Dazia Pov
"Black, magpapaliwanag ako."
Kinakabahan ako pero kailangan kong labanan itong kaba ko. Nandito ako para magpaliwanag, hindi para tumayo lang at magpaka-display.
"You don't need to explain. You can't love a jerk like me, right?"
Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang luha ko. Ang lamig ng boses niya, parang pinaparamdam niyang hindi niya ako kilala. Masakit pero naiintindihan ko siya.
"Hindi, Black. Let me explain." Pinunasan ko ang isang butil ng luhang kumawala sa mata ko.
"I will accept everything you've said that afternoon. You don’t have to be guilty."
"Alam kong nasaktan kita, I'm sorry. Alam kong sobrang sakit ng mga binitawan kong salita, I'm sorry. Sinaktan kita kasi nasaktan ako, I'm...sorry."
Napalingon siya sa gawi ko. Nakita ko ang pagtataka sa mga mata niya at pagkunot ng noo niya.
"You? What? As far as I can remember, I never said anything that would hurt you. You know how much I love you, I can't hurt you. I will never hurt you."
Tumingin ako sa itaas para hindi tumulo ang luha ko. Kinalma ko ang sarili ko. Hindi ko siya makakausap ng maayos kung iiyak lang ako.
"Hindi naman nanggaling sayo, Black." Tumingin ako sa kanya kahit nangingilid ang luha ko.
"Kinausap ako ni Hera, sinabi niya sa akin ang tungkol sa inyo. Sinabi niyang may naging relasyon kayo dati, na mahal na mahal niyo ang isa't isa. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga oras na 'yon. Sinasabi ko sa sarili kong hindi ka gano'n, na hindi mo ako sasaktan. Hindi ko matanggap na niloko at pinaglaruan mo lang ako, na ginamit mo lang ako, na panakip butas ako. Sinabi niyang nagkabalikan na kayo, ayaw ko sanang maniwala sa mga sinabi niya pero sinasabi ng kalahati ng puso ko na paniwalaan siya. Gusto kitang kausapin at kumprontahin sa mga nangyayari kaso pinangungunahan ako ng sakit dito." Tinuro ko ang bandang puso ko.
"Idagdag mo pa ang palaging madaling araw na kayong umuwi. Gulong gulo ang isipan ko. Kahit na anong sabi ko na wala lang iyon, hindi pa rin sapat. Nakita ko kayo, Black. Sa rooftop noong hinalikan at niyakap ka niya, nakita ko kayo. Noong nasa field kayong dalawa ni Hera, sobrang lapit niyo pa sa isa't isa, nakita ko kayo. Sa cafeteria noong lunch break, nakita ko kayo. Naghalo-halo na ang mga emosyon ko noong araw na 'yon kaya naging gano'n ako at nasabi ko sayo ang mga masasakit na salitang 'yon. Ang sakit, Black. Sobrang sakit, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi ko lubos maisip ang nangyari, na ginawa mo sa akin 'yon." Tumulo na ang mga luha ko, hahawakan niya sana ako pero inilingan ko siya. Baka mawalan ako ng lakas ng loob.
Kahit na alam ko na ang totoo hindi ko pa rin mapigilang masaktan.
"Hindi ko matanggap ang katotohanang...pinaikot mo lang ako."
Tumayo siya sa at hinawakan ang kamay ko. Tiningnan ko ang mga mata niya, nakikita ko roong nasasaktan din siya.
"You know that I love you so much, right? I can't do the things that would hurt you. I will never make you a rebound. I love you because I love you, and it won't change forever. I don't know why I am so inlove with you." Pinunasan niya ang luha sa pisnge ko gamit ang hinlalaki niya.
"If hurting me can get rid of the pain you are feeling, I will accept that. I'd rather die than to lose you. You are my queen, my priority, my only women, my everything. Losing you is what I feared the most, my love."
Sumubsob ako sa dibdib niya. Doon ko inilabas ang mga luha ko. Bakit ko ba nagawang saktan ang lalaking ito? Dahil sa isang kasinungalingan ay muntik nang masira ang relasyon namin.
YOU ARE READING
Owned By The Mafia Lord
RomanceDazia Montenegro is a girl who's living a normal and simple life not until her wicked Aunt drags her inside the Underground Club where dangerous people gather to buy women they can toy with. She keeps on questioning her worth and asking herself why...