CHAPTER 19

3K 107 5
                                    

Dazia Pov

"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na you're part of our circle of friends now," hindi makapaniwalang sabi ni Venice.

Ngumiti lang si Thania. Kanina pa kasi nila kinukulit si Thania eh mabuti na lang at mahaba ang pasensya niya sa tatlo.

Nakatunganga lang si Ysa habang nakatingin kay Thania na parang pinoproseso pa sa utak niya kung ano na namin si Thania ngayon.

"Noon binubully mo lang kami pero ngayon kaibigan ka na namin. My god! Wait, hindi pa nagsi-sink in sa utak ko ang mga nangyayari, masyadong maraming ganap ngayon," ani ni Alyanna habang hinihilot ang noo niya.

Tumawa na lang kami sa inasta nilang tatlo. Kanina nga ay muntik pa mabuga ni Ysa ang iniinom niyang juice nang umupo sa table namin si Thania.

"Welcome sa circle of friends namin, Than. Part ka na ngayon ng sister goals namin," saad ni Ysa na mukhang napasok na sa utak ang mga nangyayari.

"Nice to meet you all kahit na matagal ko na kayong kilala," nakangiting saad ni Thania at nakipagkamay sa tatlo.

Kanina pa kami pinagtitinginan ng mga estudyante. Nandito kami sa cafeteria dahil lunch break na ngayon. Nakakarinig pa kami ng mga bulungan pero hindi na namin pinansin 'yun kasi wala naman kaming mapapala kung papatulan namin sila.

"Nagsama-sama na pala ang mga losers dito sa school."

Napatingin kami sa nagsalita. Tumambad sa amin ang grupo nina Hera na mataray kaming tinitingnan. Tumawa ang ibang estudyante rito sa cafeteria.

"What a shame, Thania. You're making friends with your old enemies now? Sabagay, hindi na nakapagtataka kasi loser ka rin naman," mataray na saad ni Stacy, nagsitawanan naman sila.

Mataray silang tiningnan ni Thania at tinaasan ng kilay.

"You are more shameful than me. Alila ko lang naman kayo noon, right?" Rebut ni Thania at ngumisi.

Ang kaninang ngiti sa mukha ni Stacy ay napalitan ng pagkairita. Akmang itatapon na niya kay Thania ang spaghetti na hawak niya nang humarang ako kaya sa akin 'yun natapon.

Nanlaki ang mata nina Dannica, napakuyom naman ng kamao sina Alyanna. Tumahimik ang buong cafeteria sa nangyari.

"How dare you! You don't have a single right to hurt our friend, bitches!" Inis na sigaw ni Alyanna, nakatayo na rin ito.

Akmang susugudin na nila sina Stella pero pinigilan ko sila.

"Ano ba ang problema niyo? Tahimik lang kaming kumakain dito tapos manggugulo kayo. Pwede bang tantanan niyo rin kami? Nagsasayang lang kayo nang pagkain." Kalmado kong sabi, pinipigilan ang inis ko. Pasalamat sila at ayaw kong ma-guidance.

Kinuha ko ang bag ko at nilampasan sila. Ramdam ko naman ang pagsunod nina Dannica sa akin. Lumabas ako sa cafeteria, hindi mawala ang mga bulong-bulungan nila pero wala na akong pakialam dahil ang lagkit na nang katawan ko dahil sa spaghetti. Kawawa talaga palagi ang uniform ko, nananahimik pero nadadamay.

"Don't mind them, Daz. They just envy you because you are way more prettier than them," saad ni Thania, sumabay sila sa paglalakad sa akin.

"Nakakabwesit talaga 'yang stepsister mo, Than. Pinaglihi yata 'yun sa tae ng kalabaw ang ugali kagaya ng mga kaibigan niyang basura," iritang saad ni Ysa.

"'Wag niyo na lang silang pansinin." Pagpapakalma ko sa kanila.

"'Yan ang mahirap sayo Daz, eh, masyado kang mabait. Tara na nga nang makapagbihis ka na, ang lagkit pa naman ng spaghetting 'yan," ani ni Venice kaya nagmadali na kaming maglakad.

Owned By The Mafia LordWhere stories live. Discover now