CHAPTER 25

2.3K 73 0
                                    

Dazia Pov

"Time out!" sigaw ng emcee.

Nasa kalagitnaan na sila ng game one. Bigla kasing napaupo sa sahig si Jason, mukhang sumakit na naman ang paa niya. Nagka-injury siya last year, akala ko ay magaling na siya pero mukhang nabinat niya ng husto ang binti niya kakatakbo. Inalalayan siya nila Kuya Karl at Kuya Jeremy na maglakad papunta sa bench namin, pinaupo agad nila ito sa upuan. Namimilipit siya sa sakit habang tinitingnan ni Tito Raffy ang binti niya. Inabutan siya ng tubig ni Ate Dianne habang pinupunasan ni Kuya Jeremy ang pawis ng bunso nilang kapatid.

"Ayan kasi, eh. Hindi kasi nag-iingat. Sermon ka na naman kay mama mamaya," iritang saad ni Ate Dianne.

Nag-aalala siya sa kapatid niya kasi si Jason ang pinakabunso nila, kaedad lang niya si Justine at Dylan pati sila Marie.

"Ate naman, kita mo na ngang namimilipit ako sa sakit tinatakot mo pa ako." Busangot na usal ni Jason.

Pinitik ni Kuya Jeremy ang noo niya kaya inis niyang binalingan ang kuya niya at akmang hahampasin niya na ito nang mapa-aray siya habang hinihilot ni Tito Raffy ang binti niya.

"May five minutes break lang tayo, bantayan niyo ang galaw ni Luigie. Siya ang sharp shooter sa kanila. Karl harangan mo si Enzo Smith, ikaw naman Dylan bantayan mo si Richard Castillion. Sino ang gustong pumalit kay Jason?" Saad ni Tito Raffy nang makatayo na siya ng maayos.

"Ako na, coach. Pre, tingnan mo ng mabuti kung paano ako maglaro, ha? Papakitaan kita ng freestyle ko!" Mayabang na sabi ni Justine at tumayo habang nakangising nakatingin kay Jason, inismidan lang siya nito.

Nagtipon ang lima kasama si Tito Raffy, pinag-uusapan nila kung paano nila mahaharangan sila Luigie. Hindi ko masyadong marinig ang pinag uusapan nila. Tiningnan ko si Black sa gilid, isang upuan lang ang agwat niya sa akin, yung inupuan ni Dylan kanina. Akala ko ba maglalaro siya? 'Wag niya sabihing nawala na 'yun sa utak niya at mas pinili na lang umupo dito at manood na lang. Kung hahayaan niya sila Kuya Karl ay matatalo talaga sila, kung sasali man siya ay may chansang manalo pa sila. Nakita ko na kung paano maglaro si Black, varsity players nga sa NEU walang hirap niyang natalo, paano pa kaya sila Luigie?

"Why are you staring me like that, hon?" Nagtataka niya akong tiningnan.

"Akala ko ba maglalaro ka? Mukhang hindi mo na 'yon naalala dahil busy ka kaka-cellphone. Ano, palamuti lang 'yang suot mong jersey?"

Nawala ang pagkunot ng noo niya.

"So, you really wanted to watch me play? Don't worry, hon. I will play for you." Nang-aasar niyang ngiti kaya umiwas kaagad ako ng tingin at binaling 'yun kela Dylan na nakatayong umiinom ng tubig.

'Yung puso ko para na namang nagkakarera sa loob.

Hindi ko na siya nilingon. Okay na pala kahit hindi na siya sumali. Bakit pa ba kasi ako nagtanong kanina? Natututo na siyang bumanat.

Ilang sandali ay nagsimula na uli ang game.

"Tapos na ang time out. Score update, 68 for Purok Kwatro while 52 for Purok Singko. Hey! hey! hey! SP Jason Guzman out, SP Justine Perez in!"

Mabuti pa ang emcee na 'to napaka-energetic. Nagsihiyawan ang mga kababaihan sa court nang kindatan sila ni Justine bago pumunta sa gitna. Napakapilyo talaga ng pinsan ko na ito.

Sinimulan na ang naudlot na laro kanina. Nakapuntos si Justine kaya mayabang niyang tiningnan si Jason na nakaupo lang sa tabi namin. Mas lalong naging agresibo kaysa kanina ang team nila Luigie kaya ay natalo sila Kuya Jeremy sa first game.

Hingal na hingal silang umupo sa bench. Tagaktak ang pawis nilang uminom ng tubig kaya nilapitan ko si Dylan at kinuha ang towel para punasan ang pawis niya inabot naman ni Daisy sa kaniya ang isang bote ng mineral water.

Owned By The Mafia LordWhere stories live. Discover now