Chapter Two

153 12 5
                                    

Author's Note: To see Andrew (Yoshihiko Hosoda) .. Tingin kayo sa right side. Scroll it down..------------------------------------>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

============================================================================

Chapter Two:

Me-Anne's POV

Two months na din ang nakakaraan ng sagutin ni Coreen si JB. Ayun, inggit lang naman ang peg ko. Minsan nga parang nang aasar yung dalawang yun. Alam mo yung parang nang iinggit. Niyaya kasi nila ako sa DATE nila. Take note huh! NILA. Hindi NAMEN. Ano ko? Singit! Extra! Moment nila yun nu. Simula din nung naging sila. Hindi ko na masyadong pinapansin si JB. Way ko na rin to para mawala tong feelings ko nu. Lalandi na rin ako. Para tuluyan ng mawala. Kasi pag andyan si JB, di ko mapigilan e. Haayyy! Kahirap naman nito. >o<

December na nga pala ngayon. Kaya mukhang SMP ako ngayon. Hahaha. Nakow. Bakit ko ba iniisip yan. Eh ano kung SINGLE ako? Bakit para sa may relasyon lang ba ang pasko? Panlahatan yun nu. Tsaka. Di ba? Pag-alala yun ng kapanganakan ni Jesus. ANg ating tagapag-ligtas. Ano yung sense ng pagbo-boyfriend at paggi-girlfriend. Di ko talaga ma-gets. :D Hihih. Two weeks na lang pasok namen. Balita ko nga may Christmas Ball sa school namen. Shh! Dameng kaartihan! Pwede namang wala ng ganun. Matutuloy naman ang pasko kahit wala nun.

Hay. Change Topic na nga tayo. May bago nga pala kameng classmate. Andrew yung name. Grabe! Ang yabang nun. Nakaaway ko nga agad. Ewan ko ba? Bakit lagi akong binu-bully ng mga tao dito? Para kameng aso't pusa nun. Close na nga sila ni JB e. Pano magkaugali? Di ko nga pala nasabi sa inyo. Enemies kame dati ni JB. Lagi kasi nya kong inaaway. Lage nya kong pinag-ti-trip-an at inaasar. Masarap ba kong awayin?

Pero, mas malala ang sapak sa utak nitong Andrew na to. Hmmm. gusto nyo ba ng example ng ginawa nung Andrew panget na yun sakin.

******************FLASHBACK******************

1 week after mag-transfer si Andrew

May kinukuha ako sa pag ko. Ng bigla may gumapang na ipis sa kamay ko. Papunta sa taas ng braso ko. (Na-iimagine nyo ba?) Syempre ako. Winagayway ko yung kamay ko. Aba! Lumipad. Pumunta sa loob ng blouse ng uniform ko, hanggang pamunta sa likod ko. Umiiyak na ko, dahil takot ako sa ipis. At pumasok pa sa loob ng blouse ko ramdam na ramdam ko yung pag gapang nung ipis. Talon ako ng talon.

Tinulungan naman ako ni Angeline tanggalin yung ipis. "Wait Bessy. Wag kang malikot." sabi nya.

Ako----->> *Hikbi* *Iyak* *Hikbi*

Sabihin nyo ng OA ako. Dahil ipis lang iniiyakan ko. MAy phobia ako dun nu. Secret ko na yun kung bakit.

Anyway, Tapos nung matanggal na.. napansin ko na lang na bukod tangi ang tawa ni Andrew. Natawa naman lahat. Pero, sya yung may halong asar. Tinignan ko sya ng masama. Sabay sabi nya....

"Alam mo Me-Anne. Nakakatawa ka talaga! Sarap mong pag trip-an e. Kung nakita mo yung itsura mo. Hahahahaha. Paiyak-iyak ka pa. Hahahahah. Iyakin! Hahahaha. Iyakin!!!! Hahaha" Tuloy-tuloy na sabi nya.. with matching hawak sa tiyan nya.

Gago to a. Kabago-bago pa lang! Pinunasan ko yung luha ko. At kinuha ko yung walis tambo. At dali-daling pumunta sa kina-uupuan nya. Tumayo naman sya agad. At akmang tatakbo. Buti na lang. Maliksi ako! Hinawakan ko sya sa buhok. Hinatak ko yun at hinampas sa kanya yung walis tambo.

Sabihin nyo ng sadista ko. Pero gagawin ko ang lahat. Mapatay at makaganti lang sa hayop na yun. Ang lakas ng loob. Bago pa lang yun a.

******************END OF FLASHBACK******************

Saving Forever For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon