Dazia Pov
Tumayo ako at akmang maglalakad na nang magtanong si Venice.
"Saan ang punta mo?"
"Ah, may isasauli lang ako," sagot ko sa kaniya at nagmadaling pumunta sa bench nina Black. Nagtataka nila akong tiningnan.
Hindi ko pinansin ang mga matang nakatitig sa akin. Nang marating ko na ang bench nila ay nagtahimik ang mga teammates niya. Nandito rin sina Red, Josh, Drein at Drake. Malamang, magtataka pa ba ako, e, magkaklase mga 'to. Samasama rin sa kalokohan.
"Pres..." Mahinang tawag ko kay Black.
Nakatalikod kasi ito ng upo sa akin at nakasaksak sa tenga ang bluetooth earphones niya. Nakapikit din ito at mukhang gusto pang matulog dito.
Kinalabit ko siya ng mahina pero dedma lang ito. Nainis na ako kaya humarap ako sa kaniya at kinuha ang earphones niya. Bahala na ang mga chismosa r'yan. Alam ko namang masama na ang tingin nila sa akin. Wala na akong pake sa kanila basta maibigay ko lang 'tong gym bag.
Tumayo siya at galit na tumingin sa akin pero kalaunay nawala rin nang makita ako. Kunot noo niya akong tiningnan. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Mr. President, nandito po ako para ibigay ang gym bag mo na pinabitbit mo sa akin," diin kong saad. Inabot ko sa kaniya ang gym bag niya na nakasukbit sa kanang balikat ko.
Nagsmirk lang siya at kinuha ito. Tinanggal ko ang varsity jacket niya na nakatali sa bewang ko at inabot din sa kaniya pero tinaasan niya lang ako ng kilay at kinuha ito. Binalik niya ulit sa pagkakatali sa bewang ko. Yumuko siya, ramdam ko ang mainit niyang hininga sa tenga ko.
"I told you. Your jersey shorts are too short. Those mens are looking at your legs. Baka makapatay ako, hon," bulong niya. Diniinan pa ang huling sinabi. Inilayo niya na ang mukha sa tenga ko at nginisihan ako.
"Thank you for bringing my bag, Ms. Montenegro."
Inirapan ko siya at nagsimula ng maglakad patungo sa bench namin. Alam kong tutunog na naman ang pangalan ko sa buong school mamaya dahil sa ginawa ni Black. Mukhang magigisa talaga ako ng buhay nito. Narinig ko ang tawanan nina Red bago ako tuluyang makalayo sa kanila. Ang mga asungot na yun!
Pagkarating ko sa bench ay nagdududang tingin na agad nila ang sumalubong sa akin. Umupo ako at nilagay sa hita ko ang gym bag ko.
"Anong nangyari? Bakit mo dala ang gym bag ni Pres?" Tanong nila Trisha.
"Nakasubong ko kasi si Pres kanina tapos tinawag niya ako. Dalhin ko raw ang bag niya, tinatamad daw siya kaya sumunod na lang ako. Kilala niyo naman si Pres, mas nakakatakot kapag nagalit." Pagsisinungaling ko.
Lord, sorry po. Kailangan ko lang talagang magsinungaling.
Nagdududa nilang tiningnan ang jacket ni Black na nakapulupot sa bewang ko pero nagsitanguan na lang sila. Mabuti na lang at wala silang tinanong tungkol sa ginawa ni Black kanina.
Nagsimula na ang laro. Ang tenth grade Shark Team at Dragon Team ang unang naglaban. Ewan kung saan nila napulot ang pangalan ng mga team nila.
Parehong ayaw magpatalo nang magkabilang team. Pareho silang magagaling pero sa huli ay ang Dragon Team ang nanalo. Nagsitilian ang ibang nasa court. Sumayaw ang cheerleading team nila.
Ang Thunder Team at Dark Angel Team ang susunod. Ang team nina Kyle at team nina Drake. Napuno ng hiyawan ang buong court lalo na ang mga fans ng magkabilang team. Mga sikat 'to dito kaya malamang ay maraming taga hanga.
Nagsipwesto na sila. Nandun sina Red, Josh, Drein, Drake at isa nilang kasamahan. Hindi ko alam kung ano ang pangalan nun. Sa team naman namin ay sina Kyle, Jhon, Kleo, Michael at Kiro.
YOU ARE READING
Owned By The Mafia Lord
RomanceDazia Montenegro is a girl who's living a normal and simple life not until her wicked Aunt drags her inside the Underground Club where dangerous people gather to buy women they can toy with. She keeps on questioning her worth and asking herself why...