagkatapos naming kumain ay umuwi na kaagad kami para walang masayang na oras.
I started packing my things bago naligo ulit. At exactly 3 pm, tapos na'kong mag-ayos ng sarili ko. Lumabas ako ng kwarto at kumatok sa pintuan ng kwarto ni Jarred. Binuksan nya naman ito kaagad, napatingin ako sa kanya at nakabihis na sya. Parang kapag sinabi kong aalis na kami ay tatayo nalang sya at diretso na palabas. Mukhang kanina pa sya naka-ayos at hinihintay nakang ako na kumatok sa pintuan ng kwarto nya.
"Are you done?" He asked, I nodded.
"Yep, let's go na para 'di tayo ma-traffic." I smiled at him, tumango naman sya at kinuha na sa loob ng kwarto nya ang mga gamit nya. Ganun din ang ginawa ko at sabay kaming bumaba.
"You can sleep if you want, medyo malayo layo pa ang byahe." He said while driving, umiling naman ako dahil hindi naman ako inaantok at isa pa, ayoko namang tulugan sya.
"'Wag na. Ayokong tulugan ka. Ikaw na nga 'tong pagod sa pag-ddrive tas wala ka pang makakausap sa byahe." I answered, mabilis naman itong napatingin sakin at marahang ngumiti.
"I didn't know you can be this sweet. 'Wag mo naman akong pakiligin." Malaki ang ngiting sagot nya, napatawa ako at kinurot sya sa braso. Pero parang wala naman yung epekto dahil sa tigas nito. I wonder how did he get those perfect arms.
"'Wag mo 'kong landiin." Natatawa ko pa ring sagot sa kanya. Napatawa naman sya.
"Hindi naman ako malandi." Napataas ako ng kilay sa sagot nya.
"Talaga lang, huh?" I mocked, he nodded and held my left hand bago marahan 'yong pinisil. Hindi ko naman ito binawi. We're friends, I don't see anything wrong with him holding my left hand. Okay, why do I sound so defensive?
"So, what are your plans after college?" He asked while we're eating. Tumigil kami sa isang fast food para kumain saglit ng dinner. It's already 6 pm at hindi parin kami nakakarating sa Batangas. Na-traffic kami masyado. I was hoping to watch the sunset pa naman kung sakaling aabot kami, kaso hindi.
"Hmm, marry you? Diba ayun naman ang naka-plano after we graduate?" I answered, napaangat naman sya ng kilay at parang medyo napangiti. Hindi ko parin kasi talaga alam kung anong balak ko after college. Nakakatakot isipin, kasi parang 'dun na talaga mag-sstart yung totoong buhay. Well, that's for me. So, ayoko muna syang isipin sa ngayon.
"So you're really considering to marry me?" He asked, still wearing that playful smile.
"Yes, wala naman akong choice." I shrugged, nakita kong may dumaang lungkot sa mga mata nya. Or am I just imagining things?
"Don't you want to marry me?" He asked again, napailing ako.
"Hindi naman. It's okay with me. They arranged us, wala na tayong magagawa about it. And we're friends, so okay nadin. Kesa naman ipakasal ako sa hindi ko kilala, 'yun ang ayoko talaga." I answered, napatango tango sya at hindi na sumagot. Mabilis naming tinapos ang pagkain namin at umalis na ulit.
It's almost 7 pm nang makarating kami sa rest house nila sa Batangas. Agad kaming sinalubong ng mga care taker at tinulungan bitbitin ang mga dala naming gamit. Nagpasalamat naman kami at agad na sumunod papasok sa loob ng bahay.
The place is nice, katapat lang ng bahay ang dagat. Sobrang peaceful. Itong yung mga tipo ng lugar na hindi mo pagsasawaan at hinding hindi mo ipagpapalit sa usok sa siyudad. That's what I love sa mga ganitong lugar, sariwa ang hangin at mapayapa. Walang maiingay na sasakyan at masasakit sa ilong na usok nito.
"Do you like the place?" Tanong sakin ni Jarred nang makapasok kami sa bahay. Malaki ito, mayroong dalawang palapag. Iginala ko ang tingin ko sa kabuoan ng bahay. It's designed as an old house pero may touch nadin ng pagiging modern.
"Yes, sobrang ganda dito. Lalo na at katapat lang ng bahay yung dagat." I answered, napatango tango naman sya.
"I agree, isa 'to sa mga pinaka-paborito kong rest house namin. Sobrang peaceful kasi." He smiled, I nodded bilang pagsang-ayon. Nagpalit kami ng damit at napagdesisyonang umupo lang sa tapat ng dagat. Magpapahangin lang kami para mabilis antukin at maaga kaming makatulog. Ang mga care taker naman nila na mag-asawa ay bumalik na sa bahay nila na malapit lang din dito sa bahay nila. I guess, pinagawan sila ng maliit na bahay sa tabi ng bahay nila Jarred para madali para sa kanila na pumunta dito.
"I want our wedding to be held here." He suddenly uttered while we're staring at the peaceful sky and listening to the sounds of waves. Napa-angat ako ng tingin sa kanya at hindi ko maiwasang mapatitig dahil gusto kong makita kung seryoso ba sya sa sinabi nya. Nagbaba naman din sya ng tingin sa akin at ngumiti bago hinawakan ang kamay ko. Hindi nalang ako sumagot dahil hindi ko naman alam kung anong dapat kong isagot sa sinabi nya. At sa tingin ko ay hindi 'rin ako makakapagsalita ng maayos dahil parang nanikip ang dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
♥️♥️
Stay safe and healthy, everyone! Don't forget to drink you vitamins and pray 🥰