Dazia Pov
"Anong nangyari sayo, ate?"
Pagkapasok ko nang mansiyon ay iyan kaagad ang bungad na tanong ni Daisy. Natatawa na may halong pag-aalala ang mukha niya.
"Para kang basang sisiw." Gatong ni Dylan habang natatawa akong tinitingnan.
Nakaupo sila sa sofa. Nagbabasa si Daisy nang libro habang nakatutok naman si Dylan sa cellphone niya.
Inismidan ko lang silang dalawa at tiningnan ang damit ko.
Basang-basa ako dahil naabutan ako ng ulan, hindi ko kasi nadala ang payong ko. Hindi ko naman alam na uulan pala ngayon.
Late na kaming pinalabas ni Prof. tinapos pa kasi naming sagutan ang test paper sa subject niya na sobrang kapal. Siya lang ang nagpasagot sa amin nang 20 pages na test paper, ang dami pang explanation kaya alas sais na kami nakauwi.
Si Manong lang ang sumundo sa akin dahil tinext ko sila Daisy na mauna na silang umuwi. Malayo-layo ang building namin papunta sa parking lot kaya kailangan kong takbuhin kahit sobrang lakas ng ulan. Kung mag-aantay pa ako roon hanggang sa tumila ay baka gabing-gabi na ako makauwi. Mabuti na lang at waterproof itong bag ko kaya kampante akong walang nabasa na ni isa sa mga gamit sa loob.
"What happened to you? Why are you so wet?"
Napalingon ako sa may hagdanan. Nakakunot ang noo ni Black habang bumababa ng hagdan. Tumigil siya sa harap ko.
"Naabutan kasi ako ng ulan."
"You didn't bring your umbrella?"
Tumango ako, nakalimutan ko kasi.
"Tita, what happened?" Tanong ni Yuno na kabababa lang.
"Yuno, tell Manang to bring a towel here immediately."
Tumango naman kaagad si Yuno sa utos ng Tito niya at patakbong pumunta sa kusina.
Tiningnan ko ang sahig, basa na rin ito. Tutulungan ko na lang sila manang mamaya na punasan to. Sana pala sa labas na lang ako naghintay, dinumihan ko pa ang tiles. Linis na linis pa naman ito ng mga katulong.
Nagmamadaling pumunta sa amin si Manang na may dalang tuwalya. Inabot niya ito kay Black at nag-aalala akong tiningnan.
"Ayos ka lang ba, iha? Maligo ka kaagad baka magkasakit ka niyan."
Nginitian ko lang si Manang at tumango.
"Opo, manang. Maraming salamat po."
Kinuha ni Black ang bag ko at iniabot kay Dylan na nasa tabi na ni manang. Pinunasan niya ang buhok ko gamit ang tuwalya at ibinalot 'yon sa akin. Nakapoker face lang siya.
"You should take a bath before you catch a cold."
Hinila niya ako paakyat sa taas. Binitawan niya na ako pagkapasok namin sa kwarto.
"Take a shower."
Ngumiti lang ako at tumango bago pumasok sa banyo at tinanggal ang tuwalyang nakabalot sa akin. Ni-lock ko ang pinto bago maghubad at nagsimula nang maligo.
Bukas kaunti na lang ang sasagutan namin dahil halos nasagutan na namin ang lahat ng test sa buong subject kaya makakahinga na ako ng maayos bukas ng hapon.
Pinagpatuloy ko ang pagligo at nagbihis na kaagad pagkatapos, ang ginaw.
"Pass your papers infront," saad ng huling professor namin.
Pinasa na namin sa harap ang mga test paper namin.
"Class dismissed! Thank you for your cooperation everyone!"
YOU ARE READING
Owned By The Mafia Lord
RomanceDazia Montenegro is a girl who's living a normal and simple life not until her wicked Aunt drags her inside the Underground Club where dangerous people gather to buy women they can toy with. She keeps on questioning her worth and asking herself why...