CHAPTER 21

3K 96 4
                                    

Dazia Pov

Alas dyes y medya nang bumaba na sina Dylan at Daisy na nakabihis na at dala dala ang bagahe nila. Nilalaro ko lang ang mga bata dahil wala naman akong gagawin.

"Babye, Ate Sisi, Kuya Lanlan! See you tomorrow!" Nakangiting paalam ni Yumi at kumaway pa.

Napangiti si Dylan at Daisy. Kumaway lang si Yuno habang hawak-hawak pa rin ang iPad niya.

"Bye Yumi, Yuno!" Paalam din nila.

Tumayo ako at sumabay sa paglalakad nila palabas.

"Mag-iingat kayo roon bukas pa kami makakapunta. Wala kayong gagawing katarantaduhan, ha. Tawagan niyo agad ako kapag nagkaproblema kayo." Bilin ko sa dalawa.

"Yes, ma'am!" Sabay nilang sagot kaya napailing na lang ako.

Pagkalabas namin ay halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang makita ang sasakyan sa harapan namin.

"Seryoso?" Tanong ko bigla.

Hindi naman ito ang ginagamit na sasakyan ni Dylan noon.

"Galing 'yan sa collection ni Kuya Black ng sasakyan niya, ate. Kakabili lang niya lang niyan last month, sabi niya ay 'yan na lang daw ang gamitin namin," saad ni Dylan.

Sino ba naman ang hindi malulula? A Rolls-Royce Ghost na worth of $400,000. Starting price pa lang 'yan na kung icoconvert sa Philippine Peso ay nagkakahalaga lang naman ng mahigit 23 million pesos. Alam ko ang sasakyan na 'to dahil nakikita ko ito sa social media. It's one of the luxurious cars at mahilig akong magtitingin ng mga kotse. Kung titingnan mo ang labas ng sasakyan ay masasabi mo na agad na mamahalin. Maganda ang exterior niya, midnight sapphire ang kulay ng sasakyan.

"Mauuna na kami, ate. Mahaba pa kasi ang byahe namin eh," ani ni Daisy at hinalikan ang pisnge ko.

"Sige, i-text niyo ako kapag nakarating na kayo roon ah." Bilin ko sa kanila nang makabawi sa gulat.

"Opo," sabay nilang sabi at binigay na kay Manong ang bagahe nila. Nilagay na yun ni Manong sa likod ng sasakyan.

Binuksan ni Daisy ang back seat at sumakay roon habang sa passenger seat naman si Dylan. Baliktad ang pagbubukas ng back seat nito hindi gaya ng nakasanayan nating sasakyan. Magkasalubong ang pangbukas ng pinto ng back seat at driver seat

Pumasok na si Manong sa driver's seat at sinimulan ng paandarin ang makina. Binuksan ni Daisy ang bintana at kumaway sa akin.

"Bye, ate. Kita na lang tayo bukas!"

Kumaway na rin ako sa kaniya, umandar na ang sasakyan. Pinanood ko muna itong makalabas ng gate at pumasok na sa loob.

Tinuloy namin ang paglalaro ng mga bata, pagdating ng alas dose ay dinalhan ko na lang ng tanghalian si Black sa opisina niya dahil hindi pa rin siya lumalabas. Pagkatapos no'n, bandang alas kwatro nang magsimula na akong mag impake ng mga gamit namin, inuna ko na ang gamit ng mga bata. Alas singko nang matanggap ko ang text ni Daisy na nakarating na sila sa bahay nila lola.

Kinaumagahan ay ginising kami ng mga bata.

"Tita, Tito, wake up! It's already eight!" Dumagan si Yumi kay Black kaya ay antok na antok itong bumangon at nagkusot ng mata.

Bumangon na rin ako at inayos ang magulo kong buhok.

"Good morning, baby. Nasaan ang kuya mo?" Tanong ko sa kaniya.

Tumayo ako at binuhat ko siya habang si Black ay pumunta na sa banyo.

"He's in our room, tita," ani nito kaya sinuot ko na ang tsinelas ko at lumabas sa kwarto namin habang buhat-buhat pa rin si Yumi. Pumasok kami sa kwarto nila.

Owned By The Mafia LordWhere stories live. Discover now