CHAPTER 35

1.9K 71 4
                                    

Third Person Pov

Sa kabilang banda, pinaputukan ni Red ng silencer niya ang mga naka men in black na nasa harap ng gusali. Marami silang dalang tauhan, sinigurado talaga ng Lord nila ang magiging kaligtasan ni Dazia.

"Sino ba ang nag-hire sa mga ito? Bakit ang tatanga yata ng mga tauhan nila." Panlalait ni Drein sa mga naka men in black na nakahandusay.

Napailing na lang si Red sa sinabi ng kaibigan. Tarantado rin naman siya pero hindi gaanonf kalala kagaya ni Drein na abnormal.

"Gather around. When you saw an enemy, don't hesitate to kill them immediately." Malamig na utos ng pinuno nila.

"Copy, Lord Alas!" Sabay sabay na wika nila.

Naghiwa-hiwalay sila at pinalibutan ang buong gusali.

"Lord Alas, parating na ang reinforcement," ani ng binatang si Josh.

Tumango lang ang kanilang pinuno at pinunasan ang dagger niya gamit ang tissue. Ang tanging nasa isip lang ng binata ay mailigtas ang babaeng mahal at pagbayarin ang may gawa nito.

'Hold on, hon. I'm coming.'

Ang nasa utak nang pinuno nila at pumasok na sa gusali. Nagsisunod ang iilang tauhan niya sa kaniya kasama na roon si Dylan.

Lahat nang nakikita nilang kalaban ay pinapatay nila kaagad bago pa ito makagawa ng ingay. Silencer ang ginagamit nilang baril upang makapasok sa gusali nang tahimik habang ang pinuno naman nila ay pinapadanak ang dugo gamit ang dagger nito.

Dazia Pov

"Kailan niyo ba ako pakakawalan dito?"

Tinaliman ko nang tingin ang dalawang nasa harap ko ngayon, umirap naman si Hera sa akin.

"Can you shut your mouth? Kanina ka pa!"

Akmang susugurin sana ako nito nang pigilan siya ni Kyle kaya masama niya na lang akong tiningnan.

"Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ni Black sa babaeng 'yan, pati na rin ikaw Kyle! She's just a pain in the ass and useless!"

Inirapan ko lang si Hera. Pasalamat siya at nakagapos ang kamay ko, kung hindi ay sinabunutan ko na siya.

"Shut up, Hera—"

Nagulat kami nang marinig ang putok nang baril sa labas ng pinto. Biglang umalerto ang mga tauhan nila na nandito sa loob at inilabas ang kani-kaniya nilang baril.

"Boss! Nandito na sila!" Sigaw nang kakapasok pa lang na isa sa mga tauhan nila Kyle.

"Fuck!"

Kasabay nang mura na 'yon ang pagbukas nang pinto at paghandusay ng iilang mga kalalakihan dito.

Natulala ako sa nangyari, basta ang alam ko lang ay nagpapalitan sila ng bala. Malalakas ang putok ng baril, maririnig din ang malulutong na mura ni Kyle.

Sila Dannica? Nasaan sila Dannica?

Nanatili akong tulala nang may kumalas ng tali ko kaya nabalik ako mula sa pag-iisip. Nakita ko si Venice na kinakalas ang tali ko gamit ang isang kutsilyo.

"Venice..."

"Ililigtas kita, Dazia. Sa ganito man lang na paraan ay may magawa akong tama."

Tumayo siya nang makalas na ang tali ko, tumayo na rin ako. Nagpapasalamat ako sa kaniya. Kahit anong mangyari siya pa rin ang kaibigan namin.

"Venice! Anong ginagawa mo!?"

Napatingin kami kay Hera nang inis itong lumapit sa amin dala ang isang kutsilyo. Tinago ako ni Venice sa likuran niya at seryosong tiningnan ang pinsan niya.

Owned By The Mafia LordWhere stories live. Discover now