CHAPTER 10

3K 117 4
                                    

Dazia Pov

Nagising ako nang maramdaman kong may mabigat sa tiyan ko bumababa ang tingin ko sa brasong nakayakap sa akin at tiningnan ang may-ari nito. Napangiti ako ng makita si Black na mahimbing na natutulog. Ang inosente ng mukha niya taliwas kapag gising siya. Palagi kasi siyang walang emosyon. Hinawakan ko ang buhok niya at dahan-dahang hinaplos. Ang lambot ng buhok niya mas malambot pa sa buhok ko. Natigil ako sa paghaplos sa buhok niya ng gumalaw siya at mas hinigpitan ang yakap sa akin.

"Good afternoon, hon," paos niyang sabi pero nakapikit pa rin ang mata.

"Good afternoon din," sagot ko.

"Bangon na, hapon na oh. Baka nasa baba na sila," dagdag ko pero mas hinigpitan niya lang ang yakap sa akin at mas lalong siniksik ang ulo niya sa leeg ko.

"Later." Tamad niyang sagot.

Tinuloy ko na lang ang paghaplos sa buhok niya. Mukhang pagod siya, ano naman kaya ang ginawa niya at napagod siya. Ilang sandali pa ay may kumatok sa pinto.

"Teka lang may kumakatok," saad ko pero ayaw niya akong pakawalan.

"Black, may kumakatok titingnan ko lang." Mahina kong tinulak ang braso niya. Tinanggal niya naman kaagad ito sa bewang ko.

Bumangon ako  at tiningnan ang suot. Hindi pa rin pala ako nakabihis nakalimutan ko kanina. Dahan-dahan akong pumunta sa pintuan, inayos ko muna ang sarili bago 'yon binuksan. Tumambad sa akin si Trixie, Dannica, Coleen, at Daisy.

"Naabala ba namin kayo?" May mapang-asar na ngiting bati ni Dannica.

"Ang gandang tanong naman n'yan, 'yon talaga ang ipangbubungad niyo sa akin?" sagot ko sa kaniya na ikinatawa nila.

"Ate baba na tayo para magswimming," ani ni Daisy.

Tinignan ko sila na suot ang kani-kanilang swimsuit.

"Nasa baba na sila ate Lea, hinihintay nila kayo." May ngiti pa rin na saad ni Dannica.

Dumungaw si Coleen sa kwarto namin at pumasok.

"Wake up!" Pambubulabog niya sa Kuya niyang nakahiga pa rin at nakapikit ang mata.

"Kuya it's already four in the afternoon gumising ka na r'yan. Dinaig mo pa ang buntis kung matulog!" Dagdag nito at tinanggal ang kumot ni Black.

Natawa kami sa pangungulit ni Coleen sa Kuya niya.

"Shut up, brat. You're so noisy, can you zip your mouth?" Inis na singhal ni Black sa kapatid na tinawanan lang ni Coleen.

"Kuya Black hinahanap na kayo nila Kuya Josh sa baba," saad ni Trixie

Tumango lang si Black at bumangon. Lumabas na rin si Coleen sa kwarto namin.

"Susunod kami magbibihis lang ako," saad ko.

"Wag ka na magbihis lalangoy din naman tayo kaya ka nga nakatwo piece, eh. Okay na yan Daz at saka ang sexy mo." Uminit ang pisnge ko sa papuri ni Dannica.

"Oo nga ate, see you sa baba." Paalam ni Daisy at naglakad na sila papunta sa elevator kaya sinarado ko na ang pinto. Bumuntong hininga ako at kinuha ang suklay sa drawer si Black naman ay hinubad ang t-shirt niya. Tininignan ko siya at tinaasan ng kilay.
"What? I'll swim too, don't mind their stares hon." Kumindat siya sa akin at pumasok sa banyo.

Napahawak ako sa dibdib ng bumilis ang tibok ng puso ko. Binaling ko na lang ang tingin sa body mirror. Inayos ko ang nakalugay kong buhok at ang two piece ko. Kinuha ko ang manipis na puting jacket na sinusuot sa pool at  beach para matakpan kaunti ang suot kong swimsuit pero bumabakat pa rin ito. Hanggang pala pulsuhan ko ito at walang zipper ang gitna. Tatanggalin ko na lang 'to mamaya kapag maliligo na. Bnalik ko sa drawer ang suklay at sinuot na ang beach slippers ko. Tiningnan ko si Black nang lumabas siya sa banyo na nakatopless, nagpalit siya ng shorts.

Owned By The Mafia LordWhere stories live. Discover now