CHAPTER 8

3.6K 137 8
                                    


Chapter 8
Dazia Pov

Hindi pa nagsisimula. Sa billboard ako tumingin dahil naroon ang scoring namin. Dumapo ang tingin ko kayla Alyanna na nakangiting sumisenyas sa akin. Nginitian ko rin sila pabalik. Napakasupportive nilang mga kaibigan. Narinig ko ang daldalan nina Drake.

"Alam mo ba coach, nandyan ang future sister-in-law namin." Boses ni Drake at diniinan talaga ang sister-in-law.

Hindi ko sila nilingon. Ayoko namang maging feeling, 'no. Baka nandito ang isa sa mga girlfriends nila.

"Where? Sa Thunder o sa Dark Angel?" tanong nong Master Coach.

"Secret, Coach. Baka malintikan pa kami. Amazona pa naman yun," sambit ni Drein at nagtawanan sila.

Mukhang alam ko na kung sino ang tinutukoy nila.

"Kaninong girlfriend ba ang nandyan?" Tanong ulit ni Coach.

"Of course, your favorite student, Coach." Rinig kong tawa ni Red.

"Aba! He should introduce her to me. Gusto kong makita kung anong klaseng babae ang nakapagtimpi kay Black. We all know his attitude," sambit pa nong Master Coach.

"Alam mo, Coach. Maganda yun." Narinig ko ang boses ni Dylan.

At kailan pa to naging close sa Master Coach?

"Who? Si Thania?" tanong ni Coach.

"Ang pangit naman ng taste mo, Coach," ani ni Red pero medyo napalakas ang pagkasabi niya. Nagsitawanan sila. Alam kong narinig yun ni Thania. Tiningnan ko siya at bakas sa mukha nito ang pagkaasar. Ang talim ng tingin nito kayla Red at parang gustong gusto niya itong sakalin pero nagtitimpi lang.

"Magkaiba sila ng ganda ni Thania, Coach." Si Drake.

Inabutan ako ng tubig ni Ilish. Binuksan ko ito at ininom dahil nauuhaw na rin ako.

"Kasal na ang patutunguhan nyan. Magnininong ako." Ang Master Coach.

"Oo, Coach. Ikaw pa! Nanghahampas nga lang yun pero excited na kaming makita ang maliit na bersyon ni Black sa mansyon ni Itim. Baka mas mapadalas ang pagtulog namin doon," saad ni Drein.

Nasamid ako dahil sa narinig. Agad akong dinaluhan nina Yvi.

"Okay ka lang?" Tanong niya.

"O-Oo" sagot ko sa kaniya at naubo. Parang pumasok sa ilong ko ang tubig.

Narinig ko ang tawanan nina Josh kaya tiningnan ko sila ng masama. Nagsigawan ang mga nasa court nang pumasok si Black habang naka-earphones at walang pake sa mga naroon. Naglakad siya patungo sa mga takas mental niyang kaibigan. Nagtama pa ang paningin namin pero umiwas naman ako kaagad. Hinawakan ko ang leeg ko dahil medyo sumakit ito dahil sa pagkasamid ko kanina. Walang hiya talaga tong sila Drein.

"Oh my god! Am I dreaming?!"

"Manonood si Black!"

"You're so hot, President!"

Nakakabingi talaga ang mga tili at sigawan nila. Parang ngayon lang nakakita ng gwapo, e, nagkalat naman ang mga ito rito sa loob ng campus.

Nilagay ko sa bench namin ang bottled mineral water na binigay sa akin ni Yvi kanina, not minding the over reaction of the crowd. Bumalik ako sa pwesto ko, pumasok na rin sa linya sina Thania at pumwesto na rin. Magsisimula na.

Pumito na ang referi. Si Trisha ang unang magsiserve. Seryoso ang bawat isa sa amin. Tinuon ko ang atensyon ko sa laro. Pumasok ang bola. Nakuha naman yun ni Thania at nabalik sa amin. Hinampas ito ni Ilish kaya bumalik sa kanila. Sinet yun ng babae kanina at nagspike si Thania.

Owned By The Mafia LordWhere stories live. Discover now