CHAPTER 32

1.8K 79 0
                                    

Dazia POV

"Si Drein?" Kunot noong tanong ni Dannica na nginunguya ang lumpia habang nakatingin doon sa pwesto nila Red.

Umiling si Thania.

"Red?"

"Josh?"

"'Yong blonde hair?"

"Iyang naka-jacket?"

"Gaga! Hindi ko sinabing nasa table nila Drake!" Bulyaw ni Thania sa amin. Napakamot ako ng batok at sinubo ang pagkain ko.

"Iyong nasa likod ng table nila. The guy with the glasses."

Nabaling ulit ang atensyon namin doon. Nakita namin sa likod ng table nila Drake iyong nerd na mag-isang kumakain.

"Si Liam?!" Nanlalaki ang mata ni Dannica.

"Yeah? He's cute. Malayong malayo sa mga nami-meet kong guy." Sagot ni Thania

Napailing na lang ako sa dalawa. Mukhang nabihag ang puso ni Thania ng isang nerd.

"Oo naman! That's Liam Gregerson, my cousin!" Tumatawang sabi ni Dannica.

"Weh, hindi nga?" Tanong ko, lumapad ang ngiti nito.

"Well, he's my cousin sa side ng Mommy ko." Tumango kami sa sagot niya.

"By the way, magaling ka na ba talaga, Daz? Dapat hindi ka pa pumasok, kalalabas mo lang kapahon sa hospital." nag-aalalang saad ni Thania.

Tumango ako sa kaniya.

"Okay na ako. Kung hindi ako papasok mas lalong hindi ako makakahabol sa lessons. Malapit na ang finals, ayokong bumagsak." Tinali ko ang buhok ko.

"Ang weird nga ng mga estudyante rito. Pagpasok ko pa lang kanina nagbu-bulong bulongan na sila." Dagdag ko.

Napakunot ang noo nilang dalawa at tumigil sa pagkain.

"Hindi mo alam?"

"Ang alin?" Kunot noo kong tanong.

Uminom muna ng juice si Thania bago nagsalita.

"Viral ang ginawa mong pangba-busted kay Kyle. Kalat na kalat ang video sa buong NEU. 'Dazia Montenegro rejected the heir of an elite family' hot topic ka kaya buong linggo rito ang daming mga echoserang sinisiraan ka. Muntik pa nga kaming makipagsabunutan sa mga estudyante rito nang marinig namin ang mga iyon." Napairap si Thania sa kawalan na parang bwesit na bwesit sa nangyari.

Kaya pala kung makatingin at makapagchismisan ang mga nadadaanan ko ay para akong kriminal. Alam ko namang mali ang sinabi ko kay Kyle no'n kasi nagmamadali ako pero siguro okay na rin iyon. Nanghihinayang lang ako sa pagkakaibigan namin. Kahit papaano ay may pinagsamahan din naman kami.

"Lalo na iyong Farah na iyon, yung kaklase ni Kyle. Mas masahol pa sa hayop ang ugali ang daming sinasabing masama about you." Gigil na dagdag niya, nakikinig lang sa amin si Dannica.

Nagkibit balikat ako. Kilala ko si Farah, iyong class president sa section nila Kyle. Mala-Hera rin ang ugali no'n pero mas malala lang talaga si Hera kaysa sa kaniya.

Pinagpatuloy namin ang pagkain namin. Umingay ang cafeteria nang may magbukas ng pinto. Pumasok ang grupo nila Kyle, nagkatitigan pa kami pero umiwas kaagad ako. Alam kong nasaktan ko siya sa nangyari pero wala akong magagawa kung hindi humingi na lang ng tawad.

"Siguro mahihiya na iyang si Dazia."

"Anak ng Top 14 billionaire iyong binasted niya kaya dapat lang na mahiya siya."

"Ang swerte niya naman."

"Kung ako sa kaniya sinagot niya na lang sana si Kyle. Gwapo na talentado pa, bonus na lang ang pagiging mayaman."

Owned By The Mafia LordWhere stories live. Discover now