Dazia Pov
Lutang akong pumasok sa school mabuti na lang at maaga pa. Sabay kaming pumasok nina Dylan at Daisy inaasikaso kasi ni Black ang crimation nina Kuya Bruce at Ate Lea. Absent siya tapos sila Drein naman ay nag-iimbistiga.
Hindi ko pa rin talaga lubos maisip ang nangyari. Kahapon lang kasama pa namin sina Ate Lea pero ngayon wala na. Nakakalungkot lang kasi sabi pa niya sa akin kahapon bago kami makaalis na bibilhan niya ako ng maraming pasalubong kapag nakabalik ulit sila rito. Hindi naman sa pasalubong ako nalulungkot kundi sa kanila. Napalapit na sila sa akin kahit maikling panahon lang.
Nag-iinit na naman ang gilid ng mata ko. Tinuring ko na silang parang nakatatandang kapatid. Ang bait nila pero mapaglaro talaga ang mundo, kung sino pa 'yong mabait sila pa ang unang kinukuha. Pero siguro ay oras na talaga nila para hindi na sila maghirap pa sa mapaglarong mundong 'to.
Nagpaalam na sina Dylan at Daisy na mauuna na pagpasok namin sa gate kaya nagpaalam na rin ako. Nagsimula na akong maglakad sa hallway. Marami-rami na ang mga estudyanteng nakakakalat.
"Dazia!" Napalingon ako sa sumigaw.
Nakita ko sila Venice na tumatakbo papunta sa akin galing parking lot. Isang sasakyan lang yata ang ginamit nila o hindi kaya ay nagtagpo sila sa parking. Pati si Dannica ay kasama na rin nila.
"Oh, bakit para kang lantang gulay?" Natatawa na tanong ni Alyanna.
"Nakatulog ka ba ng maayos kagabi, Daz? Mukha kang ilang araw na walang tulog."
Napasimangot ako. Dinagdagan pa talaga ni Ysa.
"Gaga! tinatanong pa ba yan? Halatang 'di nakatulog yan oh. Ang hagtard ng mukha mo, girl. Para kang na rape. Pero okay lang, hindi naman nabawasan ang ganda mo."
Mas lalo tuloy akong napasimangot sa sinabi ni Venice pero kahit papaano ay gumaan ang loob ko pagkakita ko sa kanila.
"Palagi niyo na lang akong inaasar. Okay lang kung haggard ang mukha ko. At least, mukhang tao pa rin naman kahit papaano." Natawa sila sa sinabi ko.
Kumportable na akong makisabay sa mga trip nila. Sa isang buwan ba naman naming magkakaibigan ang dami-dami na nilang kalokohang pinaggagagawa.
"Loka! Tara na nga. Sa room na tayo magdaldalan. Ang sakit na nang paa ko kakatayo."
Sumang-ayon kami sa sinabi ni Dannica at nagsimula na kaming maglakad.
Napansin ko ang nasa ring finger ni Dannica. 'Yon yung binili nilang couple ring ni Josh sa Fiesta. Siguro ay hindi pa alam ni Dannica ang nangyari kela Kuya Bruce at Ate Lea. Sasabihan ko na lang siya mamaya para sabay na kaming pumunta sa misa bago ilagay sa glass cabinet na lalagyan ng jars. Ang Funeral Home nila Drein ang nag-aasikaso roon.
Nagsimula na naman ang chismisan sa paligid. Mga chismosa nga naman.
"Who's that mysterious girl kaya?"
"I can't believe it, girl! He's already taken na."
"Sino kaya ang mysterious girlfriend niya?"
"I think dito lang siya nag-aaral. Familiar ang pustura niya."
"OMG! I can't have him na. Crush ko pa naman siya kahit na masungit siya."
"Why kaya siya naka cap. Is she ugly? Like, duh! Nakita ko ang Instagram post ni Coleen and that mysterious girl. I can't really see her face."
Ano naman kaya ang pinagchi-chismisan nila. Bakit ba may lahing marites ang mga estudyante rito.
Papasok na sana kami ng building nang may humarang sa amin. As usual, it's Thania and her alalays. Wala namang araw na hindi kami binubully ng Thania na 'to. Hindi talaga siya nagsasawa. Mag-iisang buwan na rin na ganito na lang palagi. Kung hindi niya kami sasabunutan at pinapahiya ay tatapunan niya naman ng pagkain. Kakarmahin din siya sa ginagawa niya. Pati pagkain sinasayang lang sa amin.
YOU ARE READING
Owned By The Mafia Lord
RomanceDazia Montenegro is a girl who's living a normal and simple life not until her wicked Aunt drags her inside the Underground Club where dangerous people gather to buy women they can toy with. She keeps on questioning her worth and asking herself why...