Dylan POV
Tagaktak ang pawis ko nang i-shoot ang bola. Sumilay ang ngiti sa labi ko nang pumasok 'yun sa ring. May mahihinang tilian akong narinig sa kabilang bench, may iilan kasing nanonood sa practice namin. Magtataka pa ba kayo eh sa kagwapuhan naming 'to.
Nag-high five kami nila Andoy bago bumalik sa bench namin. Nakaupo lang si Kuya Black sa tabi ng bench namin kasama sila Kuya Jeremy, Tito Raffy at 'yung isang coach na taga rito rin. Siya yata ang magiging emcee bukas ng gabi, may pinag-uusapan sila. Kinuha ko ang towel ko at pinunasan ang pawis ko inabutan ako ni Kuya Karl ng mineral water kaya kinuha ko 'yon at ininom. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko, alas sais na pala, dalawang oras na kaming nagpa-practice. May schedule kasi ang mga magpa-practice rito sa court dahil bawat zones ang maglalaban, may walong zones dito sa baranggay namin. Dalawang oras ang schedule ng magpa-practice rito pero 'yung iba ay sa dryer lang, tinayuan kasi nila 'yun ng ring para mas makapagpractice pa sila nang walang time limits.
"Boys, hali kayo rito!"
Napalingon ako kay Tito Raffy nang magsalita siya, nakatayo na sila. Nagsilapitan sila Kuya Karl at ang mga kasama ko kaya lumapit na rin ako sa kanila.
"Bukas, ala una hanggang alas tres ang practice natin. Alam niyo namang bukas na ng gabi ang laro. Alas otso y medya dapat nandito na kayo pero pwede rin naman alas nwebe na kasi ang Purok Dos naman ang unang maglalaro. Ibibigay ko sa inyo bukas ang magiging jersey niyo."
Nagpalakpakan kami sa sinabi ni Tito Raffy at nag-high five. Magkakapitbahay lang naman kami ng ibang mga kasama namin, 'yung iba ay medyo malayo lang kunti pero malalakad lang naman. Halos kaibigan na namin ang mga kabataan sa purok namin dahil sa hindi naman kami takaw-gulo, kapag nagkikita kami ay normal na ang high five at batukan.
"Dumating kayo rito bukas nang eksaktong ala una, ha! Alam kong 'yung iba rito ala una y medya na dumadating. Aba! Pinoy na pinoy. Babatukan ko ang mali-late bukas!" seryosong saad ni Tito Raffy.
"Yes, Coach Pogi!" Sabay-sabay naming sabi.
Natawa kaming lahat maliban kay Kuya Black na walang emosyon lang na nakatingin sa amin. Ano pa ba ang aasahan namin kay Kuya Black? Nakapag-boyfriend ang ate ko nang lalaking mas malamig pa sa yelo pero kahit naman ganyan si Kuya Black ay mabait siya, nasanay na ako sa kanya.
Tumawa si Tito Raffy at sinignalan kaming magsiuwi na. Palagi niya kasing sinasabing siya ang pinakapogi naming coach kaya binibiro namin siya kapag tapos na kaming maglaro. Gwapo naman talaga si Tito Raffy kahit na nasa 30+ na siya. Hindi naman sa pagmamayabang pero maganda ang lahi namin, wala kang makikitang pangit sa aming magpipinsan at sa mga tiyahin namin.
Tinapon muna nila sa basurahan ang mga bote nang mineral water, sabay sabay na kaming lumabas ng court maliban kay Tito Raffy na kausap ang mga konsehal.
"Kuya Black, sigurado ka bang ayaw mong sumali sa amin bukas? Pwede ka namang sumali kasi nasa Purok ka namin," saad ko, nagsitanguan pa ang mga kasamahan namin.
Pwedeng namang sumali ang mga hindi taga rito sa liga namin basta ay may kamag-anak dito at kapag mga ganitong laro lang pero kapag liga para sa fiesta ay hindi pwede.
Siguradong may mga turista rin na sasali bukas, mga bisita ng mga taga ibang zone. Marami kasing bumibisita rito kapag Pasko, yung iba mga foreigner na nakapagjowa ng mga taga rito sa amin. Noong nakaraang Pasko nga ay may sumaling hapon sa Purok Uno at americano sa Purok Sais.
"I'll think about it. I don't know if your sister would allow me to play," malamig niyang sabi.
Magsasalita pa sana ako nang makasalubong namin ang mga taga Purok Kwatro kaya napahinto kami.
YOU ARE READING
Owned By The Mafia Lord
RomanceDazia Montenegro is a girl who's living a normal and simple life not until her wicked Aunt drags her inside the Underground Club where dangerous people gather to buy women they can toy with. She keeps on questioning her worth and asking herself why...