"So, yung sinasabi mo na fianće ay si Josh?"
"Oo, I'm sorry. I didn't told you about it. It's just..." Napahawak siya sa batok.
"Bakit ka nagsosorry? Okay lang yun, noh. At saka, bagay kayo," nakangiti kong sambit. Sumakay na kami ng elevator. Nakita ko ang pamumula ng pisnge niya.
"I-Ikaw nga hindi mo man lang sinabi sa amin na ikaw pala ang mysterious girlfriend ni Black. Ang dami mo pang nirarason," ani niya. Natahimik ako.
Dapat pala hindi ko na siya inasar.
"Hindi ah." Tanggi ko at umiwas ng tingin sa kaniya.
"Sus! Nakita ko kaya kayo no'ng pumunta ka sa office niya at saka yung kanina na nasa labas kayo ng office nila. Nagholding hands pa nga kayo, e. Pati sa parking lot nong sumakay ka sa kotse niya." Ngitian niya ako ng kakaiba.
Diyos ko! Mukhang sasali rin yata si Dannica sa pang-aasar sa akin. Totoo nga ang sinabi nina Alyanna. No one can escape Dannica's eagle eyes.
Mas lalong namula ang ko kaya natawa siya.
"Ikaw ah," ani nya at sinundot-sundot ang tagiliran ko.
"Tumigil ka nga!" Saway ko pero wala lang sa kaniya yun at pinagpatuloy ang pang-aasar sa akin.
Bumukas ang elevator kaya nagmamadali akong humakbang lumabas. Sumunod naman agad si Dannica, sinusundot niya pa rin ang tagiliran ko. Sinundot ko rin siya kaya ang ending ay nagkikilitian at nagtatawanan kaming nakarating kayla Coleen na nakaupo na sa harap ng bonfire. Nagkekwentuhan sila at umiinom ng alak pero sa mga bata ay juice lang.
"Oy! Josh my friend! Ang future asawa mo nandito na." Maingay na sambit ni Drein sabay lagok ng bote ng alak na hawak niya. Nagsimula na naman ang asaran.
"Grabe tong si Dylan, Dazia. Naunahan pa ako. Tingnan mo oh! Dumadamoves na agad kay bebe Trixie ko." Tinuro ni Red si Dylan na nas gilid lang at nakikipagtawanan kay Trixie.
Natawa nalang kami sa kaniya. Siguro natamaan na 'to ng alak at kung ano ano na ang pinagsasasabi pero kahit naman hindi 'to lasing ganun pa rin naman. Normal state na nila 'to ni Drein.
"Nga pala, nasaan si Black?" Tanong ko sa kanila ng mapansin kong wala rito si Black.
"Ayun oh! Gusto na namang mapag-isa." Tinuro ni Drake si Black sa 'di kalayuan. Nasa dalampasigan ito na nakaupo sa buhangin at pinagmamasdan ang mga maliliit na alon.
Tumango ako at nagpaalam sa kanila. Nagsitanguan naman sila at bumalik sa pagkekwentuhan. Tumungo ako sa direksyon kung nasaan si Black.
"Hey, hindi kaba sasali sa kanila?" Tanong ko rito at umupo sa tabi niya.
Napalingon siya sa akin. Nakita ko ang isang bote ng alak na hawak niya. Mukhang kanina pa siya rito dahil kaunti nalang ang laman ng bote.
"No." Matigas na sabi niya at tinungga ang alak.
May problema ba siya? Ayos pa naman siya kanina. Tumingin ako sa buwan, crescent moon ngayon. Ang ganda pagmasdan ng dagat dahil nagrereflect ang buwan sa tubig.
"I'm jealous."
Nabaling ang tingin ko sa kaniya. Siya nagseselos? Bakit siya nagseselos? Kanino?
"Ha? Kanino?" Sunod-sunod kong tanong na may pagtataka sa mukha. Nilagok niya ulit ang alak at nagsalita.
"Kyle, Andy, and many more."
Bakit naman siya nagseselos kayla Kyle? Mga kaibigan ko lang naman yon.
"Bakit ka naman nagseselos sa kanila?" My forehead forrowed.
"They always come near you. I get annoyed every time you smile at them. I want that smile just mine, mine alone. I won't hesitate to kill whoever try to steal you away from me. I can't stop myself from being jealous when you're with another man."
YOU ARE READING
Owned By The Mafia Lord
RomanceDazia Montenegro is a girl who's living a normal and simple life not until her wicked Aunt drags her inside the Underground Club where dangerous people gather to buy women they can toy with. She keeps on questioning her worth and asking herself why...