Dazia Pov
"Nakapag-recognition rites na rin tayo! Sa susunod na three months pa ulit ang klase," ani ni Ysa at sinimsim ang milk tea niya.
Matapos ang recognation day namin noong nakaraang tatlong linggo ngayon lang ulit kami nagkita-kita. Naisip naming dito sa isang café magkita. Medyo tago ito at kakahuyan na ang likuran pero malapit lapit lang naman ang highway ng siyudad.
Si Ysa ang nakaisip sa lugar na ito. Dito raw kasi siya madalas pumunta at magkape kapag nabo-bored siya sa bahay nila. Medyo malaki ang café at maganda ang interior. Parang nasa bahay ka lang dahil kahoy ang ginamit nila. Nakaka-relax nga rito. Kagaya ng sinabi ni Ysa, magiging kumportable ka.
"Parang kahapon lang kakasimula lang ng pasukan. Ang bilis talaga ng araw."
"Last year na rin natin sa pagiging seniors. Mas kukulubot ang balat natin pagdating sa college!"
Tama nga siya, mas matinding pressure ang pagkokolehiyo kaysa sa senior high. Doon mo na mararamdaman ang bigat sa pag-aaral. Thesis, projects, quizzes, assignments, reporting, oral recitation, tambak na school works, research, at pagpupuyat gabi-gabi para maghanda sa exam at mga power point para sa project. Nakakapagod pa lang isipin ang pressure tuwing semester pero kung gusto mo talagang makatapos ay kahit anong hirap pa ang pagdaanan mo kakayanin mo para maabot ang mga pangarap mo.
"Ano bang kukunin niyo?" Tanong ko sa kanila at ininom ang kape ko.
"Political Science. Si Daddy ang pumili ng kursong iyon kahit ayaw ko naman." Reklamo ni Ysa.
Nagpapasalamat ako at bumalik na si Ysa at Alyanna sa dati na maingay at madaldal pero yun nga lang hindi sila nagpapansinan. Ayos na rin iyon at may improvement na sila. Hindi naman din kasi madali ang nangyari, alam kong nahihirapan pang mag-moved on si Ysa.
"Business Administration. I will take over our family business." Tumango ako sa sagot ni Alyanna.
"Same, imamanage ko kasi ang kumpanya ni Mommy."
Nagtaka ako sa sinabi ni Thania. 'Di ba siya rin ang magma-manage ng kumpanya ng daddy niya kasi siya lang ang nag-iisang anak?
"Anong sa mommy mo? Paano yung kumpanya ng daddy mo. Ikaw rin ang magmamana nun."
"Well, wala naman talaga akong pakialam sa kumpanya ni daddy. Kahit na ibigay niya pa iyon kela Hera. Basta huwag lang nilang pakialaman ang kumpanya ni mommy, nakapangalan na iyon sanakin." Sagot niya at kinuha ang cellphone niya sa mesa.
"Ikaw ba, Dan? Ano ba ang kukunin mo?"
"MedTech, gusto kong magdoktor." Sagot niya sa tanong ni Alyanna.
"Naks! Future doctor!" Kantyaw nila.
Napangiti na lang ako. Ang saya sa pakiramdam na marinig mo ang mga kaibigan mo na mangarap. Hindi na ako makapaghintay na makapagsuot kami ng maroon na toga at sumigaw ng 'Graduate na rin kami!'
"Narinig ko, Dan, na sa Law school daw sa ibang bansa mag-aaral si Josh?" Narinig ko kasi iyon nang minsang dumalaw sila sa bahay.
Nakita ko ang paglungkot ng mukha ni Dannica pero bigla rin namang nawala at ngumiti sa amin.
"Oo doon siya mag-aaral kung hindi pa matatapos ang college campus ng NorthEast."
"Di ba magf-afile kayo ng divorce paper?" Tanong ni Thania na ikinatigil ni Dannica.
Nasabi niya sa amin 'yon noon nung bago pa lang sila. Kahit hindi niya naman sabihin sa amin alam na naming nahuhulog na siya kay Josh.
"H-Hindi ko pa alam kung kailan." Alanganin niyang sagot.
YOU ARE READING
Owned By The Mafia Lord
RomanceDazia Montenegro is a girl who's living a normal and simple life not until her wicked Aunt drags her inside the Underground Club where dangerous people gather to buy women they can toy with. She keeps on questioning her worth and asking herself why...