Dazia Pov
Alas otso na, nasa bahay na rin kami ni Black, este mansyon niya. Namasyal lang naman kami sa Mall. Kung saan-saan kaming boutique at store pumasok hindi naman ako makaangal. Kakatapos lang namin kumain, magpahinga na raw kami.
Nandito ako sa kwarto niya ngayon. Nasa sofa si Black, mukhang busy na busy siya dahil kanina pa siya nakatutok sa laptop niya. May iilang papeles din doon sa itaas ng maliit na mesa. Ako naman, hinahalungkat ang mga gamit na nasa maleta ko. Inayos ko na ito at nilagay sa malaking walk-in-closet ni Black.
Ang daming mamahaling damit dito. Iba-iba ang style, may mga formal suit din. Nahiya naman ang mumurahing damit ko.
Tinungo ko ang bakanteng cabinet at doon isinabit ang lahat ng damit ko. Nilagay ko rin ang dalawa kong sapatos sa ibaba. Natapos ako sa aking ginagawa, umatras ako ng kaunti at tiningnan ang kabuoan ng mga damit ko nang may maalala ako.
"Tanga ka talaga, Dazia! Yung uniform mo!" Napasapo ako sa noo.
Na-i-istress na ako.
"May problema ba?"
Napatalon pa ako sa gulat. Kung may sakit lang ako sa puso baka inatake na ako.
"Bakit ka ba nang bibigla? Paano kung may sakit ako sa puso?!"
Naiinis ako ngayon. Pasensiya na kay Black dahil sa kaniya ko naibubuntong ang inis ko.
Natawa ito sa naging reaksyon ko.
"May problema ba? Kinakausap mo kasi ang sarili mo." Tanong niya ulit ng nakangiti.
Kung hindi lang siguro ako problemado sa uniform ko ngayon baka kanina pa nagkarera ang puso ko dahil sa ngiti niya.
"Hindi ko kasi nadala ang uniform ko, e. Wala akong susuotin bukas," mahina kong saad at yumuko.
"You don't need those. I already enrolled you and your siblings at my school, no need to worry." Seryoso na ang mukha niya. Ang bilis naman magbago ng mood niya.
Inenroll niya kami sa bagong school? Nakakahiya na, andami na niyang nagastos sa amin. Siya na nga ang nagpapakain, nagpapatira at bumibili sa amin ng mga kailangan namin tapos siya pa ang magpapa-aral.
"N-Nako 'wag na, andami mo ng naitulong sa amin. Nakakahiya kung ikaw rin ang magpapaaral sa amin."
"No. If money is the problem, you don't need to mind it."
Ano pa ba ang aasahan ko sa kaniya? Simula sanggol pa lamang ito ay may nakahanda ng maraming ari-arian galing sa Mommy at Daddy niya. In short, simula bata pa lang siya ay may dalawang gintong kutsara na siya sa bibig.
"A-Ah nako 'wag n—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng pinutol niya iyon.
"No buts. As what I'd said, I don't accept no as an answer."
Ang tigas talaga ng ulo nito. Ang sarap ipakain sa pating. Kung hindi lang talaga siya gwapo, nako!
"Let's sleep, may pasok pa tayo bukas." Sabi niya na may diin ang tayo.
At dahil sa hindi na naman ako maka-angal, sumunod na lang ako. Nang makahiga na kami ay humarap ako sa kaniya. Magpapasalamat ako.
"Black... salamat. Ang dami mo ng naitulong sa amin. Babayaran din kita. Marunong akong gumawa ng mga gawaing bahay. Mag-aapply nalang ako bilang kasambahay mo, libre lang." Offer ko. Umiling-iling siya.
"Personal assistant na lang o hindi kaya hardinera, o kaya—" Pinutol niya ang sasabihin ko.
"Hindi mo kailangang magtrabaho."
YOU ARE READING
Owned By The Mafia Lord
RomanceDazia Montenegro is a girl who's living a normal and simple life not until her wicked Aunt drags her inside the Underground Club where dangerous people gather to buy women they can toy with. She keeps on questioning her worth and asking herself why...