Chapter 21:
Me-Anne's POV
Pagkadating ko kagabi, tinext ko agad si Endrick. Kinamusta ko ang lagay ng Daddy nya. Okay naman daw. Stress lang daw. Pero, kailangan daw mag-ingat sa susunod. Nakwento ko na rin kay Angeline yung tungkol kay JB. Gulat na gulat nga siya e. At tinatanong nya kung anong naging reaction ko. Syempre, sinabi ko na awkward. Sabi nya, hindi na daw siya magtataka. Pero AKO. Nagtataka pa rin ako sa puso ko. Tae. Ang gulo huh!
Dalawang araw na rin ang lumilipas ng magkita kame ulit, sa maling place. Hayyy. Nabalitaan ko din na nag-enroll si JB sa school namin. Kaya schoolmates kame. Hindi pa rin namin sinasabi kay Endrick na magkakilala kame. Hindi ko alam kung ano ang motibo si JB. Pero, ako, Ayoko ng magulo. Siguro, mas maigi na to. Nakuwento ko kasi dati kay Endrick na minsan na kong nainlove sa taong ni-reject ako. Ayoko namang malaman nya na ang taong yun ay ang bestfriend nya. Basta! Feeling ko. Hindi tamang sabihin ko pa.
Maya-maya lang, darating na sila JB at Endrick. Hindi ko alam, pero parang ayoko na siyang makita ulit.
"Bessy. Oo nga pala. Wag kang magpahalata na kilala mo si JB aa."
"Bakit?" Kahit siya nagtataka.
"Kasi nga di ba? Parang tinaggi nya na kilala nya ko. So, baka ganun din gawin sayo. At hindi JB tawag sa kanya ni Endrick. Bryan!" Pag-e-explain ko sa kanya.
"Aaa. sabagay. Sige. bahala kayo sa buhay nyo!"
+=+=+
Angeline's POV
Hanggang ngayon, gulong-gulo pa din ako sa LOLA nyo. HAHAHA. Naguguluhan ako sa happenings. Eto namang buhay ng Bessy ko. Parang Teleserye lang. Biruin mo, BF nya. At ang taong minahal nya, na sa tingin ko, hanggang ngayon e may feelings pa siya, e mag BESTFRIEND pala. Kaloka!
Tulad sabi ni Bessy. Itatanggi nga ako ni JB na kilala nya ko. Grabe. May amnisya ba tong lalaking to? Batukan ko kaya to! HAHAHA.
Magkakasama na kame ngayon dito sa Mall. Lakad dito. Punta doon. Nakakapagod na nga e. Hinihingal na ako.
"Pre, Angeline. Punta lang kame don huh. Dito lang kayo." Buti yan! Wag nyo na kameng isama. Nakakapagod kayong kasama e. At moment of Truth na din to. Kailangan ko din malaman kung ano bang problema nitong Lalaking to.
Umalis na nga sila. Pero, bago sila umalis. Abay! Nagtitigan pa sila Me-anne at JB. Huwaw! Eye-to-eye contact ang drama. Nung nawala na sila sa paningin ko. Bumaling agad ako kay JB na nakatingin kung saan.
"Hoy! JB. Este. Bryan pala!" sarcastic na sabi ko. Pero, hindi ako nilingon. Tinignan ko naman kung saan nakatingin ang mata ni JB. And Boom! Dun pala kila Endrick at Me-Anne na nasa malayo na.
"Hey JB." This time, kinulbit ko na siya. At buti na lang lumingon na siya. Kundi, I 'll kill him. HEHEHE. Joke lang.
"Oh?" Tipid na sagot nya.
"Anong drama to?" I'm referring dun sa mga kinikilos niya. Hindi ko po kasi talaga maintindihan ang lahat-lahat. I need some explanations.
"Ang alen?" Inosenteng tanong nya.
"Ito! LAHAT to! Bakit kung umasta ka. Parang ngayon mo lang kame nakilala. Aber!!!" Tanong ko sa kanya, with matching pagsusungit.
"Aa.. yun ba?.. K-kasi?" Biglang nalungkot ang boses nya. Ang weird talaga nito. Pero? Bat siya nalungkot? "Ayokong manggulo!" Wait! Ayaw nyang manggulo? Ano bang iniiyak nito? Bakit naman siya manggugulo, di ba?
Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong bang pinagsasabi mo?" Tanong ko sa kanya.
"Alam mo naman na Drick and I, are bestfriends.." Pinutol nya ang explanation nya. Dahilan para magsalita ako.
"And???" I said asking.
"May hinahanap kasi akong babae, Angeline." Hindi ko alam pero, nadala ako sa tone ng voice nya. Bigla naging seryoso at sincere. Na parang hihikayatin kang makinig sa kanya. "She's the most important woman in my life. Years ago, umamin sya sakin na mahal nya ko. But-----" Nagbuntong hininga siya. "But, I rejected her. May dahilan naman ako kung bakit ko nagawa yun. Tapos nun. Hindi ko na sya nakita. Then, I decided to find her. Hindi ko naman akalaing GF pala siya ng BESTFRIEND ko."
Para akong tanga, dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Natulala at na-shock ako sa sinabi niya. Hinahanap nya si Me-Anne? Hindi man nya sinabing mahal nya ang Bessy ko. Parang ganun na din yun di ba?
"Angeline? Huli na ba ko?" Hindi ko alam bat nya natanong yun. Pero, para kong naawa sa kanya. I want to help him.
"I guess.. Hindi pa naman." Mahina kong sabi.
"Sa tingin mo.. mahal nya pa ko." Tanong nya muli. And this time, tumingin siya sa mga mata ko.
"I'm not sure. But..I guess.. Konti." Sagot ko. Hindi ko sinabi yun para paasahin siya. Sinabi ko yun, kasi yun ang palagay ko.. Nadadala ako sa kaseryosohan nya. Bestfriend ko si Me-Anne. And I know. Mahal nya pa si JB. Mahal nya rin Endrick, pero alam ko, mas matimbang si JB. At tungkol naman kay Jb at sa reject-moment dati, Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit nya nireject si Me-anne. Alam ko ngayon na seryoso sya. Pero, hindi nya magawang lumaban, kasi nakataya ang friendship dito.
At ewan ko, gusto ko siyang tulungan. Pero, paano? Paano ko siya tutulungan ng walang nasasaktang tao?
========================================================================
Author's EPAL: Parang ayaw ko ng pagpatuloy tong story na to. Pero, for the sake of JB and Me-Anne. I will. :'(
<Epic-FAIL>
BINABASA MO ANG
Saving Forever For you
RomanceLove Story po ito ng dalawang taong parang ewan lang. Lihim na pagtitinginan. At kung ano-ano pa. This story will show you that LOVE CAN LAST FOREVER. And the word FOREVER is still existing. Hanggang saan ang kaya mong gawin sa pagmamahal? Anu-ano a...
