CHAPTER 15

2.6K 110 1
                                    

Dazia Pov

Papunta kami ni Black ngayon sa mansyon ng mga magulang niya may dinner daw kami kaya kanina pagkauwi ko ay nagmadali na akong nagbihis. May photoshoot si Daisy tapos si Dylan naman ay binisita si Trixie sa bahay nila. Nagbibinata na ang lalaki naming kapatid, ewan ko na lang kung hindi sila magkatuluyan ni Trixie.

Tiningnan ko si Black na seryosong nakatingin sa daan, wala yata siya sa mood kanina pa siya ganito. Nakarating na kami sa subdivision, may nadadaanan pa kaming magagarang mansyon. Ilang sandali lang ay nakarating kami sa harap ng isang kulay itim na malaking gate na may gintong disenyo sa itaas.

Kusang bumukas ang gate kaya pinasok na ni Black ang sasakyan binati pa kami ng tatlong bodyguard na nagbabantay sa loob. Tinanguan lang sila ni Black, wala pa ring ekspresyon ang mukha niya.

Namangha ako nang makita makita ang loob, malawak ito. Halatang alagang alaga ang bermuda grass sa paligid parang ang sarap tuloy magpicnic doon. May malawak din na pathway at sa gitna ay may fountain na may estatwang dalawang dragon. Ang laki-laki ng mansyon, parang palasyo. Nahiya naman ang Malacañang Palace!

Ang ganda rito lalo na ngayong nakabukas na ang mga ilaw dahil pa gabi na.

Nilingon ko si Black na ganun pa rin ang ekspresyon, palapit na kami sa malaking fountain.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kaniya at tinapik ang braso niya tumingin naman siya sakin at tumango.

Ang weird niya ngayon, baka may problema lang o 'di kaya ay pagod dahil sa dami nang pinirmahan niyang mga papeles kanina. Hindi rin yata siya pumasok sa klase niya para lang doon eh.

Binaling ko na lang ang atensyon ko sa harap. Umikot ang sasakyan sa fountain at pumasok sa garahe nila. Marami ring mga mamahaling sasakyan dito na siguro ay koleksyon ng Daddy niya.

Lumabas na si Black sa kotse at umikot, pinagbuksan niya ako kaya ay nagpasalamat ako bago lumabas. Hindi niya naman kailangang gawin 'yon. Kaya ko naman ang sarili ko.

Pinulupot niya ang kamay ko sa braso niya at nagsimula na kaming maglakad patungo sa mansyon.

Pagkapasok namin ay nagsiyukuan ang mga nakahilerang maid. Mas namangha ako rito sa loob, kung maganda ang sa labas ay mas maganda rito. Halatang mamahalin ang mga gamit gaya sa mansyon ni Black. Nalulula na talaga ako, gaano ba talaga sila ka yaman?

"Good evening, young lord, young lady," sabay-sabay nilang bati. Nginitian ko sila at binati pabalik dahil wala yatang balak 'tong katabi ko. Diretso lang siya sa paglalakad kaya ay nilalakihan ko ang hakbang ko para magsabay kami, mabuti na lang nakaflat shoes ako.

Narating namin ang dining room, nando'n silang lahat kabilang na ang Vice President na Daddy ni Ate Lea pati ang Mommy niya.

"You're here," nakangiting bati ni Mommy Bea. Tumayo siya at lumapit sa amin bineso niya ako kaya nginitian ko siya, nakakahiya dahil mukhang kami na lang ang inaantay nila.

"Good evening po," bati ko, nginitian lang nila ako.

"Good evening din iha." Sagot ng Mommy ni Ate Lea.

"Upo na kayo," aya ni Mommy Bea.

Naglakad kami papunta sa mahabang mesa. Pinaghilahan ako ni Black ng upuan kaya nginitian ko siya at umupo na umupo na rin siya sa katabi kong upuan.

"Let's eat," sabi ni Daddy Darken kaya nagsimula na kaming kumain.

Ang daming putahe, buti na lang at kumakain sila ng kanin kaya hindi ako magugutom. Nakakagutom kaya kung ulam lang ang kakainin mo pero gano'n ang mga mayayaman kaunti lang ang kinakain kaya magaganda ang katawan.

Owned By The Mafia LordWhere stories live. Discover now