CHAPTER 16

2.7K 107 9
                                    

Dazia Pov

"Tita, gising na po! Time to school na."

Naramdaman kong may maliit na kamay na tumapik sa pisnge ko.

"Yumi, tita is still sleeping," rinig ko namang sabi ng cute na boses lalaki.

Minulat ko ang mga mata ko at unang tumambad sa akin ang cute na mukha ni Yumi. Nasa gilid siya ng kama habang pinaglalaruan ang kamay ko. Gumalaw ako kaya napatingin siya sa gawi ko at ngumiti.

"Good morwning, tita," bulol niyang bati kaya napangiti ako.

Ang gandang bungad naman sa umaga parang gusto ko na lang lagi matulog para mga mukha nilang dalawa ang agad na bubungad sa akin.

"Good morning, baby," bati ko rin at umupo sa kama.

Pinisil ko ang pisnge niya. Naka terno na pajamas pa ito at halatang kakagising lang. Alas dyes na kami natulog kagabi kasi nanood pa kami ng cartoons sa kwarto nila.

Nilingon ko si Yuno na nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng libro. Ang aga-aga nagbabasa na kaagad siya.

Binuhat ko si Yumi, napatingin naman sa gawi namin si Yuno at binaba na ang libro bago pumunta sa amin. Tiningnan ko ang orasan, 5:48AM pa lang. Ang aga naman nilang magising.

"Good morning, Tita Dazia," saad ni Yuno at hinalikan ang pisnge ko.

Napangiti ako at ginulo ang buhok niya, ang sarap sa feeling na may dalawang cute na bata kang mabubungaran tuwing umaga. Ang saya maging ina kahit magsisimula pa lang ako.

"Good morning din, baby. Nasaan pala ang Tito Black niyo?" nilingon ko ang tabi ko wala na roon si Black.

"Naliligo pwo si 'To Black, tita," sagot ni Yumi at pinaglaruan ang buhok ko.

Bumukas ang pinto ng banyo at tumambad si Black na topless habang pinupunasan ng tuwalya ang buhok niyang basa.

Nag-init ang pisnge ko at tumingin sa ibang direksyon. Parang hindi ko matatagalang titigan siya kapag wala siyang suot na pang-itaas. Ang ganda naman kasi ng katawan.

"Good morning, hon," hindi ko pa rin siya nilingon.

"Good morning din, mag-magbihis ka na. Nandito ang mga bata," narinig ko siyang mahinang tumawa kaya masama ko siyang tiningnan.

Pumasok na siya sa walk in closet kaya napahinga ako ng maluwag. Tumingin ako kay Yuno at Yumi na nakangiting nakatingin din pala sa akin.

"Wait lang babies ah. Magtotoothbrush lang si tita tapos mag ti-take a bath na kayo," nakangiti kong sabi, tumango naman silang dalawa kaya pinaupo ko si Yumi sa kama at tumayo.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bedside table at chinarge bago pumasok sa banyo at nagtoothbrush. Nang makuntento ako ay nagmumog na ako at naghilamos. Pinunasan ko ng tuwalya ang mukha ko at saka kinuha ang suklay sa drawer. Hindi naman masyadong magulo ang buhok ko kaya madali lang akong natapos sa pagsusuklay at tinali na kaagad ito.

Lumabas na ako sa banyo at nadatnan ko si Yuno at Yumi na kinukulit si Black na nagsusuot ng coat.

"'To Black, can we go to the park tomorrow?" pacute na tanong ni Yumi.

"Please! Please!" segunda ni Yuno.

"Or to the mall tito, please!" pangungulit pa rin ni Yumi.

Natawa ako ng mahina, ang cute nilang tingnan. Hinihila ni Yumi ang laylayan ng coat ni Black habang nakahawak naman sa kamay ni Black si Yuno, tingalang tingala sila.

"Okay, fine. But ask your Tita first," ginulo niya ang buhok nila pareho.

Makikita talagang mahal ni Black ang mga pamangkin niya.

Owned By The Mafia LordWhere stories live. Discover now