Chapter Four

95 11 0
                                    

Chapter Four:

Me-Anne's POV

Dito na kame sa gym. Dito kasi gaganapin yung Christmas Ball. Kasalukuyang nanonood kame ng Play na pineperform ng Theatre Group/ Drama Club. Pinapakita nila kung paano nangyari na ipinanganak si Jesus Christ.

Kaninang 7pm nagsimula ang party. Syempre sinumulan ng isang prayer. Tapos itong play. 8:30pm na. Nandon na sa part na dumalay ang 3 wise men. Kahanga-hanga talaga ang kapanganakan nya. Imbis na sa panuluyan. Isinilang lang sya sa isang sabsaban. Pagpapakita ng pagpapakababa ng anak ng Diyos para sa atin.

"Wui. Bessy? Di ka nagugutom!" Hahaha. Natawa ako sa mukha ni Angeline. Mukhang gutom na sya. Nakakaawa e. Bali nasa left side ko sya. At nasa right side ko naman si Andrew. Katabi nya sa right side nya si JB at Coreen. Bali ang seating arrangement mula kay Coreen ay:

Coreen | JB | Andrew | AKO | Angeline | Rob

Nakalimutan kong sabihin na kasama namin si Rob. Yung star player ng basketball dito samen. Nanliligaw ata sa friend ko yun e.

"Hindi e. Kumain ako before pumunta dito!" Sagot ko kay Bessy.

"Tara! Kain tayo!" Si Rob yung nagsalita. Tumayo na rin siya. At iniabot ang kamay niya kay Bessy. Parang hinihingi. Alam nyo yung kapag gustong makipagsayaw. Parang ganun. ^___^

"Ahh. Okay" Iniabot naman ni Bessy ang kamay niya.

Pagkaalis nila saktong tapos ng play. At nagsasalita na ang Principal..

"Goodevening students!" Bati nito samin. Aba! Hanep ang principal. Kahit matanda na. Sexy pa din sya sa Black cocktail dress niya. Sumagot naman kaming mga students. "Good Evening din po Dr. Legaspi."

"Mukhang handang handa na kayo sa party na to. Kaya naman di ko na papahabain. Let the Party Begin!" Pagkasabi nya nun ay tumugtog na ng mga party songs. Yung mga party-party. Yung mga kantang nabibingi ang ear drums mo. Haayyy. Ayoko talaga ng maingay na party. Sabagay.. party nga e. Alangang makarinig ka ng nakakaantok na song..like.. prayer songs. Hihihi.

Inayos na din ng mga istudyante ang mga upuan para maging open ang dance floor.

****************

Nakaka-limang songs na din. Ngayon ang nagpe-play ay ang STARSHIP ni Nikki Minaj.

♫♪ Starships were meant to fly

Hands up and touch the sky

Can’t stop ‘cause we’re so high

Let’s do this one more time

(Oh oh, oh oh) ♫♪

Nag-e-enjoy na ang mga nagsasayaw ng paltan ang party songs ng isang love songs. Yung iba medyo naiinis. Kaw ba naman sumasayaw sa gitna ng biglang paltan ng songs, di ba? Baka masapak mo pa DJ nun. Whahaha.

♫♪ Now Playing:  No Ordinary Love- MYMP ♫♪

This could have been just another day

But instead we're standing here

No need for words it's all been said

In the way you hold me near

Hindi ko alam pero bigla akong napatingin sa kinauupuan nila JB. Pero wala na sila don. Nasa dance floor na sila. Nagsasayaw.Bigla na lang akong nalungkot.

"Sana ako na lang siya. Sana ako na lang ang kasayaw niya." Sa isip-isp ko.

"Pwede ba kitang isayaw?" Tinignan ko si Andrew. Nakatayo siya sa harap ko. At nakalahat ang kamay niya. Nakangiti siya. Iniabot ko ang kamay ko. Wala namang masama kung pagbibigyan ko siya.

Saving Forever For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon