CHAPTER 2

5.4K 180 19
                                    

Dazia Pov

"Nag-aalala lang ako sa mga kapatid ko. Baka ano ang gawin ni Tiya sa kanila."

Tumango siya. Tinanggal niya ang braso niya sa tiyan ko at tumayo.

"Fix yourself, the food is ready," malamig na saad nito at lumabas.

Bumangon ako, ngayon ko lang napagtanto na iba na ang damit ko ngayon sa damit ko kagabi. Itim na t-shirt na halatang panlalaki kasi malaki sa akin at kulay gray pajamas.

Sino ang nagbihis sakin?

Hindi kaya...

Nanlaki ang mata ko. Hindi naman siguro si Black ang nagbihis sa akin, 'no?

Naglakad ako papuntang banyo. Pagbukas ko nang pinto ay namangha ako sa laki nang banyo. May bathtub at pinaghalo ang kulay puti at itim, marble ang sahig at may glass wall sa gilid kung nasaan ang shower. Ang garbo ng cr, ang bango at sobrang linis pa.

Ano paba ang aasahan ko sa anak ng isa sa pinakamayaman na negosyante sa buong mundo?

Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Sabog ang buhok ko pero wala na ang make up sa mukha ko. Siguro pinunasan na ito kagabi.

Sinuklay ko ang mahaba kong buhok na hanggang bewang. Hinayaan ko lang ito na nakalugay at naghilamos, nag mumog na rin ako. Inayos ko ang sarili.

Mamaya na ako maliligo wala kasi akong damit dito. Napagpasyahan ko ng lumabas sa cr.

Ngayon ko lang napagtanto na ang ganda ng kwarto, ang laki nito. Hindi ko mapigilang mamangha. Isang buong bahay na ito ni tiya.

May malaking chandelier sa gitna, may isang pinto rin sa gilid, 'yun siguro ang walk in closet, nasa gitna ang king size bed, may makakapal na kurtina na nakatakip sa bintana, may kulay puti na sofa na kulay itim ang throw pillows at may maliit na lamesa rin sa gilid. Kulay puti at itim ang kulay ng silid at ng mga gamit dito may mga ibang furnitures at paintings pa. Basta ay maganda at ang bango rin.

Nasa ganoon akong pag-iisip ng may biglang kumatok. Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang nasa middle fourties o fifties na maid dahil sa uniporme na suot nito.

"Lady, pinapatawag na po kayo ni Lord, kakain na raw po," nakayukong wika niya.

"Ah, sige po." Nakangiting sagot ko at tuloyan nang lumabas sa silid at sinarado ito.

"Ano po ang pangalan niyo?"

"Ako si Belen. Tawagin mo nalang akong Manang Belen, Lady." Nakangiting sagot nito.

"Nako po! Huwag na pong Lady, hindi naman ako ang amo ninyo. Ako nga po pala si Dazia." Nakangiti kong pagpapakilala kay Manang Belen at nagmano.

"Kay bait na bata, pero iha 'yon ang inutos ni Lord, e. Baka mapagalitan pa ako."

"Hindi po 'yan manang, tara na po." Yaya ko sa kaniya na parang alam ko ang pasikot sikot dito sa mansyon.

Nagsimula na kaming maglakad ni Manang at nagkwentuhan. Marami kaming nadaanan na mga pinto. Sinabi niya rin sa akin kung nasaan ang mga silid, gaya ng music room at iba pa.

Owned By The Mafia LordWhere stories live. Discover now