Dazia Pov
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may humahaplos sa buhok ko. Minulat ko ang mga mata at bumungad sa akin ang mukha ni Black, inaantok pa ang mga mata niya. Mukhang kagigising niya lang rin, sabi ko kagabi na ilang minuto lang ako hihiga sa sofa pero nakatulog na ako, dahil din siguro sa masyado ng malalim ang gabi.
Hindi na ako magtatanong kung bakit ako nakarating dito sa kama dahil hindi naman ako nagsi-sleepwalk.
Muntik ko ng makalimutan. Anong oras sila umuwi kagabi? Hindi man lang ako nagising sa pagdating nila. Gano'n na ba kalalim ang tulog ko?
"Good morning, hon." Bati niya at hinagkan ang noo ko.
Naglalambing lang naman siya dahil hindi nakauwi ng maaga kagabi. Akala niya siguro ay makakalimutan ko na iyon.
"Saan kayo nagpunta kagabi? Anong oras kayo nakauwi?" Tanong ko kaagad.
Napatigil siya sa paghaplos sa buhok ko at tiningnan ako sa mata.
"I met my old friends, just a small gathering. We hangout and talked about some stuff. Around 12 kami nakauwi." Pinagpatuloy niya uli ang paghaplos sa buhok ko.
Old friends? Marami pala siyang kaibigan? Akala ko sina Drake lang ang mga kaibigan niya? Sabagay, sila lang naman kasi ang lagi kong nakikita na kasama niya. Masyadong tahimik si Black at hindi palakaibigan, alam niyo naman ang ugali ni Haring Itim. Mabuti na lang at natagalan niya ang mga kaibigan niya eh ang dadaldal ng mga iyon, hindi man lang nila nahawaan si Black.
"Bakit nakapatay ang cellphone mo? Pinag-alala niyo ako, akala ko ay may nangyaring masama sa inyo." Masama ko siyang tiningnan.
"I'm sorry about that, hon. I didn't noticed that my phone is already running out of battery that's why I can't answer your calls. And nothing will happened to us. I will always take care of myself because I know that I have a beautiful girlfriend who always waits for me to come home. I'm sorry for making you worried, hon." He genuinely smiled, ang lakas na naman nang tibok ng puso ko.
Bakit ba kasi mahal na mahal ko ang Haring Itim na 'to?
"Magsabi ka na sa susunod kung late kang makakauwi para hindi na ako mag-alala."
Tumango siya kaya napangiti ako.
I really love this man. Sa bawat araw na lumilipas ay mas nahuhulog ako sa kaniya. Hindi ko na alam ang mangyayari sa buhay ko kapag nawala siya sa akin, baka mabaliw ako. Palagi niyang pinaparamdam sa akin na importante ako.
He pulled me closer to him and hugged me tightly. He closed his eyes so I gently caressed his hair. Just like before, his hair is still so soft, nothing changed. Tiningnan ko ang alarm clock sa bed side table namin. Four-thirty AM pa pala kaya hindi na nakapagtataka kung bakit tulog na naman si Black. Napakaantukin nito pero hindi ko rin naman siya masisisi dahil marami siyang trabaho. Sinasabay niya ang pag-aaral at ang trabaho niya sa kumpanya nila kaya siguro binabawi na lang niya sa tulog.
Hinagkan ko ang noo niya at pinagpatuloy ang paghaplos sa buhok niya, kumportable kasi siyang matulog ng ganito. Maingat kong inabot ang cellphone ko sa tabi ng unan ko. Hindi na ako nakaramdam ng antok kaya binuksan ko na lang ang social media ko. Nireplyan ko ang iilang mensahe ng mga kakilala ko at hindi pinapansin ang iba. Habang nagsco-scroll ako sa social media app ko ay na-refresh ko ang news feed ko. Biglang bumungad sa akin ang isang article ng sikat na writer na uploaded 15 minutes ago.
“Mr. Black Zeus Devon, son of the successful business man and the famous scientist, Mr. Darken Devon and Mrs. Beatrice Fernandez-Devon. One of the richest and powerful family all over the world and also the heir of the Devon-Fernandez Empire was spotted in San Carlos City, Pangasinan. He played a public event called the 'Battle of the Purok's' representeng the Purok Singko, one of the zone of a barangay in San Carlos City. He is with his rumored 'mysterious girlfriend..."
YOU ARE READING
Owned By The Mafia Lord
RomanceDazia Montenegro is a girl who's living a normal and simple life not until her wicked Aunt drags her inside the Underground Club where dangerous people gather to buy women they can toy with. She keeps on questioning her worth and asking herself why...