Author's Note: This is the chapter Seven. Pasensya na sa mga OA na scene sa Story ko. Hihihi.
===========================================================================
Chapter Seven..
Nicole's POV(JB's and Ericka's Mom)
Nagulat ako ng makita kong akay-akay siya ng isang babae.
"Good evening po!" Mukhang nahihirapan siya. Mabigat kasi ang anak ko. Matangkad pa. At medyo maliit sya. Pero, ngumiti pa rin sya.
"What happened?" Nag-aalalang sabi ko.
"Ahh. Lasing po ata tong si JB e. Kayo na po bahala sa kanya. Nakita ko lang sa daan e." Ngumiti ulit yung babae. Mukha namang mabait at sigurado ako, hindi lasing yung babae.
"Salamat hija!" Lumapit ako sa kanila at kinuha ang anak ko. Ano ba namang nangyari dito?
"Hija! Pumasok ka muna.At makapag miryenda man lang." Pang-aalok ko sa kanya.
"Ayy. hindi na po. Salamat po." Ngumiti ulit siya. Smiling-face pala itong batang ito.
"Ano bang pangalan mo? Para naman, bukas na bukas din makapag-thank you sayo si JB."
"Me-Anne po. Pero mas mabuting wag nyo na po banggitin na ako ang naghatid sa kanya dito." Wag sabihin? Bakit kaya? Hmmm. Somethings fishy here. Hehehe.
Nag-vow siya at umalis na. At pinasok ko na si JB sa loob ng bahay.
*********************
JB's POV
"Anak?" *Tok* *Tok* *Tok* Hayy. Si Mommy talaga. Umagang-umaga nambubulabog. 5:30AM pa lang e. 7:30AM pa pasok ko. At malapit lang naman ang school namen sa bahay namin.
Babangon na dapat ako nang.. "Ouch!" Hinipo ko ang kumirot na ulo ko. Ang sakit! Eto ba ang tinatawag nilang HUNG-OVER. Ewan ko. First time ko kagabing mag-inom. At teka! Pano ako nakauwi. *ISIP* *ISIP* *ISIP*. Ahhh. Bahala na. Wapakels na ko dun. Basta nakauwi!
"Anak bumangon ka na. Maligo na at magbreakfast!" Sigaw ni mommy sa may pintuan ko. Ang lakas ng loob mambulabog. Kame lang kasi sa bahay e. Wala si Daddy.. nasa ibang bansa. OFW sya. Wala din kameng katulong. Ayaw ni mommy. Para daw hindi kame maging tamad ni Ericka, yung kapatid ko. Dalawa lang kasi kame e.
"Opo mie. Maliligo na ko." Hindi ko na binagbuksan ng pinto. Sumagot na lang ako. Pag hindi kasi ako sumagot, hindi titigil yun.
Naligo na ko. Nagbihis at bumaba. Pagka-baba ko. Dumaretso agad ako sa kusina. Nakangiti si Ericka. Yung ngiting nakakaloko. Yung parang may alam siya na hindi ko alam.
"Goodmorning Kuya!" Bati nya sakin. Masiglang-masigla. Umupo na ako sa harap nya. At nagsimulang kumuha ng Fried Rice at Hotdog.
Ilang sandali pa.. umupo na rin si mommy sa tabi ni Ericka. Hmmm. Parang iba kinikilos nitong dalawang to. Nagtitinginan, tapos tatawa, tapos titingin sakin. Tapos ngingiti. Nababaliw na kaya sila?
"Anak. Bakit ka nga pala lasing kagabi? May problema ka ba? Nag-away ba kayo ni Coreen." Oo nga pala. Alam ni mommy tungkol kay Coreen. E pinakilala ni Coreen, sarili nya e. May magagawa ba ko?
"At kuya? Sino yung girl na naghatid sayo?" Napatigil ako sa pagsubo. Babae. Sinong babae? Naghatid? Wala naman kameng babaeng kasama mag-inom e.
"Ano bang pinagsasabi nyo huh?" Tanong ko sa kanila. Gusto ko malaman. Sino nga kaya yun? Bat di ko naman natatandaan na may kasama ako kagabing babae.
BINABASA MO ANG
Saving Forever For you
RomanceLove Story po ito ng dalawang taong parang ewan lang. Lihim na pagtitinginan. At kung ano-ano pa. This story will show you that LOVE CAN LAST FOREVER. And the word FOREVER is still existing. Hanggang saan ang kaya mong gawin sa pagmamahal? Anu-ano a...