CHAPTER 11

2.9K 104 6
                                    

Dazia Pov

"Gusto kong mag enjoy kasama kayo ngayong nandito pa kayo. Gusto ko lang sulitin ang oras," ani Ate Lea habang nakatingin sa daan. Napalingon kaming lahat sa driver's seat.

"Bakit Ate, is there any problem?" Tanong ni Lyca.

"Nothing, babalik na kasi kami sa US sa susunod na araw."

"Ang bilis naman ate" ani ni Trixie

"Kilala niyo naman ang Kuya Bruce niyo. Ayaw kasing mag migrate na lang dito sa Pilipinas." Mahihimigan ang panghihinayang sa boses ni Ate Lea.

"Basta pagbalik mo don't forget our pasalubongs." Biro nila.

"Sure, kayo pa ba? Ang lalakas niyo kaya sa akin."

Napuno ng tawanan ang loob ng sasakyan. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa bayan. Ang tao kahit alas dyes pa lang ng umaga paano pa kaya mamayang tanghali at hapon.

Lumiko ang kotse nila Kuya Bruce kaya sumunod si Ate Lea. Pinark nila sa parking lot ng isang cafe ang van nila kaya tinabi na rin ni Ate Lea ang sasakyan namin. Nang tumigil ang van ay binuksan na nila ang pinto at nagsilabasan. Binuksan ko na rin ang pinto sa gilid ko at lumabas. Sinarado ko ito at inayos ang damit ko pagkatapos ay lumapit na ako sa kanila kung saan sila nagtipon.

"So, ganito. Gumala muna kayo tapos mamayang twelve ay magkita-kita ulit tayo riro. Sabay sabay tayong magtatanghalian at maglilibot," ani Ae Lea, nagsitanguan kaming lahat.

"Kailangan eksaktong twelve noon ay nandito na lahat. Do you all understand? You can now go." Usal ni Kuya Bruce.

Naglakad na kami at naghiwa-hiwalay. Kasama ko ngayon si Black. Pareho kami ng t-shirt pero pinatungan niya ng red leather jacket with black pants at white shoes. May piercing ito sa kabilang tenga at nakasuot pa ng shades pa. Kahit saang anggulo tingnan ay ang gwapo niya.

"Staring is rude, baby."

Hindi ko namalayan na napatagal pala ang titig ko sa kaniya. Umayos ako ng tayo.

"Hindi ah."

Inakbayan niya ako at hindi na lang kumibo pero nakapaskil ang ngiti sa labi niya. Marami kaming nadadaanang mga tao at mga stools na nagbebenta ng kung ano ano. Pansin ko ang pagtingin ng mga kababaihan kay Black. Yung klase ng tingin na parang hinuhubaran na siya.

Tusukin ko mga mata niyo dyan, eh.

Hindi ko na lang sila pinansin nang mahagip ng mata ko ang isang stool. Kinalabit ko si Black, kunot noo lang niya akong tiningnan.

Tinuro ko yung stool at hinila siya. Nagtitingin ako roon ng paninda nang makuha ang atensyon ko sa couple necklace.

"Manang magkano po ito?" Tanong ko sa matandang babae na siguro ay nasa fifties na.

Tiningnan ko ang dalawang kwintas. Kulay ginto ito na may heart na pendant na nahati sa dalawa. Kapag pinagsama sila ay mabubuo ang puso. May diamond din ito sa gitna. Ang ganda niyang tingnan.

"900 lang 'yan iha." Nakangiting sabi ng matanda.

Kinuha ko ito at tiningnan. Nakangiti kong nilingon si Black. Nakakunot noo lang itong nakatingin sa akin at sa kwintas.

"Suotin mo." Binigay ko sa kaniya ang partner ng kwintas.

"What? Why would I?"

"Dali na. 'Wag ka ng maarte."

"No."

"Please, sige na."

"I said no."

"Okay bahala ka r'yan. Sasama na lang ako kayla Red." Nakanguso kong sabi at akmang ibabalik na ang kwintas sa lalagyan pero pinigilan niya ako.

Owned By The Mafia LordWhere stories live. Discover now