CHAPTER 12

2.8K 108 12
                                    

Dazia Pov

Nagising ako at tiningnan ang orasan. Alas sais na pala, nandito na rin ako sa kwarto namin ni Black. Nakatulog kasi ako kanina sa byahe pauwi rito. Baka binuhat na niya ako, ang bigat ko pa naman.

Bumangon ako at naglakad palabas ng kwarto. Naka pambahay na ako, dark blue na pajama at yellow oversize t-shirt. Hindi naman siguro si Black ang nagbihis sa akin. Baka sina Manang.

Habang pababa ako sa hagdan ay may narinig akong ingay. Mukhang nandito ang mga kaibigan niya. Bumaba na ako at naabutan ko sa sala sina Josh. Kumpleto sila, kasama rin nila si Dylan.

Si Josh at Red ay nasa sahig, naglalaro sila ng chess. Habang sina Drake at Drein ay nakaupo sa sofa, naglalaro yata sila kasi tutok na tutok sila sa phone nila. Si Dylan ay prenteng nakaupo sa kabilang sofa. May mga papel din akong nakita sa lamesa.

"Sige takbo, Drein. Takbo!" Usal ni Drake na tumatawa, nasa cellphone pa rin ang tingin.

Nang marinig ko ang babaeng boses sa cellphone nila ay alam ko na agad na naglalaro sila ng online games.

"Sinong takbo ngayon! Laos yang hero mo sa hero ko. Baby ko 'to." Tawa ni Drein

"Defeat/Victory!"

Sabay na sabi ng boses sa cellphone nila.

"Pre, pano ba yan?" Si Drein habang nakalahad ang kamay.

"No, not my jet fighter." Nanlulumong ani ni Drake at hinahalik halikan pa ang certificate.

Inagaw na ito ni Drein na hanggang tenga ang ngiti at nilapag ang certificate at saka sila lumapit kela Red at Josh na seryosong nakatuon sa laro ang atensyon. Lumapit ako sa kanila.

"Wohh! Ano ka ngayon bro ha? Napantayan na rin ng brain cells ko ang brain cells mo." Masayang ani Red.

"Not so fast." Ngumisi si Josh at ginalaw nito ang queen niya. At 'yon, natalo si Red.

"Wag ka na managinip pulang manok."

"Pang teknolohiya lang talaga ang talino mo bro. Kapag chess na ang usapan umatras ka na. Mali yata ang hinamon mo."

Kantyaw nila kay Red na ngayon ay parang binagsakan ng langit at lupa.

"F*ck! My baby Lambo. I will win you back." Madramang sabi ni Red na pinipilit ang kamay na ibigay kay Josh ang susi.

"Bro, pwede bukas na lang? Wala kasi akong ibang dalang kotse, eh."

"No. Magcommute ka." Hinablot ni Josh ang susi sa kamay ni Red.

Ngumuso lang si Red at nagsitawanan sila pati na rin si Dylan.

"Good evening." Bati ko at umupo sa tabi ni Dylan.

"Good evening, Daz."

"Good evening, Ate."

"Hello, Daz."

"Magandang gabi, Daz."

"Walang good sa evening."

Natawa ako sa sabi ni Red. Mukhang hindi nga good ang evening niya.

"Anong nilalaro niyo, at saka ano yan?" Tinuro ko ang mga papel na nasa maliit na glass table.

"Some online games and chess lang."

"Mga titulo at certificates yan ng properties namin."

"Huh? Para saan?" Takang tanong ko at kinuha ang mga papel sa mesa at binasa isa isa. May mga sasakyan, jet fighters, resorts at saka condo ang nandito, marami. Aanhin naman nila ito?

"Wala naman. Pang pusta lang."

Nalaglag ang panga ko. Seryoso ba sila?

"Seryoso ba kayo? Laro laro lang yan tapos milyon milyon ang pusta? Ilan ba ang nasinghot niyo?" Gulat kong saad.

Owned By The Mafia LordWhere stories live. Discover now