Dazia Pov
"LETSE kang bata ka! Bakit hindi ka pa naglalaba?!"
Matinis na sigaw ni Tiya Meliza na dumagundong sa buong kabahayan.
"Teka lang po tiya naghuhugas pa po kasi ako ng pinggan!" sigaw ko rin pabalik pero sa magalang na tono.
Baka kasi mapalo na naman ako nun.
"Bilisan mo! Ang bagal bagal mo, alas nuwebe na marami ka pang lalabhan!"
"Opo." Sagot ko.
"Tapos ka na bang maglinis, Dylan?!" Tanong ni Tiya sa lalaki kong kapatid na si Dylan.
"Kakatapos lang po, Tiya," magalang na sagot nito.
"Ikaw, Daisy? Tapos ka na bang magdilig ng mga halaman?!" Tanong naman ni Tiya sa bunso naming kapatid na si Daisy.
"Opo, Tiya." Magalang din nitong sagot.
"Tulongan niyo ang ate niyong maglaba," saad nito at naglakad na.
"Nga pala, gusto kong tahimik muna ang bahay ngayon kaya huwag kayong masyadong maingay." Pahabol nito at tuloyan nang umakyat papunta sa kanyang kwarto.
"Huwag daw masyadong maingay pero siya itong sigaw ng sigaw, nye nye!" bulong ni Daisy pero narinig naman namin. Tumawa nalang kami ng mahina.
Ano pa ba ang bago? Araw-araw lang namang sumisigaw si Tiya, buti nalang at hindi siya napapaos.
Tinapos ko na ang gawain. Sabado kasi ngayon kaya walang pasok. Lumabas na kami para maglaba.
Ako nga pala si Dazia Kimberly Montenegro, at ang kapatid kong lalaki ay si Dylan Kreon Montenegro, ang bunso naman naming kapatid ay si Daisy Krian Montenegro.
Three years ago noong mamatay ang mga magulang namin dahil sa vehicle accident. Labing limang taong gulang pa lang ako noong mangyari iyon. Si Tiya Meliza na ang kumupkop sa amin matapos ang pangyayari. Siya ang nagpakain at nagpaaral sa amin kasi nga may sarili ding pamilya at mga anak ang iba naming Tiyahin, at saka matandang dalaga si Tiya Meliza kaya napagkasunduan ng mga ito na siya na ang umampon sa amin.
Palagi lang galit si Tiya dahil napepeste raw siya sa amin. Iniintindi na lang namin siya kasi wala rin kaming magagawa. Hindi naman niya kami masiyadong sinasaktan ng pisikal pero yung masasakit na salita ay palagi naming naririnig mula sa kaniya. Tinitiis nalang namin kasi wala rin naman kaming ibang matutuloyan dahil malayo ang bahay ng lola namin. Buti nga pinapaaral at pinapakain niya pa kami, e. Pero hindi talaga namin maitatanggi na namimiss na namin sila Mama at Papa. Sana masaya sila kung nasaan sila ngayon.
Nagbabanlaw na kami sa aming mga nilabhan. Halos tatlong oras din kaming naglaba dahil sa dami ng lalabahin.
Dalawang linggo na kasi kaming hindi nakakapaglaba kaya marami ang mga kailangang labhan.
"Hi Dylan!"
Bati ng mga babaeng dumadaan pero si Dylan ay nakakunot noo lang silang tiningnan at binalik na kaagad ang tingin sa ginagawa.
Natawa na lang kami ni Daisy habang nakatingin sa mga babaeng papalayo na dismayado at hindi maipinta ang mga mukha.
"Nako, Kuya! Masyado kang masungit! Baka hindi ka na nila hangaan niyan. Bakit ka nga ba nila nagustohan? Nagtataka pa rin ako, ang panget mo kaya!" sabi ni Daisy.
Masama naman siyang tiningnan ni Dylan.
"Ikaw yung panget sa atin! Hindi ka ba proud sa mukha ng kuya mo, ha?! Ang pogi pogi ko kaya." Pagmamalaki ni Dylan sa sarili.
Umakto naman si Daisy na parang nasusuka. Natawa na lang ako at napailing. Ang dalawang ito talaga ay palagi na lang nagbabangayan.
Nagsimula na kaming magsampay. Makalipas ang kalahating oras ay natapos na.
YOU ARE READING
Owned By The Mafia Lord
RomanceDazia Montenegro is a girl who's living a normal and simple life not until her wicked Aunt drags her inside the Underground Club where dangerous people gather to buy women they can toy with. She keeps on questioning her worth and asking herself why...