CHAPTER 5

3.9K 151 7
                                    

Dazia Pov

"Are you one of my brother's bed slave?" dagdag pa niya.

Nakayuko pa rin ako. Natutup bigla ang bibig ko. Parang umatras ang dila ko at hindi ako makapagsalita.

"Ay! Señorita Coleen, nandyan na pala kayo," saad ni Manang na galing sa kusina. Lumapit siya sa amin.

"Hello, Manang. I'm asking this lady who she is but she's not answering me." Sagot nong tinawag ni Manang na Coleen.

"Girlfriend siya ng Kuya mo, Señorita." 

Nakita ko ang pagkabigla sa mga mukha nila pero bigla ring nawala. Napaiwas ako ng tingin.

"Brat, look. She's too innocent to be your brother's bed slave," sabi nong babaeng morena.

"I'm so sorry. By the way, I'm Coleen. Kuya Black's little sister." Pakilala ng babae. Nawala na ang katarayan sa mukha niya at napalitan 'yon ng ngiti.

"I'm Leanna, Black's sister-in-law. Call me Ate Lea na lang." Nakangiti ring pakilala nong babaeng morena.

Nginitian ko sila, "Dazia po, nagagalak akong makilala kayo."Nakipaghandshake ako sa kanila.

"Sorry about earlier. Medyo hindi lang talaga maganda ang araw ni Coleen kaya bastos magsalita." Paumanhin ni Ate Lea.

"Yeah, sorry, Ate. I'm not really in the mood right now that's why I'm rude." Paghingi ng tawad ni Coleen.

"Nako, okay lang wala 'yon. May brownies sa kusina, gusto niyo po bang tikman?" nakangiti kong tanong. Tumango naman sila.

"We loved to," sabi ni Coleen. Nilagay nila sa sofa ang mamahaling bag nila at sumunod sa kusina.

Hinain ko na ang brownies. Hindi ko alam kung masarap ba 'to. Naglaga si Ate Lea sa platito niya at tinikman ito. Pinagmasdan ko siya, baka hindi kasi masarap. Nakakahiya kung hindi masarap ang ipapakain ko sa kanila.

"You did a great job," sabi ni Ate Lea at nagthumbs up habang ngumunguya. Natawa ako. Pati si Coleen ay kumain na rin.

Binigyan ko rin sila Manang. Marami naman ang niluto ko, e.

"You know what, Ate Dazia. You can be a model. Do you want to join? I will contact my manager. It's just that, you are really qualified to be one."

Umiling ako sa alok ni Coleen.

"Wag na, Coleen. At saka, wala naman akong skills sa pagmomodel. Salamat sa imbitasyon." Nakangiti kong tanggi at sinubo ang brownies.

"You were really qualified, Ate Dazia. But if you don't want to, I won't force you."

Nag-usap kaming tatlo. Pagkatapos naming kumain ay si Mira na ang nagligpit. Tutulong pa sana ako kaso sabi niya 'wag na raw.

Nasa sala kami nina Ate Lea. Kinekwento niya ang love story nila ni Kuya Bruce, ang Kuya ni Black. Kung paano sila nagkakilala. Si Coleen naman ay kinekwento kung gaano ka protective ang parents at dalawang Kuya niya. Naiirita raw siya kasi hindi niya masyadong nagagawa ang gusto niya, pero tama rin naman ang Mommy at Daddy niya. Bunso siya at nag-iisang babae. Normal lang na ganun umakto ang mga magulang at mga Kuya niya, at saka, wala pa siya sa legal age.

Kung una mong titingnan si Coleen at Ate Lea ay masasabi mong maldita at mataray sila. Pero kapag natagalan mo na ay mababait naman sila at madaldal.

Alas cinco na nang dumating si Daisy. Pinakilala ko siya kayla Ate Lea. Nagustohan naman nila ang kapatid ko, sinali nga rin nila sa kwentuhan.

Bandang alas syete nang dumating si Black kasama si Dylan. Nakahanda na rin ang hapag. Tutal gabi naman na ay inaya ko sina Coleen na dito na maghapunan. Napansin ko ang pasa sa gilid ng labi ni Black ng tumingin siya sa akin.

Owned By The Mafia LordWhere stories live. Discover now