Dazia POV
Nagsimula ang klase at hindi ako masyadong nakikinig sa mga professor. Iniisip ko pa rin ang mga nangyayari ngayon. Hindi ako nakapag-focus ng maayos sa mga tinuturo nila, mag-aaral na lang siguro ako. Natapos ang lahat ng subjects namin na wala akong masyadong natutunan.
Uwian na at nag-aayos na kami ng mga gamit namin. Kakalabas lang ng last subject teacher namin ngayong hapon, pinasok ko na ang notebook ko sa bag ko. Nagsilabasan na ang iba naming mga kaklase, excited na ang mga 'yong umuwi kasali na si Alyanna na nagpaalam na sa aming uuwi na.
Sinukbit ko ang bag ko at lalabas na sana ako sa room nang hinihingal na dumating sila Jhon, Kleo, at isa sa mga kaibigan ni Kyle.
Ano ang nangyari sa mga 'to at parang nagtakbuhan galing sa marathon?
"Dazia, sumama ka sa amin may ipapakita kami sayo," hingal na usal ni Jhon.
Napakunot ang noo kong tiningnan siya.
"Ha? Bakit? Ano 'yun?"
"Basta, sumama ka na lang sa amin," saad noong kasama nila at hinila ako.
Narinig ko pa ang tawag nila Dannica pero nilingon ko lang sila at sinenyasang sumunod.
Bumaba kami sa hagdan patungo sa first floor. Ano ba ang meron at kailangang hilahin pa nila ako? Mukhang nagmamadali pa sila.
Magtatanong na sana ako pero makarating na kami sa first floor. Nagtataka akong tumingin sa field dahil maraming estudyante ang nagtitipon.
Ano ang meron? May nangyari ba?
Huminto kami, naagaw namin ang lahat ng atensyon ng mga nandito.
"Padaan, 'wag muna kayong humarang d'yan," ani ni Kleo kaya gumawa ng daan ang mga nagkukumpulang estudyante. Hinila kaagad ako nila Jhon. Nang makarating kami sa gitna ay binitawan na ako nila Kleo.
Ano ang gagawin ko rito?
Tatanungin ko na sana ang tatlo nang makita ko si Kyle. Dumaan ito sa gitna ng mga nagkukumpulang estudyante. Nakangiti siya nang makarating sa tapat ko. May dala siyang bouquet ng bulaklak at isang maliit na rectangular box.
"Kyle, ano 'to? Bakit sila nagtitipon dito at bakit ako nandito?" Kunot noo kong tanong kay Kyle at tinuro ang sarili ko.
Napatawa lang siya ng mahina at nginitian ako. Iyong klase ng ngiti niyang kahit sino ang titingin ay mahuhulog pero para sa akin ay normal na ngiti niya lang iyon.
"Dazia, for you," saad niya at binigay sa akin ang bulaklak, nagtataka ko siyang tiningnan.
"Sa akin? Hindi ko naman birthday ngayon, bakit may pa-bulaklak ka?"
Natawa ang mga estudyanteng nakapalibot at nanonood sa amin.
"I didn't give it to you because of your birthday. I... I wan't to confess something to you."
Mas lalo akong nagtaka, kunot na kunot na rin ang noo ko.
"I've been thinking for this the whole time, ngayon ay hindi na ako aatras. I...I like you, Dazia. Alam kong magkaibigan tayo pero I want you more than friends. Ikaw 'yung tipo ng babae na magugustuhan kaagad ng lahat, ibang iba ka sa mga babaeng nakilala ko. Unique ka sa lahat, kaya hindi ko mapigilang mahulog sa 'yo." Natahimik ang paligid, may iba na kumukuha ng video.
"I just wanted to say that the first time I saw you I already fall for you. Gustong gusto kita kaya palagi akong nagpapapansin sayo. My feelings developed faster than I expected and I'm asking you today infront of everyone. Miss Dazia Kimberly Montenegro, can I court you? I'll promise to love you and take care of you. I won't hurt you gaya ng ibang lalaki. I will love you all my life and protect you no matter what happens."
YOU ARE READING
Owned By The Mafia Lord
RomanceDazia Montenegro is a girl who's living a normal and simple life not until her wicked Aunt drags her inside the Underground Club where dangerous people gather to buy women they can toy with. She keeps on questioning her worth and asking herself why...