Chapter Nine

91 5 3
                                    

Chapter Nine...

Me-Anne's POV

Ilang araw na lang, JS prom na. Pangalawang beses ko na umaattend ng JS. Excited ako na nalulungkot. Na-e-excite kasi, hindi ko alam kung anong mangyayari. Pero.. alam ko magiging masaya to. Nalulungkot ako. Kasi, last JS prom ko na to. Di ba nga? Ga-graduate na kame. Hmmm. Iniisip ko pa lang naiiyak na ko.

"Bessy.?" Pagtawag sakin ni Angeline. Yung tono ng boses nya. Parang may bad news. Hawak nya yung cellphone nya. Tinignan ko lang sya, na nagtatanong yung mga mata ko. Binigyan ko sya ng.. What's-going-on?-Look.

"Bessy. Kailangan mong makita to." Inabot nya sa kin yung cellphone nya. Isang video ang pinakita nya sa kin. At ang bida ay sina.. Rox at Andrew. Naghahalikan. Wow. May video pa talaga.

Naluluha na ko. Kailan pa nila ginagawa to? Kailan pa nila ko ginagago? Isa lang ang gusto ko ngayon. Puntahan sila. At pagsasapakin ang mga mukha nila. Hanggang mas maging gwapo ang aso sa kanila. Mga walanghiya sila. Tumayo na ko. Pero hinawakan ako ni Bessy.

"Saan ka pupunta?" Tanong nya. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko. "Bessy. Calm down." Nangangatog ako. Hindi ko alam pero parang gusto ko magwala. Ganito pala masaktan. Ganito pala ang pakiramdam ng ginagago.

"Kailangan ko silang puntahan!!" Sabi ko. At tuluyan ng kumawala ang mga luha ko. Niyakap agad ako ni Angeline.

"Bessy. Calm down please. Ayokong may mangyari sayong masama. Alam mo naman ang katawan mo di ba?" She's referring to my condition. Hindi naman ako fragile. Tulad ng inaakala ng iba. Hika lang naman to. Pero, ilang beses na rin akong na-o-ospital dahil doon.

"Bessy. Bakit sila ganun?" Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Ang daming tanong sa isip ko. Pero, ni isa, wala akong masagot. Ang daming bakit sa isip ko.

"Everything has a reason. Kaya ko pinakita yun sa yo. Ayokong maging tanga ang best friend ko. You deserve someone better." Hinihimas nya ang likod ko. Kilala ko si Bessy. She will do everything.. wag lang mapahamak ang kaibigan nya. Kahit masakit. Kahit masasaktan ka. Pero kung yun naman ang paraan para magising at maging aware ka. Gagawin nya.

"Yeah. I know." Lumuluha pa rin ako. Pero mas relax na ko kaysa kanina. Pero.. Marami pa ring bakit. Bakit nila nagawa yun? Bakit nagawa ni Andrew yun? May ginawa ba ko para magkaganun ang lahat? Puro tanong. At gusto ng sagot.

Tinanggal ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Ganun ang ginawa nya. Tinitigan nya lang ako na para bang nagtatanong kung anong plano ko. Ano nga bang plano ko? Ngumiti ako. "Makikipaglaro muna ko. Gusto ko. Ako mismo ang makahuli."

"Sira ulo ka ba?" Mas maganda kung ako mismo ang makakahuli. At least ngayon aware na ko. May feeling kasi akong pwedeng aksidente lang yun.

"Aksidente? May aksidente bang may napadikit na labi ng babae sa BF mo. At tumugon naman siya." Sabi ng isip ko. Hmmmm. Kontabida talaga tong utak ko. KJ e.

"Bessy.. Let me do this." Hinawakan ko sya sa balikat nya.

"O'sige bahala ka. Nandito lang ako. Re-resback" Kung maka-suggest naman ng resbak to. Kala mong bugbugan ang gagawin ko e. HAHAHA.

(PASS FORWARD) >:)

Ganun nga ang ginawa ko. I act like i dont know what going on. Napansin ko din na balisa si Andrew. Parang may gusto siyang sabihin sakin. Ang balak ko kasi. Sa mismong party ako makikipagbreak. Ilang oras na lang ang hihintayin ko. Actually, hindi ganung kadali ang gagawin ko. Almost one year ang pinagsamahan namin. At yun yung sina-sacrifice ko. Buti na lang pala, hindi ganung katindi ang pagmamahal ko sa kanya. Kundi.. baliw na ang lola nyo. HAHAHA.

Saving Forever For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon