CHAPTER 24

2.3K 73 2
                                    

Dazia Pov

Nandito ako sa bakuran kasama si Lola, nagkakape kaming dalawa habang nakatanaw sa mga bulaklak niya. Mag-a-alas kwatro na nang hapon. Akala ko ala una hanggang alas tres lang ang practice nila Dylan pero bakit wala pa sila? Baka may inaasikaso pa sila kasi mamaya na ang laro. Hindi ko alam kung makakapanood ba ako kasi walang magbabantay sa mga bata.

"Ziang, manonood ka nang liga mamaya?"

Nabaling ang tingin ko sa gate. Pumasok sila Marie, Rose, at Ate Eve. Hindi ko alam kung nasaan sila Ate Dianne.

"Hindi ko pa alam, eh." Sagot ko sa tanong ni Marie nang makalapit na sila sa gawi namin.

Nagmano sila kay Lola at umupo sa tabi ko.

"Manonood kasi kami mamaya, baka gusto mong sumama?" ani Rose at kinuha ang tasa nang kape ko, inubos niya 'yon.

Sanay na ako sa kanila kaya kapag nagkakape ako kailangan ko pa talagang magtago.

"Siguro sa susunod na lang, may apat na gabi pa naman ang liga. Sa finals na lang ako manonood." Tumango sila sa sinagot ko.

"Mamaya Purok Dos at Purok Otso ang unang maglalaro, Purok Singko at Purok Siyete naman ang kasunod. Bukas naman ay Purok Kwatro, Purok Uno, Purok Tres, at Purok Sais." Lintaya ni Ate Eve habang nakatutok sa cellphone niya.

"Ichi-cheer kasi namin ang mga panget nating pinsan. Mabuting naroon kami para may supporters naman sila kahit papaano," ngising usal ni Rose at tinaas baba pa ang kilay.

Natawa kami pati si Lola. Alam naming nagbibiro lang siya dahil lahat ng pinsan naming lalake ay habulin ng babae. May itsura kasi ang mga ito at mababait naman kung mabait rin sa kanila.

"Ikaw Rosie puro ka na lang kalokohang bata ka. Halika at tulungan mo ako sa loob." Tumayo na Lola.

"Lola naman, eh. Kararating ko lang ako agad ang nakita mo. Sila Marie na lang." Bumusangot ang mukha ni Rosie na parang pinagsisisihan niyang pumunta siya rito.

"Puro ka reklamo! Tumayo ka na r'yan at bitbitin mo 'yang mga tasa at platito. Bilisan mo kung ayaw mong makatikim nang walis." Sermon ni Lola.

Mas lalong bumusangot ang mukha ni Rosie. Natatawa kaming tiningnan siya na kinuha ang tasa at platito. Puro kasi kalokohan.

Sumunod na siya kay Lola na pumasok sa loob. Lumabas naman si Yumi kasama sila Thea. Gumala kasi si Daisy kasama ang mga kaibigan niya, maya maya ay darating na rin 'yun.

"Tita, can we play here?" Tanong ni Yumi at lumapit sa akin.

Hinalikan niya ang pisnge ko at nagmano kela Ate Eve at Marie. Ang galang talaga ng batang 'to, pareha sila nang kuya niya kaso tahimik lang si Yuno at seryoso minsan.

"Yes, baby, pero 'wag masyadong mapapapawis. Nasaan nga pala ang kuya mo?"

"He's upstairs, sleeping."

Tumango ako sa sagot niya.

Tumakbo na siya papunta kela Thea, naglaro na sila kaya napangiti ako. Mabuti at close na sila, palakaibigan talaga si Yumi.

Nag-usap lang kaming tatlo, kahit ano ang pinagkwentuhan namin. Hindi nawawalan nang topic si Ate Eve kaya minsan naiirita sila Kuya Jeremy sa kaniya dahil sa sobrang ingay at daldal niya. Napailing na lang ako. Ilang sandali lang ay nakauwi na sila Dylan. May dala siyang damit at mukhang 'yun na ang jersey nila, pinapasok ko na agad sila sa loob para makapagpahinga.

Hindi naman pagod si Black dahil nakaupo lang naman siya roon at nanonood lang sa practice pero pinagpahinga ko lang kasi alam ko namang napaka-antukin ng haring itim na to.

Owned By The Mafia LordWhere stories live. Discover now