Dazia POV
Ang dami nilang tinanong kay Black. Pagmamay-ari pala ni Mommy Bea ang Triken Cosmetics at Triken Beauty Salon and Spa na pinagtatrabahuan ni Auntie Susan. Nag-donate rin pala sila Daddy Darken dito sa amin nong bumagyo kaya kilalang kilala sila rito sa lugar namin at kahit saan pang lugar dahil sa tumutulong sila sa mga tao.
Marami silang kinwento, sinasagot din ni Black ang mga tanong nila tiyo sa kaniya. Napansin kong wala pala si Tito Raffy, akala ko kanina ay kumpleto sila. Mamaya pa raw pupunta rito si Tito Raffy dahil may inaasikaso pa siya para sa darating na Liga sa susunod na araw. Nakagisnan na rito sa amin na magpaliga ng basketball tuwing papalapit na ang pasko, pagkatapos ng simbang gabi nagsisimula ang laro.
Nagkikwentuhan sila nang magpaalam akong magpapahinga muna dahil pagod si Black sa pagmamaneho. Mabuti at pumayag sila. Umakyat na kami, sumunod naman ang mga bata. Pumasok kami sa dating kwarto nila mama at papa, dito nilagay ang pinakamalaking kama. Naikwento na nila Dylan kela Lola ang nangyari kaya hindi na sila ganun ka bigla kanina at pinahanda na nila ang kwarto na 'to.
Kumuha ng damit si Black sa maleta niya at pumasok sa banyo. Binuksan ko ang maleta nila Yuno at Yumi. Kumuha ako ng damit at binihisan sila pagkatapos ay inayos ko ang kama at ang mga unan bago sila pinahiga. Pumikit na silang dalawa kaya inayos ko ang comforter at pinaandar ang aircon. Mabuti na lang at foam itong higaan kaya hindi sasakit ang likod nila. Lumabas na ng banyo si Black na nakasuot ng itim na shorts at black t-shirt.
"Matulog ka muna, alam kong pagod ka. Pasensya ka na sa mga tiyahin at tiyohin ko," saad ko.
"Why are you apologizing? It's okay. I had a good time getting along with them. Your family are kind and jolly persons," nakangiti nyang saad at hinalikan ako sa noo. Ngumiti siya at niyakap ako bago humiga sa kama.
Nakangiti ko syang tiningnan at pumasok na sa banyo dala ang pamalit kong damit. Nagbihis na ako at lumabas. Tumabi ako ng higa sa kanila. Kinumotan ko si Black at hinalikan ang noo niya, mahimbing na siyang natutulog. Umayos ako ng higa at ilang sandali ay nakatulog na rin.
Black Pov
It's already six in the morning when I woke up. I look at my beloved lady and the two childrens innocently sleeping. I smiled widely. I'm really happy and contented for what I have right now, I didn't expect that I will experience this kind of happiness in my life. Having a loving and caring girlfriend that always stay on my side wants me to live long and be with her 'til my last breath. I really love her so much that it would kill me thinking that I might lose her. I already see my future with her. She is the only women I want to marry.
Hinaplos ko ang buhok niya and planted soft kisses on her forehead and cheeks. Inayos ko ang kumot nilang tatlo at dahan dahang tumayo, pumasok ako sa bathroom at naghilamos. Almost 11 PM na kami nakatulog kagabi dahil sa mahabang pagkikwentuhan sa mga tiyahin at tiyohin niya. Ang masasabi ko lang ay she have a jolly and happy family, they all really look closed to each other. Masaya ako dahil sa ganitong pamilya nabilang si Dazia.
Pinunasan ko ang mukha ko ng towel at lumabas na sa banyo. Tinitigan ko muna ang tatlong anghel ko na mahimbing na natutulog. Masyado pang maaga at alam kong pagod sila kahapon kaya mamaya pa sila magigising. Lumabas ako sa kwarto namin at bumaba ng hagdan, pagkababa ko ay nakita ko sila Lolo Enricko at Lola Felicita na nagkakape. Napatingin sila sa gawi ko kaya ngumiti ako. I don't know why but I just feel smiling at them whenever I see them.
"Oh iho, gising kana pala. Halika't mag kape tayo. Mamaya pa gigising ang mga iyon." Nakangiting aya sa akin ni Lola kaya lumapit ako sa gawi nila at umupo sa kaharap nilang upuan.
"Good morning po," I greeted them.
I use 'po' when I'm talking to old peoples who are valuable in my life like manang and my parents, I really respect them. I just forgot to use it when I'm not in the mood.
YOU ARE READING
Owned By The Mafia Lord
RomanceDazia Montenegro is a girl who's living a normal and simple life not until her wicked Aunt drags her inside the Underground Club where dangerous people gather to buy women they can toy with. She keeps on questioning her worth and asking herself why...