DAZIA POV
"Guys, una na ako. Nandyan na ang kateam ko, eh." Paalam ni Dannica kaya nginitian namin siya.
"Una na rin kami, Daz. Sa rooftop lang kami. Doon kasi kami magpapractice, e," sabi ni Alyanna
"Ingat kayo," nakangiti kong paalam sa kanila.
"Bye, Daz." Ngumiti sila at kumaway, kinawayan ko rin sila pabalik.
Inayos ko muna ang pagkakatali ng buhok ko at sinukbit ang bag bago lumabas sa room. Wala nang masyadong estudyante sa mga buildings. Marami ang nasa Field, yung mga teams. Siguro nasa kani-kanilang area na sila. Bumaba na ako. Nang nasa first floor na ako ay nakasalubong ko si Thania. May kasama siyang dalawang babae na makakapal din ang make-ups.
"Well, well, well. The bitch is here," maarteng sabi ni Thania.
"Anong kailangan mo?"
Ngumiti siya, ngiting may binabalak.
"Nothing. I just want to take a revenge."
Naaiktad ako nang binuhos niya sa damit ko ang milkshake na hawak nong isang babae. Nagsitawanan sila.
"See you around, bitch." Umalis na ito kasama ang dalawa niyang alipores.
Pinagpag ko ang basang-basa kong damit. Ano na ang gagawin ko nito. Wala akong extra jersey o t-shirt man lang.
Malas na araw! Kasing malas ng pagmumukha ni Thania!
Nagvibrate ang cp ko kaya kinuha ko ito at tiningnan.
From: Hon
Come here in my office.
Napakunot ang noo ko. Ano na naman ang kailangan nito?
Tumakbo ako papunta sa office niya. Buti na lang at wala ng estudyante sa hallway na 'yon kaya hindi nila mapapansin ang basa kong damit. Nagkaayos na rin kami kagabi.
Ilang sandali lang ay narating ko na ang SC Office. Dali-dali akong pumasok. Mabuti na lang at wala na ang mga officers dito. Bumuntong hininga muna ako bago kumatok at pumasok. Nakita ko si Black na nakaupo sa swivel chair niya at nakatutok sa cellphone niya. Sinarado ko ang pinto at humarap sa kaniya. Nilingon niya ako at kunot noo akong tiningnan.
"What happened to your clothes?"
"Wala, natapunan lang ng tubig." Peke akong ngumiti sa kaniya.
Tumayo siya at nakangising lumapit sa akin.
"Hon, you're not good at lying. Simula roon," tinuro niya ang swivel chair niya, "ay amoy na amoy ko ang milkshake." Tinaasan niya ako ng kilay.
"Wala to." Naiilang kong sabi.
"Change your clothes. You're late on your training," sabi niya at tinuro ang jersey na nakasabit malapit sa entrance ng banyo kaya kinuha ko ito.
Kulay itim ito na may puting t-shirt sa loob. Hindi ko na masyadong tiningnan ito. Tinungo ko ang cr at nagbihis. Mahaba ito pero nakikita naman kaunti ang jersey shorts ko. Paglabas ko ay wala na si Black doon kaya lumabas na rin ako. Sinarado ko muna ang pinto at tumakbo papunta sa court. Sinabit ko na lang sa kamay ko ang bag ko.
Nang makarating ako sa court ay nagsimula na akong maglakad papunta sa area namin. Pero ang weird dahil lahat sila ay nakatingin sa akin. Nilingon ko kung may katabi ba akong maglakad, pero wala naman. May dumi ba ako sa mukha?
Nagmadali akong pumunta sa area namin pero ang nakapagtataka ay pati rin sila nakatitig sa akin.
"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko sa kanila at nilagay ang bag ko sa bench katabi ng mga bag nila.
YOU ARE READING
Owned By The Mafia Lord
RomanceDazia Montenegro is a girl who's living a normal and simple life not until her wicked Aunt drags her inside the Underground Club where dangerous people gather to buy women they can toy with. She keeps on questioning her worth and asking herself why...