Dazia Pov
Nasa back seat kami ng kotse ni Dannica. Dinala namin dito si Thania para makapagpahinga siya. Napansin namin ang dala-dala niyang maleta pero pinatahan muna namin siya at pinainom ng tubig bago kami magtanong.
"Ano ba ang nangyari?" curious kong tanong.
Pinunasan niya muna ang pisnge niya bago tumikhim.
"Pinalayas ako sa bahay ni Daddy kasi n-napagbintangan akong ti-tinulak ang stepsister ko kahit hindi naman totoo," tumulo na naman ang luha niya, pinunasan ko ang pisnge niya gamit ang panyo ko habang patuloy si Dannica sa paghagod ng likod niya.
"Ngayong dumating na siya magiging mesirable na naman ang buhay ko. Pati sarili kong ama tinakwil ako at pinagpalit sa hindi niya totoong anak at kadugo. I am his biological daughter but why does he always choose his second family than me? ako yung anak nya eh pero bakit ganun? I'm tired, I look like Cinderella inside our own house," humagulhol siya.
Hindi ko alam na gano'n pala ang trato ng mga magulang niya sa kaniya.
"Lahat pinapakialaman nila. I can't do what I want, I'm like a puppet. I always say yes dad, I can't say no dad. Sometimes, I want myself gone to end this suffering."
"'Wag ka ngang magsalita nang ganyan. Hindi porke ginaganyan ka nila ngayon ay susuko ka na. Fight for yourself, you're strong Thania," saad ni Dannica, sumang-ayon naman ako.
"I'm sorry for bothering you. Ang laki ng kasalanan ko sa inyo tapos ngayon kayo pa yung tumulong sa akin," tinuyonniya ang luha sa magkabilang pisnge.
"Ano ka ba Thania, alam naman naming may dahilan ka kaya naging ganyan ang ugali mo at saka okay lang 'yon pinapatawad ka na namin," nginitian ko siya. Napatitig siya sa amin ni Dannica.
"Thank you, you're so kind."
"What happened? Bakit ka binaliktad ng mga kaibigan mo?" Nakakunot ang noong tanong ni Dannica.
Oo nga naman, bakit naman nila siya binaliktad. Kumawala muna si Thania nang buntong hininga.
"Ayaw ko rin naman silang kaibigan. I know that they're talking behind my back but I didn't mind. Kontrolado ako ng step mom at daddy ko, pati mga kaibigan ko ay sila ang pumipili. Gusto kong maging simple lang, magkaroon ng mga totoong kaibigan pero hindi ako pinapayagan ni Daddy kasi dapat daw ay mga bigatin ang mga kaibigan ko. Wala naman akong pake kung mahirap ang magiging kaibigan ko, gusto ko lang magkaroon ng mga tapat at totoong kaibigan. I want to have friends that won't talk about me behind my back, judging me." Tumigil muna siya.
"You know, hindi ko naman talaga gustong mang-bully pero ayaw kong kaawaan nila ako at makitang mahina ako. Naging ganito lang naman ako dahil sa step sister ko, siguro gusto kong mabaling din sa akin ang atensyon at pag-aaruga ni Daddy. Nakokonsensya ako tuwing nakaka-bully ako pagdating ko sa bahay, kasi wala naman kayong kasalanan pero kayo ang napagbubuntungan ko. Sorry." muli siyang humagulhol.
Ang dami-dami niya pa lang pinagdadaanan. Naaawa ako kay Thania kasi ganun ang pakikitungo sa kaniya ng sarili niyang ama, ganun pala kabigat ang dinadala niya.
"Tahan na Thania, nasisira ang make up mo, magiging okay rin ang lahat. Nandito kami ni Dannica dadamayan ka namin. Sa totoo nga ay gusto ka naming maging kaibigan pero anh taray mo." Natawa ng mahina si Dannica at inipit sa tenga ni Thania ang buhok na tumatakip sa mukha niya.
Tumingin sa akin si Thania. Medyo nasira na ang make up niya namamaga na rin ang mata niya kakaiyak.
"Alam mo, Daz, naiinggit at nagseselos ako sayo."
Nabigla naman ako sa sinabi niya.
"Bakit, kasi girlfriend siya ni Black?" Pinanlakihan ko naman si Dannica sa sinabi niya.
YOU ARE READING
Owned By The Mafia Lord
RomanceDazia Montenegro is a girl who's living a normal and simple life not until her wicked Aunt drags her inside the Underground Club where dangerous people gather to buy women they can toy with. She keeps on questioning her worth and asking herself why...