CHAPTER 20

2.5K 95 2
                                    

Dazia POV

Parang tinarak ng punyal ang puso ko dahil sa sagot niya at sa lamig ng boses niya. Ganun ba ka tindi ang galit niya sa akin?

Naglakad ako papunta sa table niya at tumayo sa tabi niya. Nagpatuloy lang siya sa pagtitipa sa laptop niya at hindi ako pinansin, na parang wala ako sa tabi niya.

"I...I'm s-sorry," utal kong sabi.

"I-I'm sorry kasi pinag-alala kita. Hindi kasi kita mahagilap kanina sa campus, lowbat din a-ang cellphone ko kaya hindi kita nat-text o natawagan man lang para makapagpaalam sayo." Pinilit kong hindi mautal habang nagpapaliwanag sa kaniya pero ang hirap.

Tumigil siya sa pagtitipa pero hindi pa rin lumilingon sa akin.

"M-Mali ang inaakala mo, hindi ako nakipag-date kay Kyle. Sinamahan ko lang sina Dannica na mag-mall. I'm sorry alam kong galit ka, magpapaalam na ako sayo sa susunod."

Parang tutulo na ang luha ko. Hindi naman sa pagiging oa o iyakin pero kahit sino siguro sa posisyon ko ay hindi rin mapipigilang maiyak dahil parang hangin lang ako sa kaniya, ni hindi niya nga ako nililingon.

Nagbabadya na ang luha ko habang nakatayo lang sa gilid niya. Bumuntong hininga ako at tumingin sa ceiling para hindi tumulo ang luha ko, baka sabihin pa niyang madrama ako. Siguro ay ayaw niya talaga akong kausapin.

"Sige aalis muna ako, alam kong marami ka pang trabaho. Pasensya na sa abala."

Tumalikod na ako at akmang aalis na nang higitin niya ang braso ko. Napaupo ako sa kandungan niya. Niyakap niya ako at sinubsob ang mukha sa leeg ko.

"I'm not mad, I'm just worried and jealous. I can't contact your phone, I think you agreed to go out with Kyle. I can't helped myself not to be jealous but I'm not mad. You know that I can't be mad at you," saad niya pero hindi na ganoon kalamig ang boses niya gaya kanina.

"I'm sorry..."

"Stop apologizing. I should be the one who will apologize to you because of my sudden actions earlier." Kumalas siya yakap at tiningnan ako.

"Why are you crying? I'm sorry for ignoring you." Nag-aalala siyang tumingin sa akin.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Pinunasan niya ang luha sa pisnge ko at niyakap ko siya. Akala ko talaga galit siya sa akin eh.

"Akala ko galit ka sa akin kaya hindi mo ako pinapansin. Iiwasan ko na si Kyle para hindi ka na magselos." Sinubsob ko ang mukha sa balikat niya.

Hinaplos niya ang buhok ko.

"Bati na tayo," saad ko, narinig ko ang mahinang tawa niya.

"Nag-away ba tayo? But, please. Don't do that again. I'll die because of worry."

Tumango ako at kumalas ng yakap.

"Yes, boss."  Sumaludo pa ako at yumakap ulit sa kaniya.

"Marami ka pa bang gagawin?"

"Wala na, natapos ko na lahat" Sagot niya habang pinaglalaruan ang buhok ko.

"Magmeryenda tayo." Aya ko.

"Okay."

Hindi pa rin ako umaalis sa pagkakakandong at pagkakayakap sa kaniya, siguro dahil sa pagod ng katawan ko kakaikot namin sa Mall kanina.

"Naglalambing ka ba? Let's go downstairs na." Tinapik niya ang likod ko.

Alam kong nakangisi na siya ngayon. Ngayon ko lang ulit siya nayakap dahil sobrang busy niya nitong mga nakaraang araw dahil ang dami niyang ginagawa.

Owned By The Mafia LordWhere stories live. Discover now