CHAPTER 14

2.8K 109 9
                                    

Dazia Pov

"You're not kidding right?" tumango ako sa tanong ni Dannica. Sinabi ko kasi sa kaniya ang nangyari kayla Ate Lea.

"Oh my gosh! I can't believe this! Parang kahapon lang kasama pa natin sila and now?" Hinilot ni Dannica ang sintido niya. Yumuko na lang ako.

Pabalik na kami sa cafeteria. Tapos na akong magbihis, mabuti na lang at may extra uniform ako sa locker.

"Ako nga rin hindi makapaniwala, eh. The world is cruel."

"How about the kids? Sino ang mag-aalaga sa kanila? I heard nag-iisang anak lang si Ate Lea." Napatingin ako kay Dannica at umiling.

"Hindi ko rin alam, eh. Siguro magdedesisyon sila mamaya. Sabay na tayong pumunta roon." Tumango naman si Dannica.

"Yeah, right. Sabay na tayo. Siguradong pupunta roon sila Mommy mamaya."

"Nakakapagtaka lang. Ano kaya ang motibo nila sa pagpatay?" Hindi ko pa rin alam kung ano talaga ang motibo nila.

"Marami silang kalaban, remember? Bahagi ng Mafia Organization si Kuya Bruce at anak ng Vice President si Ate Lea. So, we don't know kung ano ang motibo dahil hindi pa natin alam kong sino ang salarin. It could be politics and it could also be the organization."
Napatango ako sa sinabi ni Dannica. May punto naman siya. Napatigil ako sa paglalakad nang humarap syia sa akin.

"You should be careful Dazia lalo na kapag nalaman nilang ikaw ang girlfriend ni Black. Magiging circus ang buhay mo. Just trust him lalo na't kumikilos na ang kalaban. We don't know who's the enemy is at hindi rin ako palaging nasa tabi mo para iligtas ka kaya mag-iingat ka, okay?"
Nakikita ko ang pag-aalala at lungkot sa mata ni Dannica. Para na siyang matandang kapatid sa akin. Sa kanilang apat, si Dannica lang ang pinakaclose ko.

Nginitian ko siya. "Oo na po, Ate Dannica." Natawa naman siya.

"Loka ka talaga."

Masaya kaming naglakad papunta sa cafeteria. Napapatingin sa amin ang mga estudyante na narito, siguro ay nakita nila ang nangyari kanina pero hindi ko na 'yon pinansin. Palagi naman, eh. Normal na sa akin to mula no'ng makilala ko si Thania.

Pagdating namin sa table ay umupo na kami. Nasa lamesa na rin ang mga order namin at nandito na rin si Venice.

"Are you okay, Daz? I heard what happened earlier. Nakakainis talaga ang Thania na 'yon!" Natawa ako sa itsura ni Venice. Halata ngang naiinis talaga sya kay Thania.

"Okay lang ako, Ven. Wag kang mag-alala, wala na sa akin 'yon."

Nakabusangot niya akong tiningnan. Lagi siyang ganyan, pinoprotektahan niya ako kapag binubully ako ni Thania. Ang swerte ko nga kasi may mga kaibigan akong katulad nila.

"Ang bait mo talaga. Hay! kain ka na nga, mukha ka nang multo d'yan. Ang haggard na talaga ng mukha mo." ani naman ni Alyanna.

Nagsimula na kaming kumain. Marami pa ring nagchichismisan sa gilid namin tungkol sa mysterious girl 'kuno'. Ewan kung ano ang pinag-uusapan nila hindi naman ako chismosa pero nakakarindi talaga sa tenga kapag hindi mo alam ang pinagchichismisan ng mga nasa paligid mo.

"Girl, you saw it na ba? I told you na may girlfriend na si Black!" biglang sabi ni Ysa kay Venice.

"Yeah, I know it. Hindi naman ako late update, 'no! 'Yon ang bukang bibig ng buong campus ngayon at sa ibang schools. Hot topic kaya 'yon ngayon." Sagot ni Venice.

Ano ba ang mga sinasabi nila? Masyado na ba talaga akong huli sa balita?

"I saw it too. The girl seems familiar parang nandito lang talaga siya sa school, eh." Sambit ni Alyanna at parang nag-iisip pa.

Owned By The Mafia LordWhere stories live. Discover now