Chapter 36

50 3 1
                                    

Author EPAL: Ang ikli ng Chapter 35. Hihihih.. Well, Salamat! Kasi binasa nyo yun.

======================

Chapter 36

3rd Person's POV

Limang minuto na lang, mag-i-start na ang party ni Avah. Pero.. Wala pa rin si Benedict. Dapat siyang dumating.. Dahil wala siyang Plan B.

Kinuha nya ang phone nya at dinial ang number ni Benedict..

*Ring. Ring. Ring*

Ring lang ng ring...

*Ring. Ring. Ring*

At sa wakas sinagot nya na...

"Where the HELL are YOU!!!???" Galit na galit na sabi nya.

"At your BACK!!" sagot nya.. Lumingon naman siya sa likod nya at nakita nya si Benedict..

"Make sure you're ready!!" Tumango lang ito. Ngayon, magsisimula na ang lahat..

**

Me-Anne's POV

Nandito ko sa Party ni Avah ngayon. Sa isang maliit na Resort dito. Okay naman ang party. Una, opening remarks. HEHEHE. Joke lang. Walang Opening Remark. My host ang party. Siya ang nagdidikta ng gagawin.

Una, tinawag nya muna ang Birthday celebrant, si Avah. Oo nga pala, bati na kame ni avah. Ewan ko sa babaing yun. Pagbalik na pagbalik nya sa Italy galing sa States. Ayun, tinawagan ako for dinner. Then, nagsorry. Syempre, hindi naman ako pusong-bato. Para hindi tanggapin ang sorry nya. Kaya, we are good FRIENDS na!!! Kahit nakakagulat. Kasi nga di ba??? Dati, marinig nya lang yung first letter sa pangalan ko. Nagkakaroon na agad siya ng mga USOK sa kung anu-anong butas ng katawan nya sa sobrang galit. Aba!!! Ngayon!! Maypa-beso-beso na.

At kung dati, puro kasungitan o paniniring sinasalubong nya. Ngayon, puro smiles na. So, natutuwa na kame ni Alessandra. Miski siya, nagtataka din. Pero, never namin kinuwes-tyon. Kasi, baka magbago pa isip nya. Maging mangkukulam ulit.

Teka nga!!! Speaking of Alessandra, nasan na yung babaeng yun. Hayy.. Siguro tumba na yun. Bakit??? Kanina kasi nag-iinom siya ee.. Ganun kasi siya. Pag may party, di nya maiwasang maglasing. Adik kasi siya sa alak. Sa madaling salita, lasengera po si Alessandra..

si Avah naman, inaasikaso yung ibang bisita nya. Ayoko din namang makihalo sa mga ngayon. Ewan ko, di ko sila feel e. Kaya eto, mag-isa ko sa maliit na bar nila. Umiinom ng Marsala (Author's Note: Uri po ng Alak yun sa Italy. I'm not sure kung brand. Pero para siyang Wine) , ng biglang may nagsalita.

"Me-Anne??" Pangalan ko yun aa.. Nilingon ko siya..

"Oh!! Benedict." Nag-smile ako sa kanya. Oo nga pala, pakilala ko siya sa inyo. Si Benedict Sanchez. Half american, half Filipino. Tama po kayo ng narinig o nabasa. Isa po siyang PINOY. Kaya marunong din siyang magtagalog. Kaya hindi ko na kailangan makipag-english-an sa kanya.

"Bakit mag-isa ka???" Tanong nito.

"Ahh.. Si Avah kasi.. May inaasikasong mga friends nya... Tapos si Alessandra naman, bagsak na ata.. Hehehe" Sagot ko. Gusto ko na ngang umuwi, kaya lang, ayaw ni Avah. May ibibigay daw siya sakin. Ewan ko kung anu.. Tyaka, dahil Birthday nya. Pagbigyan ko na!!

"Okay lang ba kahit samahan na kita??" pang-aalok nito.

"Oo ba!!! Okay lang nuh!!" Tutal, nakakabore uminom ng mag-isa. Tyaka, wala namang masama, di ba??

Saving Forever For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon