Dazia PovMinulat ko ang mga mata ko at puting kisame kaagad ang bumungad sa akin. Nilibot ko ang paningin sa paligid at nakitang may nakakabit sa aking IV.
Nasaan ako?
Dahan dahan akong umupo at napahawak kaagad sa ulo ko dahil kumirot ito. Nilingon ko sa sofa, naroon sila Daisy at Dannica na nagtitipa sa mga cellphone nila at si Thania na nakayuko habang hawak ang ulo niya. Teka? Sila ba ang nagbantay sa akin dito buong magdamag? Mukhang kulang sila sa tulog dahil sa mga eye bags sa baba ng mga mata nila.
Hinawakan ko ang ulo ko nang maramdamang may benda roon at tiningnan ang kamay ko. May mga kaunting sugat iyon. Siguro dahil sa pagkasalampak ko sa sahig.
"Dazia... gising ka na!"
Nabaling ang tingin ko sa kanilang tatlo. Dali dali silang nagsipunta sa akin. Hinawakan ni Thania ang noo ko at ininspiksyon ang kabuonan ko. Magsasalita na sana ako nang maramdaman kong nanunuyo ang lalamunan ko. Parang hindi ako nakainom ng tubig nang ilang linggo.
"T....Tu....big," mahina kong saad, pinilit ko ang sariling magsalita.
Nagmadali namang kumuha ng tubig si Daisy at inabot sa akin kaya ininom ko iyon kaagad. Binigay ko kay Daisy ang wala ng laman na baso bago huminga ng malalim.
"Kumusta ang pakiramdam mo? Daisy, pakitawag nga ang doctor at sila Alyanna." Utos ni Dannica na sinunod naman kaagad ni Daisy.
"O-Okay naman ang pakiramdam ko, medyo sumasakit lang ang ulo ko." Pagsasabi ko ng totoo, tumango naman silang dalawa.
Napatigil nang may maalala ako.
"Ilang araw na ako rito? Si Black? Nasaan si Black? Kailangan niya ako." Pagpa-panick ko.
Nagbandya ang mga luha ko nang maalala ko ang aksidente at kung paano maligo si Black sa sarili niyang dugo. Ako ang may kasalanan nito.
"Shhh! Kalma, Daz. Nasa kabilang kwarto lang si Black, binabantayan nila Josh at nagpapagaling mula sa operasyon. 'Wag kang masyadong kumilos, hindi ka pa magaling." Pagpapakalma sa akin ni Dannica.
Medyo naibsan ang pag-aalala ko dahil sa sinabi niya. Mabuti na lang at nakita kami kaagad nila Red, kung hindi ay baka bangkay na kaming dalawa ngayon. Panatag na ang loob ko dahil alam kong hindi nila pababayaan si Black. Mukhang mga propesyonal din ang mga doctor niya.
"Tatlong araw ka nang tulog, Daz. Kumain ka muna, alam naming gutom ka na," ani ni Thania.
Tatlong araw? Imposible 'yun!
Magsasalita na sana ako nang bumukas ang pintuan at pumasok sila Ysa kasama ang doctor at nurses.
"Oh my god! Dazia, we're glad you're already awake!" Bungad ni Venice.
May maliliit na silang eye bags, na guilty tuloy ako. Chineck ako ng mga doctor at nurse, okay naman na raw ako at kailangan ko lang magpahinga.
'Yung ulo ko naman ay wala namang fracture, bleeding lang daw ang tinamo ko pero kailangan ko pang mag-stay rito sa hospital ng ilang araw para sa observations, binigyan din ako ng gamot ng doctor in case na biglang sumakit ang ulo ko. Pagkatapos no'n ay lumabas na ang doctor kasama ang mga nurse. Nanatili naman dito sila Venice at parang gusto akong yakapin.
Napakaswerte ko at ito lang ang tinamo ko pero hindi ko pa rin magawang magdiwang. Nakaligtas nga ako pero si Black naman ang sumalo ng aksidenteng dapat ay sa akin. Kahit na nasaktan ko siya ay niligtas niya pa rin ako. Puro kapahamakan na lang ang dala ko sa kaniya, hindi ko na alam ang gagawin ko.
Masyadong magulo ang isipan ko sa mga oras na 'yon. Masyado akong nasaktan sa nangyari pero nagsisisi rin naman dahil hindi ko pinakinggan ang explanation niya. Mas inuna ko kasi ang ego at pride ko. Kung hindi lang sana ako tumakbo no'n para iwasan siya ay hindi mangyayari ang aksidenteng 'to. Masyadong sarado ang isip ko no'n.
YOU ARE READING
Owned By The Mafia Lord
RomanceDazia Montenegro is a girl who's living a normal and simple life not until her wicked Aunt drags her inside the Underground Club where dangerous people gather to buy women they can toy with. She keeps on questioning her worth and asking herself why...